Chapter Fifteen : Queen ______________________________ SOBRA-SOBRANG kaba ang nararamdaman ko ngayon habang pinipihit pabukas ang pinto ng kwarto. What the hell just happened? Nakalimutan ko ba talagang mag-lock kagabi? Ano'ng oras siya dumating na hindi ko man lang namamalayan? Pagkalabas ko ng kwarto ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang makasalubong ko si Rupert na halatang nagulat din pagkakita sa akin. "Rupert," I acknowledged him. "What happened to your face?" I ask worriedly nang makita ang sugat sa gilid nang labi niya at pasa sa pisngi niya. "Your guy is a madman, Zheena!" impit na bulalas niya. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko na-gets ang ibig niyang sabihin. "What do you mean?" "Oh, hell!" mura niya. "Dumating siya kagabi dito sa palasyo. And when he heard ab

