Yumi’s Point of View
“Oh, Yumi. Ang aga mo namang nakasimangot,” puna ni Merjie. Paalis nga pala siya ngayon papuntang Davao.
“Hi, Merjie. Bakit nandito ka? Anong oras ang flight niyo?”
“Bibili lang ako ng cupcakes. Dadalhin ko sa Davao. Bakit nga nakasimangot ka?” tanong ni Merjie.
“May isang lalaki doon sa Sweet Bell. Parang na-offend siya dahil ang pangalan ng pusa ko ay Cloud. Apparently, Cloud ang pangalan niya.” Natawa si Merjie.
“Seriously? ang magpapangalan ng Cloud sa tao?”
“Exactly my point. Baka nga iyong pusa ko pa ang ma-offend dahil may kapangalan siya,” I replied.
“Ang aga-aga, ini-stress mo ang sarili mo. Gwapo ba?” Itong si Merjie, tomboy na maarte din e.
“Kung type mo iyong boy next door,” I replied. “s**t, gwapo nga. Baka destiny mo na iyon, Yumi,” sabi nito. I rolled my eyes. Nagka-boyfriend lang ‘tong si Merjie, gusto lahat ng tao magka- happily ever after din e.
“Pakisabi kay Bella, iyong cupcake ko dadaanan ko mamaya,” bilin ko kay Merjie. Nagpunta ako sa office ni Ms. Lise. Nagpapahintay siya at mayroon daw kaming meeting ngayon.
I smiled at Ms. Lise’s receptionist. “Cupcakes, Ms. Yumi?” tanong nito.
“No, thank you. I had mine at Sweet Bell,” I replied to her. “Mauna na ako sa meeting room. Okay lang?”
“Ay sige, Ms. Yumi.” Sinamahan ako ni Myla sa meeting room at binuksan nito ang aircon. “Ms. Lise is on the way,” she added.
Napaka comfortable ng meeting room ni Ms. Lise. Instead na meeting table, coffe table ang nandito. Instead na chairs, mga sofa ang niligay niya. Naupo ako sa single arm sofa, tinanggal ang salamin at pumikit. Madidinig ko naman ang pintuan kapag bumukas na.
Sana mamaya pa sila dumating. Hinihila ako ng antok. s**t, Yumi… Huwag mong sundan ang liwanag, parating na sila. Pero pagod ako… five minutes pa. Five minutes pang tulog.
Feeling ko may nakatitig sa akin. Feeling ko mayroon talaga. Pinilit kong magmulat ng mata.
Mayroong tao. s**t. Napaupo ako agad at hinanap ang salamin ko. “Ano ang ginagawa mo dito?” I asked Cloud. Nakaupo ito sa sofa katapat ng inuupuan ko. Nakatitig ito sa akin. Na-concious naman ako. Inayos ko ang buhok kong medyo magulo. Hindi ito nagsalita. Gaano na ba ako katagal natulog? Bakit hindi ko narinig ang pintuan? Dahan-dahang pumasok si Ms. Lise sa meeting room.
“Uy, Yumi. Akala ko tulog ka pa. Pasensya na medyo na-late ako,” sabi nito.
“Sorry, Ms. Lise. Naidlip ako,” hinging paumanhin ko. “Wala iyon. Wala ka pang tulog,” sabi nito.
“Sabi ko sayo, huwag kang maingay,” sabi ni Ms. Lise kay Cloud. “Wala naman akong ginawa. Nakaupo lang ako dito,” sagot ni Cloud.
“Hintayin na lang natin si Kaye at mag-i-start na tayo. Yumi, gusto mong coffee?” alok ni Ms. Lise.
“Water na lang, Ms. Lise,” I replied. “I told you drop the miss. Lise lang ang itawag mo sa akin. Ay, this is Cloud Marcelo. Captain Cloud Marcelo. Siya iyong piloto natin sa event. Cloud, si Yumi Morales. Event Organizer natin. Iwan ko muna kayo ah.” Nakangiting lumabas si Lise sa meeting room.
“Yumi? Is that your real name?” Cloud asked. “Mayumi,” I replied.
“You are more on Masungit level than Mayumi,” he said. I rolled my eyes, too tired to speak. He chuckled. “You look really tired. Sumandal at pumikit ka na lang ulit. Don’t mind me. Inaantok din ako. Gigisingin naman tayo ni Kaye kapag dumating ‘yon.”
“Okay na ako. Nakaidlip na ako e,” I replied. “Okay. Suit yourself.” Umisod si Cloud para naisandal niya ang ulo niya sa sandalan saka pumikit.
Kung hindi lang antipatiko ‘to, papasa ‘to ng gwapo. Ang tangos ng ilong. Medyo maputi pa para sa isang lalaki at ang tangkad. Hindi siya maskulado pero hindi payat. Ilang babae na kaya ang napaiyak nito?
Hindi ko na maayos ang buhok ko na nagulo sa pagkakasandal ko. Tinanggal ko na isa-isa ang mga hair pin para makahinga naman ang anit ko. Lord, ang laking ginhawa. Mas lalo akong hinahatak ng antok.
Bumalik ako sa pagkakasandal. Tinanggal ko ang salamin at pumikit. Saglit lang ako. Maririnig ko naman ang pintuan kapag bumukas.