Chapter: 5
Lumabas na silang tatlo sa restaurant kung saan sila kumain ng tanghalian.
At paglabas nila nakasalubong niya ulit sina Ryan at ang mga kaibigan niya.
" Ohh parang familiar sa akin ang girl na ito! Diba, ikaw yon matabil ang dila kaninang umaga?"
Ang tanong ni Ryan kay Jenn at halata na iniinis niya si Jenn.
" Ohh ako nga! Bakit may problema ka?"
Ang galit na sagot ni Jenn kay Ryan,
" Parang ang tapang mo ahhh! Sino ba pinagmamalaki mo? Si Karl ba na kaibigan mo? Baka parihas ko kayong paalisin dito sa school."
Ang mayabang na sabi ni Ryan, at sinali niya si Karl na walang alam sa alitan nila ni Jenn.
" Hoy salbaheng lalaki, huwag kang mang damay ng iba walang alam si Karl dito."
Ang pagtatanggol ni Jenn kay Karl,
" Jenn, hayaan muna sila aalis na tayo."
Ang mahinahon na sabi ni Karl kay Jenn.
" Wow, pare anong nakita mo sa stupid girl na ito at bakit sa kanila ka sumasama?"
Ang naiinis na sabi ni Ryan,
" Ryan, tumigil kana babae lang yan huwag mo naman insoltohin ng ganyan."
Ang galit na sabi ni Karl kay Ryan.
At magsasalita pa sana si Ryan pero nag walk out na ang tatlo sa kanila.
Hindi matanggap ni Ryan, na naisahan na naman siya ni Jenn at hindi natapos ang sasabihin niya at umalis ito.
Gusto sanang sundan ni Ryan sina Jenn kasama si Karl at Analiza pero, pinigilan ng mga kaibigan niya.
Dahil alam nila na si Ryan ay mahilig gumawa ng gulo.
Kaya hindi nasundan ni Ryan ang tatlo, pumasok na rin sa classroom nila sina Ryan at mga kaibigan niya.
At hinayaan nalang ni Ryan na maisahan siya ni Jenn, dahil may araw din na magkikita sila ulit.
Yon ang nasa isip ni Ryan, dahil maliit lang ang school nila at araw araw niya makikita si Jenn.
Si Jenn, din inis na inis kay Ryan kung hindi lang si Karl na kanyang iniisip malamang pinatulan na niya si Ryan. At hindi niya maisip na lalaki ang kaaway niya.
Humingi ng pabor si Karl kay Analiza at sila ni Jenn ang magkatabi maupo, pero hindi nag pahalata si Analiza kay Jenn.
Dahil si Analiza gusto din niya na mag change sila ng upuan ni Ryan para makatabi niya ang guapo na kaibigan ni Karl.
Ang kaibigan ni Karl na katabi niya sa upuan ay si Carlos Fuentes, at kasing edad din nila.
Mabait din si Carlos Fuentes, pero tamimi lang siya tahimik at Hindi madaldal kaya napagkamalan na bakla.
" Analiza, bakit diyan ka umupo dito ka nga saw tabi ko!"
Ang nakapagtataka na sabi ni Jenn kay Analiza, lumapit si Analiza at ang bulong sa kanya.
" Psst.. magpalit muna kami ni Karl ng upuan, please best kahit ngayon lang pagbigyan mo ako na makatabi si Carlos."
Ang kinikilig na sabi ni Analiza kay Jenn, at nagw signal siya kay Karl na okay na at sa tabi na ni Jenn siya umupo.
" Karl dito ka muna maupo sa tabi ko, parang ayaw ako makatabi ni Analiza ngayon."
Ang mahinahon na sabi ni Jenn kay Karl.
" Okay lang yon."
At para bang walang alam sa plano ni Karl at Analiza.
Hindi alam ni Jenn na pinagkakaisahan siya ni Analiza at Karl.
Kaya hindi rin nagpakilala si Karl na alam niya ang paglipat ni Analiza sa tabi ni Carlos.
Malapit na ang labasan sa school, dahil hapon narin, kaya palabas na sana si Jenn sa kanilang classroom at sila ay pauwi na.
Naiwan si Jenn na naglalakad patungo sa terminal ng bus para doon sumakay, at bigla may dumaan na mabilis ang takbo na sasakyan.
Muntik ng mabangga si Jenn, at hindi man lang huminto yon sasakyan na muntik ng makabangga sa kanya.
Pero pinilit ni Jenn na malalaman ang plate number ng sasakyan.
Nakita niya at hindi muna siya umuwe sa kanilang bahay at dumeresto sa police station.
At pina pa Tracking niya ang plate number ng sasakyan na muntik ng makabangga sa kanya at kung hindi lang siya nakaiwas ay malamang siya ay malamig ng bangkay ngayon.
Yon ang palagi sinasabi ni Jenn, sa mga mamang police.
Nalaman na kung, sino ang may ari ng kotse na muntik ng makabangga kay Jenn.
" Miss, hayaan muna yon nangyari sayo hindi ka naman nasaktan kaya palagi ka nalang mag iingat."
Ang sabi ng mama police kay Jenn, pero nagtataka si Jenn bakit ganon ang reaksyon ni ng mamang police. Sino ba ang tao na yon bakit hahayaan nalang na makapanakit ng ibang tao.
At baka sa sunod makapatay na hahayaan nalang din ba?
Yan ang mga tanung ni Jenn sa kanyang isipan at hindi niya papayagan na ganon nalang ang mangyari.
At hindi man lang maparusahan ang taong gumawa sa kanya ng ganun.
"Manong police, hindi ko po papayagan na hahayaan niyo lang ang ginawa sa akin ng driver na yon, kahit sino pa siya iharap mo siya sa akin. At kung hindi mo kayang parusahan ako ang mag paparusa sa kanya."
" Hindi ako aalis dito ng hindi ko nakakausap o nakikita ang gumawa sa akin ng ganun."
Ang matapang na sabi ni Jenn sa manong police.
Kaya walang nagawa ang manong police kundi tawagan at papuntahin ang driver na muntik ng makabangga sa kanya.
Tinawagan ng police si Ryan Mondragon dahil siya ang muntik ng makabangga kay Jenn.
At kaya gusto ng police na hayaan nalang dahil malaking tao ang makakalaban ni Jenn.
At general ang Tito ni Ryan sa police station kung saan nag sumbong si Jenn.
Kaya kinausap ng police ang Tito ni Ryan upang siya mismo mag invite kay Ryan dito sa police station.
Dahil kanina pa niya tinatawagan sumagot naman sa una pero nag mamatigas na hindi pupunta.
At babayaran nalang niya ang babae na muntik na niya mabangga.
Dahil hindi niya napansin na may tao pala sa dinadaanan niya.
Yon ang paliwanag ni Ryan sa police na tumawag sa kanya.
Kaya tinawagan ni general David Mondragon si Ryan Mondragon.
At dahil natatakot si Ryan at hindi makatanggi sa sasabihin ng Tito niya.
Agad siya nag bihis at pumunta sa police station kung saan nag sumbong si Jenn.
Nagmamadali si Ryan kaya madali lang siya dumating.
Pumasok agad dahil kilala ang pamilya nila sa police station na iyon ay agad pinapasok.
Pag dating niya agad pumasok, nakita niya si Jenn na nakaupo.
At agad niya nakilala si Jenn.
" Ikaw! Huwag mong sabihin ikaw ang nag sumbong!"
Ang galit na sabi ni Ryan kay Jenn, nagulat si Jenn at napaisip bakit ang demonyo naman ito ang kanyang makakaharap.
" Ako nga! Bakit ikaw ba ang muntik ng makabangga sa akin kanina?" Hoy mayabang, kailangan mong maturuan ng leksyon dahil akala mo lahat ng bagay kaya bilihin ng pera mo."
Ang galit na Sabi ni Jenn kay Ryan, papatulan sana ni Ryan si Jenn pero bigla nag salita ang Tito ni Ryan.
Na kanina pa nakikinig sa palitan ng salita nila Jenn at Ryan.
Sinabihan ni general David Mondragon ang kanyang pamangkin na mag ingat sa pag drive.
Dahil kahit anak pa siya ng mayaman at kahit pamangkin pa niya kung mali siya ay ikukulong pa rin siya ng Tito niya.
Mabait si General David Mondragon dahil patas siya at wala mayaman o mahirap kung batas ang pag uusapan.
Kaya nadagdagan na naman ang inis ni Ryan kay Jenn.
At kung hindi lang nakikita siya ng Tito niya ay aawayin parin niya si Jenn.
At tinitignan ni Ryan si Jenn at ang kamay niya naga sign na susuntokin niya si Jenn kapag nakalabas siya.
At sa ginagawa nila Jenn at Ryan para silang mga bata dahil pinalabasan naman ni Jenn si Ryan ng dila.
" Tama na yan,! " Ang sabi ni general David Mondragon sa dalawa na parang pusa at aso na nag aaway.
" Ryan, ihatid mo ang batang babae na ito sa kanila hapon na at baka wala na siya masakyan."
Ang sabi ni general David Mondragon sa kanyang pamangkin na si Ryan.
" T_tito pero!"
Hindi natapos ni Ryan ang kanyang sasabihin, dahil Hindi siya makatanggi sa Tito niya.
Kaya pumayag siya na ihatid ang kaaway niya na si Jenn,
" Halika na at uwi na tayo,"
Ang napipilitan pag yaya ni Ryan kay Jenn.
Nakangiti nalang si Jenn, at ngumiti narin si General David Mondragon kay Jenn at Ryan.
Umalis na sina Jenn at Ryan pinasakay na ni Ryan si Jenn, at sa likod sana mag sakay si Jenn pero hindi pumayag si Ryan.
Dahil ginagawa daw ni Jenn na driver siya kung sa likod siya mag sakay.
Kaya sa harapan sumakay si Jenn, at habang nasa byahe sila ay tahimik silang dalawa.