Epilogue "SIGURADO ka ba talagang okay lang na umalis tayo do'n?" tanong ko. Marahang tango naman ang naging sagot niya habang naglalapag siya ng blanket sa ilalim ng puno. Nandito kami ngayon sa Rancho del Montanio kasama ang pamilya ko at pamilya ni Niro upang magkaroon ng simpleng salo-salo dahil sa susunod na araw na ang kasal namin na gaganapin sa Montenegro Island Estate kung saan ikinasal ang Mommy at Daddy ni Niro. Pagkatapos ng salo-salo ay bigla nalang akong hinila ni Niro patungo sa lugar kung saan una kaming nagkita. Ilang araw na rin pala ang lumipas ng magtungo kami sa Pilipinas kasama ang pamilya ko upang paghandaan ang nalalapit na kasal namin ni Niro at pakiramdam ko parang isang panaginip parin ang nangyayari ngayon. "Come here, Zheena," utos niya sabay upo sa blank

