Chapter 13

1077 Words
"Hindi, Yanna. Huwag mo iyong isipin. Malaki rin ang atraso ko sa'yo kaya dapat lang na bumawi ako," sabi niya. Tumango lang ako bilang tugon. Tumingin ako sa kalawakan ng Depp Sea at nabuo sa isipan ko ang isang katanungan. "Nga pala Acquelous, bakit hindi ako nalason kanina nang magsalita ako sa ilalim ng tubig?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko maintindihan. Bakit nga ba hindi ako nalason? "Dahil sa ilalim ka ng tubig," sagot niya na ikinalito ko ,"nakalalason lang ang tubig ng dagat kapag ito ay natatamaan ng liwanag," Bakit hindi nasabi sa libro ang tungkol diyan? Ayaw ba nilang ipaalam ito sa lahat? "Bakit iba ang pagkakaalam ng lahat?" nagtatakang tanong ko. "Dahil proteksyon din ito sa lahat na nakatira sa Depp Sea," sagot niya. May tinatago pa lang sekreto ang Depp Sea. Sa ibang lupain mayro'n din kaya? Malakas ang kutob ko na mayroon. Aalamin ko iyon pagkatapos ng Seeker Game. "Humayo ka na, Yanna. Malayo pa ang iyong lalakbayin mo," wika niya kaya napatango ako. May tatapusin pa akong laro. Kailangan ko na talagang magmadali. "Maraming salamat muli, Acquelous. Hanggang sa muli nating pagkikita," paalam ko sa kaniya. Tumango siya at tumalikod na. Gumapang siya papunta ng tubig at lumangoy. Nang sa kalagitnaan na siya ng dagat lumingon siya sa direksyon ko. Nginitian ko lang siya. Ngumiti rin siya pabalik pagkatapos ay sumisid pailalim. "Asya, tayo na sa Toshen," sabi ng espiritu. "Pero, hindi ko alam kung saan iyon?" sabi ko at pinanghinaan ng loob. Ngayon ko lang napagtanto na magiging mahirap pala sa'kin ang Seeker Game. Hindi ako pamilyar sa ibang lokasyon na kinaroroonan ng mga aytem. Bakit hindi ko iyon naisip? Sana ay pinag-aralan ko nang mabuti ang mapa. "Ako Asya alam ko," sagot ng espiritu. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi nito. "Kung ganoon halina sa Toshen," sabi ko sa kaniya. "Pero, kailangan ko munang pasukin ang isip mo nang tuluyan, Asya," sabi nito na sinang-ayunan ko rin kaagad. Sa Toshen... "Narito na tayo sa Toshen," sabi ko pero hindi sumagot ang espiritu na palaging kausap ko. Oo, nga pala. Sumanib siya sa isip ko para malaman ko kung paano makapunta ng Toshen. "Salamat," bulong ko at nagsimulang maglakad. Napakaraming lahi ang narito. Bumibili sila ng mga kasangkapan. Maingay at magulo. Gaya ng isang pangkaraniwang merkado. Pero, ang pinagkaiba lang gabi ngayon sa Toshen. Tama nga ang libro. Kaya tinawag na Night Market ang Toshen dahil hindi rito nag-uumaga. Walang araw. Tanging buwan at bituin lang ang nagbibigay liwanag sa kalangitan. Nakamamangha ang Toshen. Nagliliwanag ito at lumilitaw ang ganda kahit na maraming dumadagsang nilalang ang narito. Lumapit ako sa puwesto ng bilihan ng mga sandata. Kailangan ko kasing bumili para kung sakaling mapasabak ulit ako sa laban hindi ko na kailangang tumakbo at lumayo. "Pumili ka lang, Asya," sabi ng venar. Napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang ngalan ko? Dumalo ba siya sa Azthia Ball sa Karr? Baka nasaksihan niya ang nangyari sa'kin sa gitna ng bulwagan! "Bakit mo ako kilala?" tanong ko. Ngumiti siya at sumagot ,"Bantog na sa buong Azthamen ang tungkol sa iyo Asya. Kaya, kahit ako na hindi ka pa nakikita ay kilala ko na. Dahil kakaiba ang iyong wangis," "Bantog lang naman ako sa buong Azthamen dahil sa kasuklam-suklam ako," sabi ko at mapait na ngumiti. "Oo nga't kasuklam-suklam ang pagkatao mo. Pero, batid kong mabuti kang nilalang," sabi niya. Nginitian ko siya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Tumingin-tingin ako sa mga paninda niya. Iba't-ibang klaseng sandata. Pero, wala akong magustuhan. "Ito Asya. Maganda ito. Gawa ito sa dracan," sabi niya sabay abot sa'kin ng espada. Tinanggap ko naman ito at sinuri. Mukhang maayos naman ang espada. Hindi nga lang kasing ganda ng espada ni Asilah. Pero, magagamit ko na ito sa pakikipaglaban. "Magkano po ito?" tanong ko sa venar. "Wala, sa'yo na 'yan," sabi nito kaya nagulat ako. "Hindi ba't 25 zarr ang halaga ng mga sandata? Bakit mo sa'kin binibigay?" 'di makapaniwalang sabi ko. "Dahil batid kong wala kang dala na kahit anong salapi," nakangiting sabi niya. "Ah, babalik ako rito at magbabayad," sabi ko ,"Kailangan ko nang umalis. Hanggang sa muli," "Mag-iingat ka, Asya!" pahabol niyang sigaw. Tinaas ko lang ang kanang kamay ko. Tanda ng pamamaalam. Nilibot ko lang ang kabuuan ng Night Market pero wala akong mahagilap na aytem. Marahil ay nakuha na ito ng ibang champs. Aalis na sana ako ng Toshen nang makasalubong ko si Dylenea. Ngumisi siya sa'kin at pinakita ang isang piraso ng kalatas. Nasa kaniya ang hinahanap ko. Lumapit siya sa'kin at nagsalita ,"Kumusta Asya?" Dumako ang tingin niya sa tiyan ko. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya siguro aakalaing nakaligtas pa ako sa ginawa niya sa'kin. "Akala mo siguro mapapaslang mo ako Ladynne Spellure," ngising sabi ko. Hindi siya nakapagsalita dahil nagkasala siya sa'kin. Dumako ang tingin ko sa hawak niyang aytem. Kailangan ko iyong makuha. "Sana hindi ka na lang nabuhay," inis niyang sabi. Agad ko siyang inatake gamit ang espada ko. Kailangan ko nang makuha ang aytem sa kaniya. Nag-espadahan kami sa gitna ng Night Market. Maraming nakasaksi sa amin. Pero, wala kaming pakialam. Sa aytem lang ako may pakialam. "Ibigay mo sa'kin ang mga aytem mo, Asyanna," sabi niya. "Hindi. Ibigay mo sa'kin 'yang hawal mo," giit ko. Sinamaan niya ako ng tingin. Nginisian ko lang siya. "Ibigay mo sabi!" sigaw niya at nagpakawala ng enerhiya. Agad akong nakaiwas sa atake niya. Kailangan kong maging mabilis sa paggalaw at maging alisto. Ayoko nang mapahamak muli. "Hindi ka patas makipaglaban, Dylenea. Magtuos tayo nang walang ginagamit na kapangyarihan," ani ko. Inatake niya ulit ako pero gamit na ang sandata niya. Ramdam ko sa bawat kilos at galaw niya ang pagkainis, pagkagigil at pagkamuhi. Kaya mabibigat ang kaniyang mga atake. "Parang galit ka yata sa'kin, Ladynne Spellure," sabi ko sa gitna ng laban namin. "Kinamumuhian talaga kita. Nang dahil sa'yo nawala ang atensyon ng lahat sa'kin. Nang dahil sa'yo nawala rin ang atensyon ng ama ko sa'kin. Palagi ka na lang niyang bukambibig," galit niyang sabi. Kahit pa na inagaw ko sa kaniya ang atensyon ng lahat. Mali pa rin ang ginagawa niya. Dahil sa atensyon na iyan nagiging masama ang isang nilalang. "Alam mong wala akong kasalanan," sabi ko. "Wala nga pero paumanhin kailangan ko nang makuha ang aytem," sabi niya at nagpakawala na naman ng enerhiya pero mas malakas kumpara sa una. Tumilapon ako sa mga paninda at nagulo ko itong lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD