Yumi’s Point of View After lunch, nagsimula na ang photoshoot ni Christine. Inayusan siya ni Kaye kasama ang mga assistant nito. Si Lise ang kumuha ng picture. Mayroong isang kumukuha ng video. All in all, malapit nang matapos ang trabaho ko ngayong araw na ito. Pagkatapos ng photoshoot, tapos na rin ang work naming lahat. Hindi maganda ang tingin ni Christine sa akin mula nang makita niya ako kanina. “Wait lang, Lise,” Christine said. Tumayo siya sa pagkakatihaya sa puting buhangin. Mabilis na lumapit ang assistant niya at pinagpag ang mga buhangin na dumikit dito. “Yumi, get out of here. You are not needed in this photoshoot,” she said to me. Medyo may kasalakasan para marinig ng lahat. “Ano, bingi ka ba? Or hindi ka nakakaintindi ng English? I said, get out. Umalis ka dito,” sh

