Chapter Fourteen

1444 Words

"HOY, Ate!" Naalimpungatan si Irish matapos ang ilang yugyog sa balikat niya. Nakita niya si Janice at ang pinsang si Perla. Nakaupo ang mga ito sa harap niya at nagmemeryenda. Nakaidlip pala siya nang hindi namamalayan. "Malapit nang maggabi 'di ka pa rin tumatayo d'yan," sabi naman ng kaniyang Mama na nasa tabi niya lang pala. "Iyong jowa mo do'n, bahala ka, mamaya ibang babae na ang kasama no'n," si Perla habang umiinom ng juice na nasa plastik na baso. "Tara, Ate, samahan kita magbihis," yaya ni Janice. "Parang kasya pa ito sa 'yo. Hindi ka naman tumaba." Turo nito sa bikini na hindi niya pala nailagay ulit sa loob ng bag. "Ayaw ko n'yan. Luma na 'yan," tanggi niya. Naghanap siya ng 3n1 na kape at nagtimpla. Siya talaga ang nag-request na magdala sila ng heater at mineral dahil

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD