Chapter 6: Bar

1136 Words
SIA . . "Chill boss baka mategi si Sera niyan sa talim ng tingin mo haha." saad ni Cael na nasa tabi ko. Narito na ako sa Bozo Bar at kasalukuyang binabantayan ang kilos ni Sera na ngayon ay nagseserve. Hindi pa niya alam na nandito ako kaya malaki laki pa ngiti nito. Sina Hera naman ay nasa kabilang table, hindi pa din nila alam na narito ako. Inabot ko iyong isang mug ng alak bago ito dahan dahang ininom. Kakarating lang din ni Cael galing sa bahay nila, nakasalubong ko lang siya sa labas ng bar. "Bat butas iyang manggas mo boss?" tanong niya habang nakaturo sa damit ko. "May naka engkwentro lang kanina." sagot ko naman dahilan para agad mapatingin si Cael sakin. "Saan? at ano? Nasugatan ka ba boss? Teka sinong gang yan sugurin na ba namin? tauhan bayan ni Don P?" sunod sunod nyang tanong na ikinalapag ko sa hawak na mug. "Hindi ko kilala, naligaw lang malapit sa hq natin. Yaan mo na." sabi ko naman na ikinatango tango niya nalang. "Basta boss tawagin mo lang kami pag kailangan mo ng back up." sagot niya na ikinatango ko lang. Tumahimik na ako habang dinadama ang malakas na kanta, nilibot ko lang ang tingin sa paligid at pinanuod si Sera na pinagsilbihan ang mga naroon. Sina Hera naman sa kabilang mesa ay nagiinuman din, wala na si Alexis sa tabi ni Hera kaya napakunot ang noo ko ng makitang hindi pamilyar ang mukha ng mga lalaki na ngayon ay kasama niya. "Sino sila?" tanong ko kay Cael na ikinatingin niya sa tinuro ko. "Ah yan ba, kaibigan nila Sera yan. Nakilala rin nila yan dito simula nung kakapasok lang ni Sera sa trabahong ito." sagot ni Cael na ikinatango ko. Napangisi ako dahil binabantayan din nya pala ang dalawa kahit kasama ng dalawang babae si Alexis. Maya maya lang ay nawala ang ngiti ko ng paglapit ni Sera sa table nila ay hinila siya nung isang kasama na lalaki ni Hera dahilan para mapakandong siya sa lalaki. Tatayo na sana ako para sugurin ito ngunit pinigilan ako ni Cael. "Chill para namang hindi ko tinuturuan ang mga batang yan." saad niya dahilan para mapatingin ulit ako kila Sera. Nagulat ang mukha ni Sera at nang umastang halikan siya ng lalaki ay agad niya itong hinawakan sa magkabilang pisngi bago hinead butt ang lalaki. Naitulak ng lalaki si Sera dahilan para mahulog siya sa sahig dahil sa ginawa niya. Dumadaing naman ang manyak na lalaki habang hawak hawak ang noong namumula. Pinagtawanan siya ng mga nakakakita at kinakanchawan dahilan para mainis ito at bigla nalang hinila si Sera sa bewang na ngayon ay kakatayo pa lang. Pinilit niya itong halikan kaso pilit namang lumalayo si Sera. Napahigpit nalang ang hawak ko sa dalang mug at kaunti nalang ay gusto ng sumugod. Ng makita ni Hera ng nangyari ay balak niya sanang pigilan ang lalaking humaharot may Sera ngunit pinigilan siya nung isa pang lalaki na kausap niya. "Hayaan mo sila, usap muna tayo." iyon ang nabasa ko sa bibig ng lalaki na humila kay Hera. Agad naman pumiglas si Hera habang sinusulyapan ng tingin ang kapatid na ngayon ay mukhang nahihirapan ng kumalas sa pagkakahawak nong isang lalaki dahil may kasama na pala itong umapila. "Pucha bitawan mo nga ako! What the, hoy mga manyak bitawan niyo kapatid ko." sigaw niya pa dun sa mga lalaki ngunit parang bingi ata ang mga ito. Sinipa ni Hera ang kaharap niya sa tyan dahilan para mabitawan siya nito at agad lumapit kay Sera na ngayon ay hindi na makawala. Gigil na tumingin ako sa mga bouncer dahil wala mn lang ang mga itong ginawa, e binabastos na nga ang empleyado nila e pucha. "I guess kailangan na natin makisawsaw." saad ni Cael sa gilid sabay sulyap sakin. "Alexis!!" sigaw ni Hera kahit hindi na marinig boses niya dahil mas lalo lamang lumakas yung music ng disco. Kaya ayaw kong magtrabaho tong mga to sa bar e, baka magaya kay Heidi deputa. Agad akong tumayo at lumapit sakanila. Pagkalapit ay agad nanlaki nag mata ni Hera ng makita niya ako. "Bo-ss.. Teka umalis na kayo Jet." nauutal na sabi ni Hera at tinutulak pa ang lalaking nambabastos sakanya. Tanga ba to? "Ulol, sasama kayong dalawa samin." nakangising saad nung jet na nakahawak kay Hera. Bago tuluyang makalapit sakanila ay hinablot ko iyong sigarilyo ng isang lalaki na nadaanan ko sa tabi at agad lumapit sakanila. "What the!" rinig ko pang sigaw nung lalaki na hinablutan ko ng sigarilyo ng makalayo ako. Ng makalapit kila Hera ay agad kong ipinaso sa humawahawak sakanya ang dalang umaalab na sigarilyo. Napabitaw ito kay Hera at sumisigaw sa sakit. Napangisi naman ako at agad sinipa ang lalaking iyon sa tyan dahilan para mapaigik ito sa sakit at tumilapon sa kabilang table. "Wahhh boss help me!" rinig ko naman sigaw ni Sera at ng tignan ko siya agad sya napatikom ng bibig. "Anak ng, sugurin niyo yun!" sigaw nung lalaking nasipa ko sa mga kasamahan niya at agad sumulong. Napangisi naman ako na ikina atras ni Hera at Sera. Iyong bote na nasa mesa ay hinablot ko bago ibinasag sa mukha nung humihila kay Sera. Nagulat ang nakakita at agad nagsigawan ang mga nito. Agad nila akong sinugod ngunit bago pa ako makasuntok ng isa ay sumali agad si Cael at Alexis, sila ang nakipag away sa ibang mga lalaki na umastang sumugod sakin. Matalim na tumingin naman ako kay Hera at Sera na pilit ang ngiting iginawad sa akin. Sumugod iyong isang lalaki kaya agad kong inabot ang buhok nito at agad hinampas sa mesa. Dahil sa gulo ay napahinto ang musika at napatingin ang ibang customer, pati ang mga bouncer ay saka lang nagsilapitan para pigilan ang kami. "Labas." malamig kong sabi ng makalapit kay Sera at Hera na mukhang kinakabahan habang nakatingin sakin. May isa pang pumigil kay Sera at dahil malapit ako sakanya ay inapakan ko ang paa nito ng malakas bago siniko sa mukha. Dumugo ilong nito dahil sa lakas ng pagsiko ko, at dahil hindi pa ito natumba ay kinuha ko iyong silya na nasa sahig at inihamblos sa mukha nito dahilan para tuluyang mawalan ng ulirat. Sumunod agad ako kila Hera at Sera bago iniwan ang dalawang lalaki na sina Alexis at Cael sa loob na patuloy nakipagbasagan ng ulo. Ng makalabas ay agad kong kinuwelyuhan si Sera dahilan para mapasigaw si Hera. "Sorry po, sorry boss! Huhu. Titigil na ako, please wag niyo ako saktan." pagsusumamo nito, tinulak ko siya sa pader at matalim na tinignan si Hera ng astang mangingialam ito. "Siguraduhin mo lang, dahil pag hindi ka aalis sa trabahong yan susunugin ko tong buong bar na to." malamig kong banta bago sya binitawan. "Tawagin niyo yung dalawa't umuwi na kayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD