Felix's POV
"Ahm... Amelia... Sorry for tonight. Kung may nagawa man ako dahil sa kalasingan or what, pasensya na." paghingi ko ng pasensya kay Amelia.
"Okay lang." sagot naman niya habang nakangiti pa ng bahagya sa akin.
Alam ko o ramdam ko na noon pa ay may pagtingin o may gusto na sa akin si Amelia. Sa mga tingin at ngiti pa lang niya sa akin ramdam ko na talaga.
Pero... ako? Wala. Wala akong nararamdaman para sa kaniya. Bilang kaibigan siguro oo, pero kung higit pa doon? Ewan.
"Sige mauna na ako." paalam ko na sa kaniya.
Tumango naman siya sabay hawi ng buhok nito sa may tainga niya.
Ngumiti na lang ako ng bahagya sa kaniya.
Papunta na ako ngayon sa kompanya namin. May maliit kaming kompanya ng mga relo kung saan ako nagtatrabaho at kasosyo namin si Tita Amara sa business namin. Mayaman si Tita Amara. Marami siyang properties na pagmamay- ari at ang suwerte ni Amelia dahil siya ang nag-iisang anak nito.
Habang nasa sasakyan tuloy ako at nagmamaneho ay napaisip na naman akong muli sa sinabi nila mommy at daddy.
"Matututunan mo rin siyang mahalin."
Ang linyang 'yan ni daddy ang umulit ulit muli sa isip ko.
Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Amelia. Oo, maganda siya, mabait, matalino, magaling magluto at mag- bake, pero... napakatahimik lang niya. Kapag hindi mo kakausapin hindi ka niya unang kikibuin.
I don't know. Introvert nga siguro siya talaga. Kahit minsan hindi ko pa siya nakasamang lumabas.
Gusto nga ni tita Amara na siya na ang mag-handle sa business nila pero hindi daw niya kaya. Wala daw siyang interest sa business, kaya ayun, hinayaan na lamang niya na maging busy si Amelia sa pagbe-bake nito. Paggawa ng mga cakes at mga deserts.
Ilang minuto pa at napahinto ako sa pagmamaneho.
"What if..." sabi ko sabay napatitig ako sa salamin na nasa harap ko.
"Kung ako ang mapapangasawa ni Amelia... Posibleng... posibleng ako ang magpatakbo ng business nila." dagdag ko pa.
Gusto kong maging successful katulad ni tita Amara.
Gusto kong maging mayaman katulad niya.
Amelia's POV
Habang nagbe-bake ako ng cake ay bigla kong naalala 'yung mukha ni Felix. Kahit na lasing siya, napakagwapo pa rin niya.
"Ang laki ng ngiti mo diyan ha." pagbibiro pa sa akin ni mommy.
Nasa gilid kona pala siya at nakatingin sa ginagawa ko.
"Wala po mommy. Natutuwa lang po ako dahil ang ganda ng pagkaka-bake ko ngayon sa cake na 'to." nakangiting sagot ko naman.
"Sigurado ka bang dahil sa cake lang 'yan? Ha?" nagbibirong tanong pa ni mommy sa akin habang patuloy pa rin ako sa paglalagay ng icing sa cake na ginagawa ko.
"Alam ko naman anak... matagal na." dugtong pa niya.
Kaya naman napahinto ako at napatingin sa kaniya.
"A-ano po?" tanong ko.
"Gusto mo si Felix hindi ba?" tanong niya.
"Alam mo bang gusto namin nila Julia at Gregorio na kayo ang magkatuluyan ni Felix. Dahil na rin sa kilala niyo na ang isa't- isa, at ganoon din naman kami o tayo." dagdag pa ni mommy.
Hindi ko alam pero wala akong masabi.
Niyakap ako ni mommy.
"Nasa tamang edad ka naman na anak. Gusto kong habang nandito pa ako sa tabi mo ay makita ko na ang taong makakasama mo kapag nawala na ako, and kung si Felix 'yun? Okay na okay sa akin. Alam kong gusto ka rin naman ni Felix. Alam kong gusto ka nila Juliana at Griego para sa anak nila kaya sana... sana kayo ang magkatuluyan." sabi ni mommy. Hindi ko alam kung matutuwa ako pero parang bigla akong kinabahan.
Hindi ko naman alam kung talagang gusto ako ni Felix, o kung magugustuhan niya man ako.
Oo, magkakilala na kami noon pa pero...
"Magkaibang magkaiba kami." bulong ko pa.
Kung gaano ako katahimik, ganoon naman ka-ingay o ka-energetic si Felix. Mahilig nga siya mag-party party eh. Ako, sa bahay lang. Gusto ko lang matahimik.
Kaya napapaisip din ako na kahit gusto ni mommy si Felix para sa akin, kung hindi naman ako gusto ni Felix ay wala naman akong magagawa doon.
"Ano ba 'yang iniisip mo ha?" tanong pa ni mommy.
"Magugustuhan ba ako ni Felix mommy?" hindi ko alam pero naitanong ko 'yan sa kaniya.
Ngumiti naman siya sa akin.
"Syempre naman anak. Maganda ka, matalino, mabait, maalaga kaya naman hindi malabo na magustuhan ka ni Felix." sagot niya.
Pilit na lang akong ngumiti sa kaniya.
"Oh sige na. Ipagpatuloy mo na 'yang ginagawa mo. Pupunta na muna ako sa kompanya natin." pagpapaalam na ni mommy sa akin.
"Okay po. Mag- iingat po kayo." sagot ko naman.
"Padadalhan ko na lang po kayo niyan ng mga ibe-bake ko na cookies." dagdag ko pa.
"Sige, sige anak. Sigurado naman akong masarap 'yan kasi ikaw ang may gawa. Sige na mauna na ako." pagpapaalam niya muli sabay lumabas na siya ng kusina.
Pinagpatuloy ko na lang naman ang pagidisenyo sa cake na ginagawa ko.
Felix's POV
"Ang ganda ng kotse ni Mike oh." sabi ni Jake sabay pakita nito ng cellphone niya sa akin.
Si Mike 'yung kaklase namin noon na ngayon ay nagmamay-ari na ng mga sikat na resorts.
"Kailan kaya tayo magkakaganito no?" tanong pa niya sa akin.
"Maghintay ka lang. Makita mo magkakaganyan din ako." seryosong sagot ko sa kaniya.
"Hintayin ko 'yan ah. Mag-asawa ka muna ng matandang mayaman hahaha." pagbibiro pa niya.
Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Oh nagbibiro lang ako ha." sabi niya pa.
"Mag-aasawa ako ng mayaman, pero hindi ng matanda. Kadiri." sagot ko naman.
"Wala ka ngang girlfriend eh. Mahilig ka mag-hangout pero hindi ka ganoon kainteresado sa mga babae. Puro business ang nasa isip mo eh." sabi pa ni Jake.
"Wala kang alam, Jake. Baka magulat ka na lang after few years, ilang kompanya na ang pinapatakbo ko." sagot ko.
"Ewan ko sa 'yo. Oh ayan na pala sila Ma'am Juliana." sabi niya sabay nakita kong papalapit na sa amin sila mommy at daddy.
"Hey mom, dad. Gusto ko po sana kayong makausap niyan pagkatapos ng meeting niyo." bungad ko sa kanila.
"Okay, mukhang alam ko na kung patungkol saan 'yan." sagot naman ni daddy.
Tumango lang naman ako.
"Sige, see you later. Hintayin mo na lang kami sa office mo." bilin ni dad.
I want to take that offer, seriously.
For my future. For my brighter future ahead.
ITUTULOY...