Mahigpit ang ginawa kong paghawak sa bouquet. I took a deep breath while closing my eyes a little. Kahit anong gawin ko ay hindi maalis ang kaba ko habang nandito sa sasakyan at naghihintay. Ngayon na ang araw ng kasal namin ni Damian at simula kanina pagkagising ko ay hindi na nawala ang kaba ko. Ni hindi ko na magawang ngumiti ng maayos. Sumulyap ako sa labas at namataan ko ang ilan sa mga wedding coordinators na panay ang lakad. Naroon din ang ilang myembro ng media na nakaabang. Kanina ay kasama ko si nanay dito sa sasakyan pero maging siya ay bumaba na at nauna nang pumasok sa simbahan. Kaya naman naiwan ako dito at lalo akong hindi mapakali. When I heard the church's music playing, my heart started pounding even faster. Heto na at ikakasal na talaga ako! Lumap

