Yumi’s Point of View Iyong dalang damit ni Lola isang maleta, two nights lang naman siya sa Country Club. Tuwang-tuwa si Cloud kay Lola, parang minsan si Cloud pa ang apo niya kung alalahanin. May dala pang anik-anik galing sa Bulacan. Chicharon, pastillas de leche at suman na may flavor. Parang may dalang paninda si Lola. Dahil ayaw matulog ni Lola sa bahay ni Papa, sa bahay raw siya ni Cloud matutulog. Napaantanda ako ng wala sa oras. “Yumi, umayos ka nga. Parang aagawin ko ang boyfriend mo kung umasta ka. Teka, are you threatened to me?” may kayabangang tanong ni Lola. Nakataas pa ang isang kilay. Natawa tuloy si Cloud na nakikinig lang sa amin. Nasa SLEX na kami, dahil sinundo namin si Lola na parang balik bayan sa bongga ng mga bitbit. “Lola, mag-behave ka doon ah. Umayos ka,” I w

