KABANATA 3

1005 Words
Amelia's POV "Nakakainis naman." sabi ko habang hinihipan ang kamay ko na napaso dahil sa pagbe-bake ko ng cake. Hanggang sa tumawag na sa akin si mommy na nakuha na niya 'yung mga cookies na binake ko.  Gusto ko sanang padalhan din si Felix sa opisina niya kaso nahihiya ako. Nandito na ako ngayon sa kuwarto ko at nakasilip sa bintana. Pinagmamasdan ko 'yung mga taong dumadaan at naglalakad sa harap ng bahay namin. Hindi ko alam pero takot ako sa maraming tao. Mayroon akong kaibigan, si Berly, pero nasa ibang bansa na siya. Isa siyang nurse doon.  Si Berly lang ang madalas kong kasama noon. Masaya ako kahit kami lang dalawa noon ang magkaibigan. 'Yung tipong pupuntahan lang niya ako dito sa bahay, manonood kami ng pelikula habang kumakain ng mga niluto ko. Kaya naman noong nagpasya si Berly na doon na magtarabaho sa South Korea ay hindi na rin ako gaanong nakikihalubilo sa ibang tao. Hindi naman kasi ako sanay sa ganoon. Kaya kahit na gusto ni mommy na ako sana ang magpatakbo na ngayon ng kompanya namin ay hindi ko magawa. Hindi ko kayang humarap sa maraming tao kagaya niya. 'Yung mag-present sa isang meeting na ginagawa niya? Hindi ko kaya iyon. Baka manginig lang ang tuhod ko sa kaba at matameme lang ako sa harap nila. Minsan, iniimbitahan din ako ni Felix na sumama sa kanila ng mga kaibigan niya pero hindi ko iyon tinatanggap dahil na rin sa kinakabahan ako na baka mapahiya ako sa harap ng mga kaibigan niya. Baka wala rin naman akong makausap kapag ganoon. Kung hindi naman kasi ako kausapin, hindi ako kikibo. Oo, may pagka-weird ako, pero ganito talaga ako eh. Takot ba sa tao, pero tao rin naman ako. Ewan. Hanggang sa pinagpatuloy ko lang naman ang pagmamasid ko sa paligid sabay kinuha ko ang cellphone ko at naengganyo ako na kuhanan ang langit. Napakaganda kasi nito, napakaaliwalas tignan. Felix's POV "Pumapayag na ako mom, dad." seryosong sabi ko. Napatayo naman si daddy sa kinauupuan niya. "You made the right choice, anak!" masayang sabi niya. Napangiti rin naman si mommy. "Mas magiging maganda ang future mo anak. Isipin mo, kapag mag-asawa na kayo ni Amelia, sigurado ako, ikaw ang hahawak ng kompanya nila. Sa ngayon pa lang, nakikita mo naman hindi ba? Wala kang makikitang interes ni Amelia sa kompanya nila. Mas pipiliin pa niya ang magluto at mag-bake." paliwanag pa ni daddy. "Oo nga anak. Hindi naman sa hinihilong ko na mawala na si Amara, pero kapag nangyari 'yun? Sigurado ako talaga anak, si Amelia ang tagapagmana ng lahat ng mayroon siya. Kaya naman... kung ikaw ang mapapangasawa ni Amelia, ikaw talaga ang inaasahan ni Amara na magpapatakbo ng kompanya nila. Lahat lahat ng mayroon sila anak, pwedeng mapasaiyo." dagdag pa ni mommy. "Gusto mong maging successful kagaya ni Amara hindi ba?" tanong pa ni daddy. Mabilis naman akong tumango sa tanong niya. "Kaya isantabi mo muna 'yang pag-ibig, matututunan mo naman sigurong mahalin si Amelia hindi ba?" tanong naman ni mommy. Napaisip naman ako. Siguro... pwede naman... "Iisipin ko na lang siguro na... kapag naging mag-asawa na kami ni Amelia, malapit na malapit na ako sa pangarap ko. Malapit na ako sa hangarin ko na maging mayaman pa." sagot ko naman sa kanila. "Susubukan ko. Susubukan ko mom, dad." dagdag ko pa. "Kaya naman dapat simulan mo nang mapalapit pa ang loob niyo ni Amelia sa isa't-isa. Dapat maramdaman ni Amelia na higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon kayo, dahil alam kong matutuwa si Amara kapag nalaman niya na gusto mo rin ang anak niya. Kapag nagkataon? Tuloy tuloy na ang lahat ng plano natin." sabi ni mommy habang nakangit sa akin. Napangiti naman ako. Huminga ako ng malalim at napatayo sa kinauupuan ko. "Sisimulan ko nang ligawan siya." sabi ko. Hindi naman na mahirap paibigin pa si Amelia dahil gusto na niya ako, kailangan ko lang iparamdam sa kaniya na gusto ko na rin siya para masimulan na ang plano. At kapag nakapagpakasal na kami? Isa isa ko nang gagawin ang mga hakbang na naiisip ko.   Amara's POV "Ma'am? Hindi po ba gustong sumama sa inyo dito ni Ma'am Amelia? Hindi po ba siya naiinip sa bahay ninyo?" tanong sa akin ng sekretarya ko na si Minnie. Ngumiti lang naman ako sa kaniya. "Busy naman siya sa bahay namin, marami naman ang tumatangkilik sa mga cakes at deserts na ginagawa niya, at hindi kasi siya sanay na makihalubilo sa ibang tao eh. Ayoko naman na pilitin siya. Kung saan siya masaya ay doon ako, siya lang ang mayroon ako, kaya gusto ko lang din na palagi siyang masaya o piliin niyang gawin kung ano ang mga gusto niya." sagot ko naman. Simula pa lamang noong bata pa si Amelia, hindi na niya gustong nakikisama sa maraming tao. Hindi ko gustong masamain ang ganoong attitude o behavior niya. Introvert lang siguro talaga siya, o mas komportable siya sa mga taong pili lamang niya. Katulad ni Berly.  "Ah ganoon po ba Ma'am. Noon po kasi nakita ko siyang kasama niyo dito sa opisina, hindi man din po siya lumabas sa office niyo. Hindi man din po namin siya nakausap o nakakuwentuhan man lang." kwento ni Minnie. "Don't worry, alam kong dadating din 'yung oras na magiging komportable din si Amelia sa ibang tao, maliban sa akin at sa pamilya ni Juliana." sagot ko naman. "Gusto ko nga rin po sana siyang maging kaibigan Ma'am, halos magka-edad lang din po kami ni Ma'am Amelia." nakangiting sabi niya.  Natuwa naman ako sa sinabi niyang iyon.  "Hayaan mo, minsan isasama kita sa bahay. Baka magustuhan ka rin na maging kaibigan ni Amelia." sagot ko. Ngumiti naman siya. Hindi naman minsan sumagi sa isip ko na kakaiba si Amelia dahil takot siya sa maraming tao, dahil mayroon namang ganoong klaseng tao.  Pero sana... sana maging komportable rin siya sa ibang tao, sa mga taong nakapaligid sa lugar na ginagalawan namin dahil... Paano na lamang kapag wala na ako sa tabi niya para tignan o subaybayan siya. ITUTULOY...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD