CHAPTER 5

657 Words
Yumi’s Point of View I packed my things on a medium-sized suit case. Nagkita-kita kami nila Ms. Lise at Ms. Kaye sa airport. Naka-jeans sila at ready na for this party. Ms. Kaye will be Christine’s official stylist. “Yumi, hindi pwedeng nakaganyan ka palagi. Beach ang pupuntahan natin. Pwede bang mag chill ka?” Napansin na naman ako ni Ms. Kaye. What’s wrong with my slacks and blazer? “Magkaroon lang tayo ng vacant day, tatrabahuhin talaga kita,” sabi pa nito sa akin. Nagulat ako sa dala nilang maleta. Dalawang malaking maleta ang bawat isa. I excused myself nang dumating ang representative ng RS aviation. Binigay niya lahat ng documents namin. Pinaalala lahat ng restrictions at any extension should be made two days prior. Natulala ako ng pagbalik ko sa group ay nandoon na si Cloud. Naka-pilot uniform ito. Nasabi ko na bang natulala ako?! Yup, natulala ako. Iba siya kapag naka-uniform. Parang mayroong authority. Napailing ako. Clear your head, Yumi. I walked towards them and gave Cloud his clearance for flight. “Yumi, this is my co-pilot Aries Legaspi. This is Yumi Morales, our event organizer,” pagpapakilala ni Cloud. Ngumiti naman si Aries at nakipag-hand shake. Naka-uniform din ito kagaya ng kay Cloud, pero parang mas bagay kay Cloud. May binabagayan din pala ang pilot uniform? Siguro dahil matangkad si Cloud. Nauna nang pumunta sa airbus si Cloud at Aries. Kinuha naman ng Flight Attendant ang mga gamit namin para mauna nang isakay sa eroplano. Nauna na rin sa eroplano ang DJ na magpi-play ng music para sa party. Pati ang crew ni Ms. Lise ay nauna nang sumakay to set up their equipments. Isa-isa namang dumating ang mga kasama namin sa flight. Mayroong twenty guests si Christine. Huling dumating si Christine, as always. Late pa nga ito ng fifteen minutes sa call time. Sa flight na ito, lahat kami, magre-report kay Cloud. “Dumating na si Chritine,” I told him. “It’s about time. Late na ng fifteen minutes ang flight,” sagot ni Cloud. “Sorry about that,” I told him. “Not your fault,” he said and hang up. All in all, hindi kami nagkaproblema sa immigration. Huli akong nag-board just to check kung wala ng naiwan. “Good afternoon, ladies and gentlemen. This is your Captain speaking. I’m Captain Cloud Marcelo and together with my co-pilot Aries Legaspi. We will take off in about fifteen minutes. Please follow the rules and regulations inside this aircraft as we are about to take off. Our flight will be three hours and thirty minutes bound to Phuket Thailand. Our flight will be at 39,000 feet above sea level. Weather is clear, and turbulence will be minimal to nothing. Please fasten your seatbelts and enjoy our flight,” Cloud said through speaker. Napalunok ako. His authority is charming. Naku nga, Yumi. Kulang ka talaga sa tulog. Kinikilig ang mga babaeng sakay namin. Oh my God nang oh my God. Obviously, kilala nila si Cloud. “Ngayon ka lang nakasakay sa flight ni Cloud?” tanong ni Ms. Lise sa akin. Tumango ako. “Ang sexy ng boses, ano?” hirit ni Ms. Kaye. Tumingin ako sa dalawa na akala mo walang mga asawa kung manukso. Habang nag-i-speech ang mga flight attendant, hindi naman mawala sa isp ko ang boses ni Cloud sa speaker. When the seatbelt sign became green, nagsalita ulit si Cloud. “This is your Captain, speaking,” sabi nito. Ramdam ko ang kilig ng mga babae. “We are at 39,000 feet above sea level. May I remind you to please look at the seat belt sign during this flight? Enjoy your party,” he said. Tumayo na si Ms. Lise at nagpatugtog na ang DJ. Nagsimula na ang party. Pero ang isip ko nasa boses pa rin ni Captain. Oo na. Sexy nga ang boses niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD