Chapter 48 - What He Had to Say

2328 Words

“D-Damian? Abay gabing gabi na, ah? Hindi ka nagpasabing darating ka.” Bakas ang pagkagulat sa boses ni tatay. “Oo nga po. Pasensya na po kung nagpunta ako dito ng ganitong oras. I just wanted to talk to Elyse.” “Welcome ka dito kahit na anong oras. Oh siya, pasok ka. Ikaw ba ay kumain na?” sagot ni tatay. Parang tinatambol ang dibdib ko sa naririnig na usapan nila. Kung ako ang masusunod ay susugudin ko na si Damian ng yakap. Ayaw ko man aminin pero masaya akong nandiyo siya. Saya na agad ding naglaho nang maalala ang mga sinabi ni tita Maricel at mommy Dona niya. Paano ko ba siya haharapin? Kailangan ko siyang itaboy palayo kung gusto kong tapusin na ang magulo naming sitwasyon. Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa pwesto namin at pagtunghay ko nga ay namataan ko si Damian na nak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD