5

1109 Words
"A-ah," bigla ay natigilan si Allyson. Lagot na! papaano niya sasabihin na hindi naman siya marunong magdrive? "A-ang totoo po niyan ay kagagaling ko lang sa minor car accident kaya pinagbawalan na muna ako ni daddy na gumamit ng sasakyan. Okay lang po ako, mama Leticia. Hindi naman po ako nahirapan magcommute." "Okay, pero sa susunod ay hindi na pwede ang ganiyan lalo na kung sa Manila ka pupunta. Mas mabuti na iyon alam namin na safe ka. Ang mga magulang mo, kamusta naman sila? Hindi ko na masyadong nakakausap ang mommy mo dahil naging busy din ako this past few weeks." Napangiwi siya. Alam niyang gagawa si Demi ng paraan para makalusot sila. Tiyak na malalaman din agad ng kaniyang ama at ng asawa nito na naroon siya. Sana naman ay makumbinsi agad ni Demi ang mga magulang nito na huwag na itong ipakasal kay Jaime para makauwi na agad siya. "Sige po, okay naman po sila mommy. Busy din po sila dahil may problema daw ang isang kompanya sa L.A kaya biglaan po ang pag alis nila." kinagat niya ang likod ng pisngi para payapain ang sarili. Iyon ang unang beses na humarap siya sa mga ito pero nagkasala na agad siya. Kung siya lang si Pinochio ay baka kanina pa humaba ang ilong niya dahil sa pagsisinungaling niya. "Oo nga pala, hija, tumawag si Jaime at ang sabi ay pauwi na daw siya. Ang mga bata naman ay nasa loob," "S-sige po, gusto ko pong makita ang mga bata," tugon niya kay Don Federico. Tumango ito at nauna nang naglakad papasok sa mansiyon. Sumunod naman sila dito ng asawa nito. Muli ay napaawang ang mga labi niya nang makarating sila sa loob. Ang marangyang ayos ng malaking sala ang bumungad sa kaniya. Sa tabi ng mahabang sofa ay may malaking vase na halos umabot na yata hanggang sa baywang niya ang taas. Sinalubong siya ng malamig na hangin na ibinubuga ng aircon. Dumiretso ang mag asawa sa left side ng mansiyon kung saan may malaking pinto na ang kalahati ay yari sa salamin. Binuksan iyon ng matandang lalaki. Tumambad sa kaniya ang malawak na lote kung saan may swimming pool at may tatlong batang lalaki ang nagkakasiyahan. "Catch me!" tili ng isa habang tumatakbo at hinahabol ng dalawa pang bata. Ang mga chikiting! Napangiti siya. Mahilig kasi siya sa mga bata kahit noon pa man. Pero may kumakalat na chismis tungkol sa mga batang Mondemar. Kahit mukhang mga anghel daw ay pilyo ang tatlong bagets kaya ilang beses nang nilayasan ng mga yaya. Totoo kaya? "Senyora, Don Federico, may naghahanap po sa inyo," anang isang maid. Nagpaalam sa kaniya ang mag asawa at nagbilin na babalik din agad. Tinawag nito ang tatlong paslit para ipakilala siya. Mayamaya pa ay umalis na ang dalawang matanda. "Ikaw ba ang bagong mommy namin," "A-ah...maybe?" parang ayaw naman niyang maniwala sa kumakalat na chismis tungkol sa triplets. Papaano nasabi ng mga ito na maldito ang ganoon kacute at kagwapong mga bata? Nakatayo sa harap niya ang tatlo at pinagmamasdan siya. "Maybe? Eh, hindi pa pala sure pero bakit nandito ka na? wala ka bang sariling bahay?" supladong tanong ng isang bata sa kaniya. "Aba," Eh kaya naman pala nilalayasan ng mga yaya. Totoong masama ang mga ugali! Tinaasan niya ng kilay ang batang nagsalita. "Bakit, ayaw mo?" "Ayoko nga 'eh. You're not pretty kaya," "Excuse me?" Naghagikhikan ang tatlo. Ang sarap ihagis sa swimming pool ng mga ito. "Gusto ba ninyong malaman ang totoo?" nakangiting tanong niya. "Anong totoo?" nakakunot noong tanong ng batang nasa gitna. "Na hindi talaga ako ang mommy ninyo, kasi aalis din ako dito. Tapos maghahanap ng bagong mommy ang daddy ninyo. Tapos hindi niya alam na monster pala ang magiging new mommy ninyo. Nakita ba ninyo iyon malaking vase doon sa sala? Ilalagay niya kayo doon tapos hindi na kayo makikita ng daddy ninyo." Humalakhak siya na parang isang mangkukulam nang mapansin ang magkakasunod na paglunok ng mga ito. "Liar!" sigaw ng isa at itinutok sa kaniya ang hawak na water gun. Sapul sa mukha niya ang tubig. Punyemas! Ipinikit niya ang mga mata at huminga ng malalim. Nagbulungan ang mga ito kaya napamulat siya. Napakunot noo siya nang mapansin na wala ang isang bata. Nang libutin niya ng tingin ang buong paligid ay napasinghap siya nang mapansin na may kasama na itong aso habang hawak nito ang tali niyon. Masama ang tingin sa kaniya ng Siberian husky. Parang gusto siyang kainin ng buo. Kumahol pa ito na halos ikayanig ng buong katawan niya. "A-anong gagawin mo diyan?" nahihintakutang tanong niya sa bata habang papalapit ito sa kaniya. Nagtungo naman sa isang gilid ang dalawang kapatid nito at tumatawang pinanood lang siya. "No, please?" pagmamakaawa niya. Diyos ko po! virgin pa ako. Ni hindi nga alam ni Barry na nandito lang ako sa bayan at hindi totoong nasa Maynila..help me lord! "Behave lang, doggie mabait ako. Ako kaya ang future amo mo, kapag hindi mo ako tinigilan tandaan mo ipapatapon kita sa labas bukas na bukas din." banta pa niya sa aso. "Hindi mo pwedeng gawin iyon kasi hindi ka naman namin totoong mommy!" sigaw ng bata. Nagulat marahil ang aso sa pagsigaw nito kaya nagkakawag iyon. Nabitiwan ng paslit ang tali kaya nakatakbo ang malaking aso at tinumbok ang direksiyon niya. "Diyos koooo!" tumili siya at walang direksiyon ang mga paa na tumakbo siya makalayo lang sa aso. Dahil wala na siyang ibang choice ay tumalon na siya sa swimming pool. Pero mali din pala ang ginawa niya dahil hindi naman siya marunong lumangoy. Pilit na ikinampay niya ang mga kamay pero patuloy lang siya sa paglubog. "Tu-loooong!" halos mapuno na ng tubig ang dibdib niya dahil sa dami nang nainom niya. Kung kailan naman tuluyan na siyang nawalan ng pag asa na may tutulong pa sa kaniya ay saka naman biglang may tumalon sa pool at bumagsak sa mismong harap niya. Naipikit niya ang mga mata nang sumaboy sa mukha niya ang tubig. Ilang beses siyang napaubo bago niya naramdaman ang matigas na mga bisig na pumulupot sa baywang niya. "Hey, are you all right?" Isang anghel? Bumaha ang hindi maipaliwanag na emosyon sa dibdib niya nang marinig niya ang tinig ng isang lalaki. Pinilit niyang imulat ang mga mata sa kabila ng panghihina at panginginig ng katawan niya dala ng matinding lamig. Bumungad sa kaniya ang napakagwapong mukha ng isang lalaki. May mapupungay na mga mata at may alun along buhok na bahagya lang umabot sa batok ang haba. "N-nasa langit na ba ako?" "What?" Hindi na niya nagawang tumugon pa dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay sa mga bisig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD