Chapter 52

1201 Words
"Asya, naririnig mo ba ako?" iyak na tanong ni Zefirine. Pero, nakapikit lang ang naghihingalong Magium young Ladynne. Ano mang oras ay maaari itong mawalan ng hininga na kinatatakutan ng Aer Flyer young Ladynne. Oo nga't malaki ang kasalanan nito sa kaniya at sa Tarll. Pero, kahit anong mangyari kaibigan niya pa rin ito. Hindi iyon magbabago. At, kasalukuyan siyang nasasaktan dahil nag-aagaw buhay ang kaibigan niya. "Asya, sandali na lang. Malapit na tayo sa Karr," sabi ni Zefirine, "Anya, bilisan mo pa!" Utos ni Zefirine sa racial pet na pegasus. Binilisan naman nito ang paglipad. Wala pang dalawang minuto ay narating na nila ang Karr. Pero, bigo silang makapasok dahil sa may harang na pumipigil sa kanila na makapasok. Sumagi sa isipan ni Zefirine ang pangyayari nang hindi makapasok si Asyanna noong unang beses nitong pumunta sa Karr. "Hindi ka pinahihintulutan ng tarangkahan, Asya," Napaisip muli si Zefirine kung paano noon nakapasok si Asyanna. "Ang amulet na pinasuot sa kaniya ni Lorde Ornelius!" bulalas niya. Hindi ito suot ni Asyanna kaya hindi sila makakapasok. Sa 'di kalayuan natatanaw ni Zefirine ang Racial Forces. "Kapag nakita nila si Asya, tiyak kong mapapahamak siya. Kailangan ko siyang ilayo muna sa kanila," usap niya sa sarili at pinalipad ang pegasus palayo sa tarangkahan. Patungo sila ng hilagang-kanluran. "Asya, gising," bulong ni Zefirine na dinaan niya sa malamig na hangin. Hindi naman siya nabigo at dumilat ng mga mata ang Magium young Ladynne. "Zefi-rine," hirap nitong sabi at ngumiti nang mapait. "Asya, kumusta? Kumusta ang pakiramdam mo?" alalang tanong ni Zefirine. "A-yos lang. Hu-wag kang mag-ala-la ma-la-yo i-to sa bi-tu-ka," sagot ni Asyanna at umubo ng dugo. "Asya. Asya. Huwag ka nang magsalita. Pakiusap, ayokong nahihirapan ka. Huwag kang mag-aalala, gagamutin natin ang sugat mo. Huwag ka lang bibitaw. Ipangako mo!" pagsusumamo ng Aer Flyer young Ladynne. Muling ngumiti nang mapait si Asyanna. Wari'y pinapakita ng Magium young Ladynne na nahihirapan na siya sa lagay niya. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya nanghihina ang katawan niya. "Zefi-rine, sala-mat sa pag-ligtas. Ka-hit na hin-di mo da-pat a-ko ini-ligtas," hirap na sabi ni Asyanna at muling umubo ng dugo. "Asya! Pakiusap huwag ka nang magsalita," pakiusap nito pero hindi nakinig ang Magium young Ladynne. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. Marahil ay nais na nitong magpaalam. Wala nang magagawa si Asyanna kung ang katawan na niya mismo ang nais na sumuko. "Pa-ta-wad kung na-sak-tan ki-ta. Pa-tawad nang da-hil sa a-kin na-ku-ha ng Rebellion ang Tarll," "Asya, wala kang dapat ipaghingi ng tawad. Batid ko. Batid kong hindi mo iyon magagawa. Nararamdaman ko. Nararamdaman ng puso ko na hindi mo iyon sinasadya," tugon ni Zefirine. "Ka-hit na. Nang da-hil sa a-kin, la-long luma-kas ang Rebel-lion. At, nga-yon na-nga-nganib ang Aztha-men," ani Asyanna. "Hindi nila pababayaan ang Azthamen. Huwag mo itong alalahanin. Isipin mo ang iyong sarili," sagot ni Zefirine. "Hin-di na kai-la-ngan Zefi-rine. Ba-tid ko nang hin-di na ako mag-tata-gal pa," "Huwag mo iyang sasabihin, Asya. Magtatagal ka pa. Maililigtas pa kita," ani Zefirine. Inangat ni Asyanna ang kanan niyang kamay at pinahid ang mga luhang dumausdos sa pisngi ng Aer Flyer young Ladynne. "Zefi-rine, i-sa ka sa mga nila-lang na napa-kabuti sa a-kin. Hindi kita maka-ka-limu-tan," ani Asyanna. "Asyanna, pakiusap lumaban ka! Anya, bilisan mo!" ani Zefirine. Binilisan ng pegasus ang paglipad. Naaawa ito sa kaniyang amo. Mababakas sa mukha ng pegasus ang lungkot. Nararamdaman din nito ang pighati at takot. "Anya, sa Aerona Village," utos ni Zefirine. Lumihis ng direksyon ang pegasus at tinungo ang direksyon papuntang Aerona Village. "Sandali na lang Asya. Malapit na tayo. Makakaligtas ka," bulong ni Zefirine sa hangin. Hindi nagtagal narating nila ang maliit na baryo ng Aerona. Ginamit ni Zefirine ang hangin para hindi sila mapansin ng mga naninirahan doon. Nagtungo sila sa maliit at medyo may kalumaan nang bahay. "Auria! Auria! Nariyan ka ba?" tawag ni Zefirine. Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang medyo may katandaan nang babae. Mahaba at maputi ang buhok nito. May karumihan ang kasuotan maging ang mga kamay. "Batid ko kung bakit naririto ang isang Filere. Hindi ba't isang pagtataksil ang iyong ginawa? Tinutulungan mo ang isang kriminal? Hindi ka ba natatakot sa maaaring kinalabasan nito?" bungad na sabi ni Auria. "Hindi ako nagpunta rito para kwestyunin mo ang ginawa ko. Narito ako para humingi ng tulong. Pakiusap, Auria tulungan mo ako. Gamutin mo ang sugat ni Asyanna. Iligtas mo siya," ani Zefirine habang buhat ang wala nang malay na young Ladynne. Tiningnan ng matanda ang Magium young Ladynne at napailing. Bumagsak ang mga balikat ni Zefirine dahil maaaring hindi na makakaligtas si Asyanna. "Wala akong kakayahang bumuhay ng patay," sabi nito na ikinalaki ng mga mata ni Zefirine. Agad niyang dinikit ang tainga sa dibdib ni Asyanna. Ngunit hindi niya maramdaman ang t***k ng puso nito. "Auria, tulungan mo ako. Pakiusap!" naluluhang saad ni Zefirine. "Pero—" "Lalong manganganib ang Azthamen kapag nawala siya! Isa siya sa mga tagapagligtas ng Azthamen. Kapag nawala siya hihina ang puwersa ng Racial Forces!" ani Zefirine. Huminga nang malalim ang matanda at sinenyasan si Zefirine na pumasok ng tinutuluyan nito. Inihiga ni Zefirine ang katawan ni Asyanna sa higaan. Agad na lumapit dito ang matanda at hinanap ang pulso nito. Umiling siya dahil wala talaga siyang maramdamang pulso. Hinawakan nito ang sugat ng Magium young Ladynne at pinakiramdaman. "Ang nakapaslang sa kaniya ay ang espada ni Asilah. Ang pinakamalakas na sandata sa Azthamen. Nasaan ang espada?" "Wala sa amin. Kusa itong naglaho," sagot ni Zefirine. "Kailangan mong mahanap ang espada para maibalik ang buhay ni Asyanna. Batid kong pinagsama niya ang lakas niya at ng espada. Batid ko ring hindi pa nawawala ang lakas niya roon. May natitira pa siyang espiritu sa espada," wika ni Auria. Nagtatakang tumingin si Zefirine sa matanda. Napaka-imposible kasi ng sinasabi nito. "Magmadali ka, Zefirine. Bago pa mahuli ang lahat," dagdag pa nitong sabi. Tumango si Zefirine at handa na sanang umalis nang bigla na lang lumitaw sa tabi ni Asyanna ang espada. "Anong ibig sabihin nito, Auria?" nagtatakang tanong ni Zefirine. "Matalino si Asyanna. Batid niyang mapapaslang siya kaya hinati niya ang espiritu niya. Ibig sabihin, hindi siya tuluyang napaslang. Mabubuhay pa siya!" ngiting sagot ni Auria. Napangiti rin si Zefirine sa magandang balita. Kinuha ng matanda ang espada at sinuri ito. "Tunay ngang mahiwaga ang espadang nito. Isa ako sa mga nakasaksi nang bigyan ito ng basbas ng Argon," sabi nito. Nagulat si Zefirine sa nalaman niya. Tinitigan niya ang espada at nabuo sa utak niya ang kasagutan na matagal na niyang gustong malaman. "Kaya pala malakas ang espada. Dahil iyon sa Argon," sabi ng isip niya. "Kung paano siya pinaslang, ganoon din siya mabubuhay," Napakunot noo ang Aer Flyer young Ladynne. Hindi niya maintindihan ang sinabi ng matanda. "Espiritu ni Asyanna, bumalik ka sa katawan niya," sabi ng matanda at sinaksak sa sugat ng Magium young Ladynne ang espada. "Asya!" gulat na sigaw ni Zefirine dahil hindi niya inasahan ang gagawin ng matanda. Pero, nanlaki ang mga mata ni Zefirine nang lumiwanag ang katawan ni Asyanna at bumangon ito sa pagkakahiga. "Asya?" Hindi pa rin makapaniwala si Zefirine sa nakikita ng mga mata niya. "Salamat," ngiting sabi ni Asyanna sa matanda. Lumingon siya kay Zefirine at ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD