Yumi’s Point of View “Hindi ako maka-get over sa mga underwear mo. May kakikayan ka ring taglay,” Kaye said to me. Medyo nahihiya ako dahil nalaman nila ang secret na luho ko. Kahit sila Bella hindi alam iyon. “So habang nag-aayos tayo ng mga damit na ito.” Tinuro ni Lise ang isang maletang damit na binigay ni Kaye sa akin. Hiyang-hiya akong tanggapin ang mga iyon. Bago lahat. Mayroon pang mga tag price. Galing sa boutique niya. “Magkwento ka na. From the start. Bakit gano’n si Christine sayo?” Naupo si Lise sa kama at tinulungan akong magtupi ng mga damit. “Magkaibigan kami dati ni Christine. Noong nasa high school kami, siya ang una kong naging kaibigan,” simula ko sa kwento. “Aloof ako no’n, siya ang unang kumausap sa akin. From there naging kaibigan ko siya. Si John Guevarra, iyon

