Chapter 12

1514 Words
Lumitaw ako sa Depp Village, sa lupain ng mga Aqua. Ayoko sanang bumalik pa rito. Narito rin kasi ang lokasyon ng mga Mermetian, mga nilalang na may buntot. Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari sa'kin dito. Dahil muntik na akong makuha ng isang nilalang na nagngangalang Acquelous. Sana lang ay mali ang kutob ko na sa Depp Sea ang hinahanap ko. Sana ay mahanap ko kaagad ito sa loob ng nayon. Naglibot-libot ako sa merkado. Nagbabakasakaling naroon ang hinahanap ko. Pero, wala akong nahanap. Nilibot ko rin ang mga kabahayan. Pero walang piraso ng kalatas ang nakatago roon. Isang lugar na lang ang hindi ko pa napupuntahan. Ang Depp Sea na malapit lang sa Depp Village. "Sa tingin mo nasa Depp Sea kaya ang hinahanap ko?" tanong ko sa espiritu. "Subukan mo, Asya," sagot lang nito kaya tumuloy ako sa Depp Sea. Sana lang ay hindi ako maisahan ng isang Mermus. "Masyadong malawak ang dagat. Paano ko iyon mahahanap?" sabi ko sa espiritu. "Subukan mo sa malaking fountain na iyon," sagot nito kaya napatingin ako sa direksyon ng fountain. Posible kayang naroon? Agad akong naglaho at lumitaw sa fountain. May kaunting espasyo sa harap nito kaya nakatungtong ako. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng fountain. Hanggang sa may natanaw akong bagay. Isang piraso ng papel. Napangiti ako dahil nahanap ko ito at ako ang makakakuha. Sinubukan ko itong abutin pero hindi ko maabot. Medyo may kalayuan ito sa pwesto ko. "Asya, kaya mo 'yan," pagpapalakas nito ng loob ko. Sinubukan ko ulit itong abutin at nakuha ko rin. Napangiti na lang ako. Nasa akin na ang dalawang piraso ng kalatas. Walo na lang ang hahanapin ko. "Halina sa ibang destinasyon Asya!" masayang sabi ng espiritu. Tumango naman ako. Wala dapat akong sasayanging oras. Nang handa na sana akong maglaho may tumama na kung ano sa akin kaya nawalan ako ng balanse at nahulog sa tubig. "Asya!" sigaw ng espiritu. Pilit akong pumaibabaw dahil sa totoo lang hindi ako marunong lumangoy. Natatakot din ako sa malawak na anyo ng tubig gaya ng Depp Sea. "Asya! Huwag kang bibitaw!" sigaw ng espiritu. "Tulong!" sigaw ko habang hirap sa paghinga. Hindi maaaring makainom ako ng tubig ng dagat na ito. Dahil ayon sa libro, nakalalason ang tubig nito. Manghihina ang katawan mo at unti-unti kang mamatay. Pero, sabi rin sa libro may gamot para sa lason ng dagat. Kaso, tanging mga Mermetian lang ang nakakaalam. "Tulong! Kung sino man ang nariyan! Ako si Asyanna ng Gránn. Isa akong champ sa Seeker Game. Hindi pa ako maaaring mamatay. Kaya pakiusap, tulungan niyo ako!" sigaw ko. Pero, walang tulong ang dumating. Ito na ba talaga ang katapusan ko? Hindi na ba talaga ako makakaligtas? Ito na ba ang nakatakdang kamatayan sa'kin? "Pakiusap," hirap kong sabi at tuluyan nang bumigay ang katawan ko. Ito ba ang kapalit ng paglaya ko? Ito ba ang kapalit ng pagkilala sa'kin? Sana pala hindi ko na hinangad pang makalabas. Sana hindi ko na lang pinilit ang sarili ko rito. Sana pala lumayo na lang ako sa lahat. Siguro wala sana ako ngayon sa sitwasyong ito. Tumingin ako sa itaas habang unti-unting nilalamon ng dilim ang liwanag sa itaas. Nasa pinakailalim na siguro ako ng Depp Sea. At, tiyak kong hindi na ako makakaligtas. Maraming mababangis na nilalang ang nakatira rin dito. "Yanna!" sigaw ng pamilyar na boses. Nilingon ko ito at nakita ang Mermus na muntik nang kumuha sa'kin. "Layuan mo ako!" sigaw ko. Pero, nanlaki rin kaagad ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang ginawa ko. Nagsalita ako kahit nasa ilalim ako ng tubig? "Paano ka nakapagsasalita sa ilalim ng tubig?" nagtataka nitong tanong. Hindi na ito maganda. No'ng una lumabas ang kakaibang kapangyarihan sa katawan ko. Pero, isang beses lang iyon nangyari. Hindi na naulit. Ngayon naman, nakapagsalita ako sa ilalim ng tubig? Biyaya pa rin ba ito ng kalikasan? "Isa kang Magium, batid ko iyon. Paanong nakapagsalita ka?" dagdag pa nito. "Hindi ko alam. Wala rin akong alam," sagot ko. "Halika Yanna, tutulungan kitang makaahon dito bago pa—" "Hindi. Huwag kang lalapit sa'kin. Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo sa'kin," giit ko. "Paumanhin, nahumaling lang ako noon sa ganda mo," paliwanag niya at sinubukang lumapit sa'kin pero lumayo ako. "Huwag kang lumapit!" banta ko. Sinubukan kong tumayo at laking gulat ko na nakakatayo ako. Hindi manlang ako tinangay ng agos ng tubig. "Paano mo nagawa iyan?" gulat niyang tanong. Hindi ko maintindihan. Bakit nangyayari ito sa'kin? Nalilito na ako sa pagkatao ko. "Hindi ko alam," sagot ko. "Mabuti pa'y tutulungan na kitang makaahon Yanna. Maraming mababangis na nilalang dito," sabi nito pero lumayo pa rin ako. Ayokong makalapit siya sa'kin. Hindi pa rin ako nagtitiwala sa kaniya. "Halika Yanna," pagpupumilit nito pero umatras lang ako. "Hindi ko kailangan ang tulong mo Mermus!" giit ko at tuluyang lumayo sa kaniya. Sinubukan kong lumangoy paibabaw pero hindi ako makaahon. Parang may pwersang humihila sa'kin. "Tulungan na kita," alok nito at lalapit sana sa'kin nang makarinig kami ng kakaibang ingay. Ngayon ko lang ito narinig kaya hindi sa'kin pamilyar. "Yanna kailangan mo nang makaahon!" nagmamadaling sabi ni Acquelous. "Bakit?" naguguluhang tanong ko. "Mapanganib na para sa'yo ang magtagal pa rito," sagot niya. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Aaminin ko nakaramdam ako ng takot nang marinig ang ingay na iyon. Parang nagmumula kasi ito sa isang malaking nilalang. Base na rin sa lakas ng ingay nito. Pinakinggan ko itong muli. Mas lumakas pa nga ito at mas masakit sa tenga. Parang pinapasok nito ang utak ko. "Anong ingay iyon?" kinakabahan kong tanong. "Galing iyon sa isang Octai," sagot ni Acquelous. Nanlaki ang mga mata ko. Octai? Ang malahiganteng nilalang na nakatira sa ilalim ng Depp Sea? Ganoon pala mag-ingay ang isang Octai? "Paano ako makakaahon dito?" tanong ko. Desperada na kung desperada. Kailangan ko nang makaalis. Ayokong mapalabang muli. Isa pa may tinatapos pa akong laro. "Humawak ka sa'kin," utos nito kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Sigurado kang wala kang gagawin?" ani ko. "Wala, Yanna. Pinapangako ko," sensero nitong sabi. Napabuntong hininga na lang ako. Wala na akong mapamimilian pa. Desperada na talaga akong makaalis dito. Lumapit ako sa kaniya at tatanggapin na sana ang kamay niya nang bigla na lang akong tumallsik. "Yanna!" sigaw ni Acquelous. Nauntog ako sa malaking bato. Pero, mabuti na lang at hindi malakas. Kaya hindi ako nawalan ng malay. Medyo nahihilo nga lang ako. Nilingon ko ang direksyon ni Acquelous. Nasa harap niya ang higanteng nilalang. Nagngangalit ito at pati na rin ang mga galamay nito. Inaatake nito si Acquelous. Kailangan ko siyang tulungan. Hindi niya kakayanin mag-isa ang Octai. Lumapit ako sa kanila at tinulungan ang Mermus. Mabibigat ang hampas ng mga galamay ng Octai. Kapag hindi ka nag-ingat talagang mapapatalsik ka sa malayo. "Yanna, mag-iingat ka!" alalang sabi ni Acquelous. Nagpatuloy lang ako sa pakikipaglaban sa Octai nang bigla itong bumuga ng maitim na likido. "Yanna, takpan mo ang ilong mo at pumikit ka!" sigaw ni Acquelous kaya sinunod ko siya. Nakalalason ang likido ng isang Octai. Isang singhap mo lang masusunog na kaagad ang laman loob mo. Ganoon kabilis ang lason nito. Nanatili lang akong ganoon sa puwesto ko. Kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid. Kung ano na ang nangyari sa Mermus. "Asya, kailangan mo nang makaalis dito," sabi ng espiritu. "Pero, papaano?" tanong ng isip ko. "Subukan mong maglaho," utos nito. Sinubukan kong maglaho pero walang nangyayari. "Bakit hindi ko magamit ang kakayahan ko sa paglaho?" nagtataka kong tanong. Hindi nakasagot ang espiritu sa tanong ko. "Yanna, umiwas ka!" sigaw ni Acquelous pero bago pa ako makaiwas naramdaman ko na ang malakas na hampas ng galamay ng Octai. Ramdam kong tumilapon ako. Sana lang ay walang mangyaring masama sa'kin. Lalo pa't nakapikit pa rin ako. "Yanna!" sigaw na naman ni Acquelous kaya napamulat na ako ng mga mata. Wala na ang maitim na likido at malayo na ako sa kanila. Pero ramdam ko pa ring may malakas na puwersa ang tumatangay sa'kin. Lumingon ako sa likuran ko at hindi ko naiwasan ang malaking bato. Humampas ang ulo ko rito at unti-unting dumilim ang paningin ko. "Asya! Asya, gumising ka! Hindi ka pa maaaring mamatay!" sigaw sa isip ko kaya napamulat ako ng mga mata. Nilibot ko ng tingin ang kinaroroonan ko. Wala nang tubig sa paligid. Ibig sabihin nakaahon na ako mula sa Depp Sea? "Mabuti at gising ka na, Yanna," biglang salita sa likuran ko kaya agad akong napalingon dito. "Acquelous?" nagtataka kong tanong. "Akala ko hindi ka na magigising. Akala ko hindi tatalab sa'yo ang lunas na ginamit ko para mabuhay ka," sabi nito kaya nanlaki ang mga mata ko. Namatay ako? "Oo, Asya. Namatay ka kaagad nang mahampas ang ulo mo sa bato. Mabuti na lang at kinuha ka ni Acquelous at ginamit sa'yo ang lunas na ginagamit para mabuhay ang isang nilalang," paliwanag sa'kin ng espiritu. Nahihiyang tumingin ako kay Acquelous. Kung hindi dahil sa kaniya. Malamang ay napaslang ulit ako. "Salamat, Acquelous. Sa pagligtas sa akin. Utang ko sa'yo ang buhay ko," sabi ko sa Mermus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD