Cloud’s Point of View
I texted Lise and Kaye na mamaya na pumasok sa meeting room dahil tulog pa si Yumi. Mukha nga siyang pagod. Nakaladlad na ang medyo mahaba at medyo kulot nitong buhok. Tinitigan ko ulit ang mukha nito. She has dark brown hair. And I can tell it is her natural hair color. Her face is heart-shaped. Matangos ang ilong nito at makinis ang mukha. Mahaba ang mga pilik mata na tinatago niya sa napakalaking eyeglasses.
Naalala ko na naman ang pusa. Nagulat lang naman ako kung bakit Cloud ang pangalan ng pusa niya. Malay ko bang mapipikon ito. Naramdaman siguro ni Yumi na nakatitig ako sa kanya kaya unti-unti itong dumilat. Nagkunwari akong natutulog pa.
“Wala pa sila?” bulong ni Yumi. Kinakausap ang sarili. Dahan-dahan din akong mulat. Sinuot na nito ang salamin at pinusod ang buhok. Nag-message ako kay Lise at Kaye na gising na si Yumi. Dahan-dahang pumasok ang dalawa.
“Sorry, kakarating ko lang,” sabi ni Kaye. Pero kanina pa nasa labas si Kaye.
“Girl, parang pagod na pagod ka. Nakauwi ka na ba n’yan?” tanong nito. Kaye kissed Yumi on her cheek.
“Hindi pa. Pero nakapag-shower naman ako bago bumalik kaninang madaling araw,” nakangiting sagot ni Yumi.
“Kumuha ka na ng mga kasama mo, Yumi. Hindi mo na kaya mag-isa,” payo ni Lise sa kanya. Nakikinig lang ako sa tatlo.
“Na-meet mo na siguro si Cloud?” tanong ni Kaye kay Yumi. “Yeah, I met her already and her cat,” I replied. Nagtawanan si Lise at Kaye. Medyo namula nang kaunti si Yumi.
“Oo nga, kapangalan mo iyong pusa niya,” tumatawang sagot ni Kaye. “Excuse lang muna, toilet lang ako,” Yumi excused herself and went to toilet with her bag.
Umupo iyong dalawa sa sofa at tumingin sa akin. Iyong tingin na nanunukso na parang may ginawa akong kalokohan.
“Bakit ganyan ang tingin niyo?” kumuha ako ng candy na nasa coffee table. “Type mo si Yumi, ano?” tanong ni Lise.
Natawa ako sa pagkakatitig ng dalawa. “Nagmalasakit lang ako,” I replied to Lise. “OA niyo.”
“Sus, mukha mo, Cloud,” Kaye taunted me. “Ano ba magmi-meeting ba tayo? Inaantok ako sa totoo lang.” Minsan mas mabuting nagkukunwaring naiinis kaysa sumagot sa mga tanong ng mga kaibigan ko na daig pa ang reporter sa mga tanong.
Pagpasok ni Yumi. Nakapusod na ng maayos ang buhok niya at mukhang nakapag-freshen up na.
“Okay, start na tayo,” simula ni Lise. “Yumi, check ko lang sayo iyong details ng flight natin. Ano na ba ang schedule ni Christine?”
“Confirmed na iyong schedule. Next weekend, Saturday ang alis natin. According sa RS aviation, dalhin na lang natin ang passport and they will meet us sa airport. Our clearance pabalik, ise-send thru emails. Three in the afternoon ang alis natin. Hotels were already booked.”
Nakikinig ako habang iniisa isa ni Yumi ang mga oras na nasa itinerary.
“Si Cloud lang pala ang may maluwag na sched,” biro ni Kaye.
“Gano’n talaga. Nagpaalam na ba kayo sa mga asawa niyo?” I asked them. I saw how Lise rolled her eyes. Kaye and I chuckled.
“Ikaw, nagpaalam ka na ba sa pusa mo?” biro ko kay Yumi.
“Hindi naman clingy si Cloud,” she replied smiling. Parang nang-aasar lang.
“Nakakapikon talaga ang pangalan ng pusa mo,” I told her.