Ang mga sumunod na araw ay ginugol namin ni Damian sa pamamasyal sa mga sikat na lugar dito sa aming probinsya. Inuna naming puntahan ay ang beach na hindi magpapadaig sa ganda. I watched him as his eyes feasted on the magnificent clean waters of the ocean. Kung pwede lang na manatili na lang kaming ganito. Iyon bang walang ibang iniisip. Sana palagi na lang kaming masaya at walang problema. Hindi katulad ng sitwasyon namin ngayon na kumplikado. Paminsan minsan ay sumasagi pa rin sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni tita Maricel at mommy Dona, pero lahat ng pangamba ko ay natatabunan ng saya dahil magkasama kami ni Damian. Matapos ang buong araw namin sa pag-island hopping ay nandito naman kami sa isang shrine kasama sila nanay at pamilya ni ate Vicky. As usual ay madaming tao ang nag-att

