Naiilang na pinagmasdan ko ang swimsuit na hawak. Nagdadalawang isip na ako kung magsusuot ba ako nito bukas dahil nasa ika-apat na buwan na ako ng aking pagbubuntis. Hindi pa man kalakihan ang tiyan ko pero halata na at hindi na ako kumportable. Nilingon ko si Damian na prenteng nakahiga sa sun lounger. Nasa Palawan na kami para sa honeymoon umano namin. Ako na ang umayaw na lumayo pa kami dahil ayaw kong mapagod pa. Isang luxury hotel ang tinuloyan namin kung saan tanaw ang beach front at malawak na swimming pool mula sa mga rooms. Tunay din na nakamamangha ang interior ng bawat rooms. Moderno ang mga kagamitan sa loob at mula sa malawak na bintana ay kitang kita ang malawak na dagat. Ngunit maging ang magandang view sa labas ay hindi sapat para pakalmahin ang aking puso. Simula noong ma

