SIA . . "Isang kaha nga rin ng sigarilyo, iyong puti." sabi ko sa cashier ng convenience store na pinasukan ko tsaka nilapag ang isang bote ng alak at pera. Agad naman itong tumalima at ng makuha ko na at mabayaran ang lahat ay naupo ako sa mesa na nasa labas ng tindahan. Alas onse na ng gabi at tatambay muna ako ngayon rito, ayaw ko munang umuwi napakaingay don sa hq nagkakaraoke ang mga kasama ko. Binuksan ko iyong alak na dala bago naglabas din ng isang stick ng sigarilyo. Napangisi ako ng makitang napakatagal na rin pala nung huli kong maranasan ang ganitong katahimikan. Katahimikan kasama ang dalawang pinakamamahal kong bisyo haha. "Helppp!!!" nabasag ang katahimikan ko ng makarinig ng sigaw ng babae. Pinagpatuloy ko nalang ang paginom at hindi ito pinansin, siguro naman may

