ABKS chapter 11

814 Words
CHAPTER 11. DREAMS Kinabukasan sa school sinalubong agad ako ni Faya. "Ano girl hindi tayo nagkita sa party ni Clio. Hinahanap kita bessy busy-ing busy ka. Nagtext pa ako sayo kung nasan ka hind---" pinutol ko ang pagsasalita niya. "Wait puwede naman akong mag explain diba ?" sagot ko "Ok." kalmadong sagot niya "Ganito kasi yun, nag punta kami ni Clio sa terrace ng venue. Alam mo bang hinahanap din kita ? Pero nakita kitang busy at umalis na rin kami kaagad sa gitna ng mga tao. Nakita ko yung text mo nasa bahay na ako kaya hindi na ako nakapagreply" mahabang paliwanag ko "May hindi ka pa sinasabi kulang pa " sabi niya "Ok wait relax, i gave him a gift. Isang box na may lamang papel na nakasulat is a 'YES'. Okay ka na ?" sagot ko "OMG, OMG sa wakas may lovelife na ang bessy ko" sigaw naman niya at tinakapan kona ang bibig niyang napakaingay. "Now it's my time to ask you a question, hmm. Bakit kayo magkasama ni Axel birthday ni Clio ?" mapanuring tanong ko sakaniya. "Eh kasi naman siya lang naman ang nakita kong kakilala ko dun, he's with kade kaya. Sabi ko naman sayo hindi kita makita kaya wala akong choice kundi samahan sila. Siguro nung oras na kami lang dalawa nakita mong magkasama umalis lang saglit si Kade" mahabang paliwanag niya. "Defensive mo bessy" pabiro kong sabi sakaniya. "Ehem, ehem" nagulat naman ako mg may nagsalita sa likod ko. "May i excuse my girlfriend for a while ?" tanong ni Clio kay Faya "Sure sure" nakangiting sagot ni Faya. "Hi love Goodmorning" bati niya sakin "Goodmorning" i said. "Baka malate ka na sa first subject mo Clio" sabi ko sakaniya. "Hindi mo ba ako namiss ?" malungkot na tanong niya sakin. "Ano ka ba kakakita lang natin kagabi haha" natatawa kong sagot sakniya. "I miss you" bulong niya sakin. "Clio ang daming nakatingin ano ba ?" nahihiyang tanong ko sakniya. "Alright, see you at lunch. I'll fetch you later i love you" sabi niya sakin bago siya umalis "Kyaaaaahhhhhh. Kinikilig ako" sigaw naman ni Faya. "Si Axel Faya nakatingin" bigla naman pumula yung pisngi niya. "Pake ko?!" inis na sagot niya "Hahahahahahahahahaha" tawang tawa ako kasi parang nangangamatis na yung mukha niya kinawayan kasi siya ni Axel. "Shut up" saway niya sakin. "Haha. Ok ok" natatawang tugon ko pa rin sakaniya. Pagkatapos ng ilang oras ng klase namin ay lunch break na. "Una ka na bessy may kukunin lang akong gamit sa locker." sabi ko. Kukunin ko ung module namin para sa isang subject mamaya. "Sige kita na lang tayo dun." sabi niya at umalis na. Marami ang estudyanteng naroon dahil lunch break. Pag bukas ko ng locker ko biglang may bumuhos sakin na putik. Halos buong katawan ko nabuhusan buti na lang at hind ko pa nailalabas ung module. Buti na lang rin at wallet, cellphone at yung isang notes ko kanina. Haayyyssst sino ba kasi may gawa nito ? Bigla naman akong nakarinig na nagtatawang babae sa bandang kanan ko. Nakita ko ang grupo nila Haven. Sinasabi ko na nga ba at siya ang may pakana nito. "Ang ganda mo naman diyan sa putik ate girl" nang aasar na tinig ni Haven. "Ito lang ba ganti mo sa pagkatalo mo ?" nagulat naman siya sa biglang pagsagot ko sakaniya. "Wala na bang mas malala ? Kasi naman bakit hindi mo ginagalingan yan tuloy na tatalo ka. Hindi naman ako nasatisfied " pang aasar na sabi ko sakanya kahit ang dami kong putik sa katawan "Mang aagaw ka" sigaw niya sakin. "Unang-una hindi siya sayo, pangalawa wala akong inaagaw sayo at pangatlo walang kayo" minsan kailangan rin nating lumaban sa mga maattitude na kagaya nila. "How dare y--" naputol ang pagsasalita niya at pagsugod niya sakin. Nang biglang dumating sila Clio. "HAVEN BLISS !! ANO NA NAMAN BA ITO ?!" galit na galit na sabi ni Clio. "Alam mo ba sa ginawa mo pwede kang hindi grumaduate ? Graduating student ka sana naman yan ang inaatupag mo hindi sa ganitong kawalangyaan" pag papatuloy ng galit ni Clio. "Ok ka lang ?" tanong ni Faya. Tumango na lamang ako sakniya. "I'm sorry ok? Nadala lang ako sa galit ko. Alam mo namang mahal kita Clio pero bakit hindi ako ?" tanong niya kau Clio na naluluha luha na. "Sa tagal ng pagsasamahan natin ni hindi mo ba naramdaman yun ?" sabi niya at tuluyan ng bumagsak ang kaniyang luha. "Para sa ganon sisirain mo yang mga pangarap mo ?" sabi ni Clio "C-clio" sabi ni haven at mukhang natauhan sa sinabi ni Clio. "Sa tagal na rin nating maging magkaibigan ni hindi mo iniisip yung sarili mo. Marami ang nagmamahal sayo. Sana isipin mo naman yung sarili mo lalong lalo na yung pangarap mo" sabi ni Clio ang hinatak na kami palabas ng locker room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD