Cloud’s Point of View Madaling araw na kami nakauwi. Si Lola Betina, hindi man lang nalasing. Dinaig kaming lahat. Pagkagising ko ng mga nine ng umaga, gising na rin si Lola. Nakaluto na ng breakfast. “Pinakielaman ko na ang kusina mo,” sabi nito. “Okay lang po. Si Yumi po ba?” “Naku, mamaya pa magigising iyon. Isa sa kailangan mong malaman, ayaw na ayaw niya ng ginigising,” payo ni Lola sa akin. “Cloud. Nag-iisang apo ko si Yumi. Hindi man kami magkasundo sa maraming bagay, mahal na mahal ko ang apo ko,” Lola told me while we were eating. “Noong mawala si Delfin, muntik ko ng hindi kayanin. Kinaya ko dahil may anak ako. Si Mutya, nanay ni Mayumi. Noong mawala si Mutya, akala ko hindi ko kakayanin pero pinilit ko pa rin dahil kay Yumi. Ngayon Cloud apo, kung sasaktan mo si Yumi, ba

