CHAPTER 12. LEARN
Sinamahan muna ako ni Faya pumunta ng Restroom buti na lang at may extra akong damit sa locker at hindi naputikan.
"Sabi ko kasi sayo kanina samahan na kita eh" inis na sabi ni Faya.
"Ano ka ba putik lang to hindi naman nakakamatay haha" pabiro ko pang sagot sakaniya. "Halika na nga lumabas na tayo" sabi ko pagkatapos kong mag ayos.
"You're ok now ?" nag aalalang tanong ni Clio
"Ok na ok lang ako Clio" sagot ko naman sakaniya.
"You sure love ?" tanong niya ulit.
"Yes love, halika na bilisan na lang natin kumain may klase pa tayo pare-pareho" sabi ko sakanila at mabilis namin tinapos ang aming kinakain.
"Bye love see you later" sabi ni Clio pagkatapos nila kaming ihatid ni Faya
"Good afternoon class, btw Miss Marcaida pinapatawag ka ng Dean sa office niya now na" nagulat ako sa sinabi sakin ng akin ng aking prof.
"Ok po, i'll go now Ms. Andrada" sabi ko at umalis na
Pagdating ko sa Dean's office hindi na ako nagulat ng andun rin si Haven malamang dahil ito na nangyari kanina.
"Good afternoon po Dean " bati ko kay Dean Cruz
"Good afternoon Ms. Marcaida. Alam mo naman siguro kung bakit kita pinatawag" sabi ni Dean
"Yes po" sabi ko
"Now Ms. Concepcion. May i ask you what happened earlier ?" tanong Ni dean kay Haven
"Yes po, kasalanan ko po ang nangyari. Sinet up ko po ung locker ni Cydele. Nadala lang po ako ng galit ko kaya ko po nagawa yun sakaniya" paliwanag ni Haven.
"Hindi mo ba naisip na Graduating student ka tapos gagawa ka ng hindi magandang bagay ?!" Galit na sabi ni Dean
"Sorry po hindi ko po inisip kung ano ang magiging consequence ng ginawa ko. I'm sorry Cydele" sabi ni Haven ng lumingon sa gawi ko
"Now Ms. Concepcion mapipilitan akong i drop ka kung ganiyan lang gagawin mo sa school year na ito." sabi ni Dean
"Po??!!" gulat na gulat na sambit ni Haven
"Yes Ms. Concepcion you need to learn from your mistake. Now i call your parents. I will tell them kung anong gusto kong mangyari para sa iyo at kung anong ginawa mo" sabi ni Dean
"Dean, hindi na po mauulit i'm willing to do anything po wag lang po ako ma drop" nagmamakaawa niyang sabi kay Dean
"Say sorry to Cydele and promise that you will never repeat it again. Now do it baka mag bago pa ang consequence mo" sabi ni Dean
"I'm so sorry Cydele. I'm so sorry nadala lang ako sa galit ako. Pangako hinding hindi ko na uulitin" nagmamakaawang sabi niya.
"It's ok now Haven. Sana lang wala na itong kasunod" sabi ko sakaniya.
"Now you are 1 week suspended Ms. Concepcion. Thanks you Ms. Marcaida. Go back to your class" sabi ni Dean
"Thank you rin po" sabi ko at umalis na.
"Cydele! " sigaw ni Haven sa pangalan ko nang makalabas ako sa Dean's office."Thank you." sabi niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
Nginitian ko lang siya bumalik na rin ako sa room.
Yan ang wag nating kakalimutan 'Learn from your mistakes and think about the consequences of what you did'