SIA . . "Sia iha.. long time no see!" nakangiting bungad ni Don P ng makarating ako sa restaurant na pagkikitaan namin. Kakagising ko lang ng sabihin ni Cael na inimbitahan ako ni Don P na makipagkita, pag uusapan daw namin ang paparating na date namin ni Verno, anak niya. Dalawang araw na ang lumipas simula nung nakalaya ako't nasa HQ lang ako tumatambay. Ngayon nakakapagtaka't hindi dinadaan ni Don P sa tawag ang dapat naming pag usapan. Ayaw daw nito pag usapan sa tawag dahil importante daw ito kaya dapat ko raw na puntahan. Hindi sana ako sisipot ngunit ipapasundo niya daw ako sa tauhan niya kung hindi ako pupunta kaya no choice. Huli na rin naman ito. Tinanguan ko lang siya bago naupo at tumingin tingin sa paligid. Halatang pang mayaman ang resto na kinaroroonan namin, kaunti la

