Cloud’s Point of View Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Biglang natahimik sa kwarto ni Yumi after nilang pag-usapan ang mga underwear na terno. At iyon ang nakakainis, alam kong nandoon sila, nag-uusap. And I was curious about what they were talking about. Maaga akong nag-jogging sa beach. Maluwag ang schedule ko ngayon. Papanoorin ko na lang sila Lise sa gagawin nila. Maaga pa lang nag-set na ng mga gamit ang crew ni Lise. Ang mga assistant ni Kaye kanina ko pa rin nakikita. “Cloud, nakita mo ba si Lise kung nasaan siya?” someone asked me. Napatingin ako sa kanya. Bakit kilala niya ako? “Sorry, do I know you?” I asked back. Napakunot ang noo nito. “Cloud, ano ba? Joke ba ‘yan?” tanong nito. “Miss, sorry but I don’t know who you are.” “Seryoso ka ba?” tanong nito. Hindi ako suma

