6

2453 Words
ANG mahihinang paghikbi at galit na tinig ng isang lalaki ang gumising sa mahimbing na pagtulog ni Allyson. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata para lang magulantang sa naabutang tagpo. Sa may paanan ng kama ay nakatayo ang mga anak ni Jaime. Nakasquat ang mga ito at nakaunat ang mga kamay habang umiiyak. "Sumusobra na kayong tatlo, hindi pa ba kayo natuto na minsan ko na kayong napalo dahil sa ginawa ninyo sa mga yaya ninyo ha? ngayon pati ba naman ang mommy Demi ninyo ay gusto pa ninyong mapahamak?" "P-pero daddy hindi po namin sinasadya. Nabitiwan po kasi ni Keannu ang tali ni Vovo kaya nakawala tapos hinabol niya si m-mommy." "Kahit na!" dumagundong sa buong silid ang malakas na tinig ni Jaime. "Hindi dapat ninyo tinakot ang mommy ninyo." Napabalikwas siya ng bangon nang lumakas ang pag iyak ng tatlo. Nanlaki naman ang mata ng mga bagets at nakatulalang tiningnan lang siya. Kahit siya ay natulala na rin. Papaano naman kasi ay hindi sinasadyang nagtama ang mga mata nila ni Jaime. Bigla ay naging abnormal ang t***k ng puso niya. Pero bakit? dahil ba natatakot siya na mabuking siya nito? naipilig niya ang ulo. Malabong mangyari iyon dahil kamukhang kamukha niya si Demi na kung pagtatabihin sila ay aakalain nino man na magkakambal sila. Isa pa ay isang beses pa lang naman daw na nagkita ang dalawa at five years ago pa iyon. Kahit ang mga magulang ni Jaime ay hindi rin mahahalata agad na isa siyang impostor. Palagi daw kasing nasa ibang bansa noon si Demi kaya hindi ito nabigyan ng pagkakataon na makasama ang pamilya ni Jaime. Napakunot noo si Jaime nang tumingin ito sa kaniya. Nagmamadaling nilapitan siya nito at dinama ng isang palad ang noo niya. Goodness! Nakaramdam siya ng kakaibang init ng magdampi ang mga balat nila. Bakit parang nilalagnat siya? "Okay ka na ba? ilang oras kang nakatulog dahil biglang tumaas ang lagnat mo kanina. Ang sabi ng doktor ay kailangan mo daw magpahinga at uminom agad ng gamot." "A-ah..." namamaos ang tinig na na sambit niya. Inilibot niya ang mga mata sa bawat sulok ng malaking silid. Hanggang ngayon ay parang ayaw pa rin gumana ng utak niya. Ang tanging natatandaan lang niya kanina ay hinabol siya ng aso at tumalon siya sa pool para makatakas. Pero hindi naman siya marunong lumangoy kaya kamuntikan na siyang malunod. Tapos bigla ay may tumalon sa pool at hinawakan siya sa baywang. Nang balikan niya sa alaala ang mukha ng lalaking nagligtas sa kaniya ay napalunok siya. Si Jaime ang tagapagligtas niya. Ang gwapong fiancée niya! Naupo sa gilid ng kama ang binata. Inayos nito ang kumot na nakabalot sa bandang baywang niya. Muli ay nakaramdam siya nang pagkalito. Papaano nga ba siya aarte sa harap nito? "Nandito ka sa kwarto natin," Shit. Napakagat labi siya. Minsan na niyang nakita ang litrato ni Jaime sa photo album ni Yara. Noon pa man ay crush na kasi ito ng kapatid niya. Noon ay walang dating sa kaniya si Jaime kahit alam niyang gwapo ito. Siguro ay dahil nga may mga anak na ito. Pero wala sa hinagap niya na ganoon pala ito kagwapo sa personal! Para itong binatang version ng triplets. Nakaawang ang mga labi na pinagmasdan niya ang lalaki habang nakatayo na ito at naghihiwa ng isang mansanas. "Kumain ka muna ng apple, nagpaluto na ako kay manang ng chicken soup para makakain ka na rin," sabi pa nito. Nakakapanlambot ng mga tuhod ang bawat paggalaw ng mga muscles nito sa braso habang hawak nito ang maliit na kutsilyo at naghihiwa ng mansanas. Hindi perpekto ang paghiwa nito sa prutas at halata na hindi ito magaling humawak ng kutsilyo. Napailing siya. Kaya pala kailangan nito ng asawa ay wala talaga itong alam pagdating sa mga bagay na walang koneksiyon sa pagnenegosyo. Kailangan nga nito ng isang babae na makakasama nito sa buhay at sa paggabay sa mga anak. Bigla ay parang gusto niyang maawa sa pamilya ni Jaime. Sa pagbabalik ni Demi ay siguradong aalis na rin siya sa mansiyon. Tiyak na sa panahon na iyon ay naipaliwanag na ni Demi sa dalawang pamilya na hindi talaga nito gusto na magpakasal sa lalaking hindi nito mahal. Pero ano ba ang problema kung magpakasal si Demi o kahit ang ibang babae kay Jaime? Hello! kung wala lang siyang kasintahan at mayaman din siya na katulad ng binata ay hindi siya tatanggi kapag inalok siya nito ng kasal. Ang sabi ng mga matatanda sa bayan nila ay para na rin daw tumama sa lotto ng napakalaking halaga ang isang babae na nagpakasal sa isang Mondemar. Dahil maliban sa mayaman ay magagandang lahi pa ang mga ito. At isang buhay na patunay doon si Jaime. Kulang ang salitang 'gwapo' kung ilalarawan niya ang binata. Matangkad ito sa taas na anim na talampakan. Sa unang tingin pa lang ay mahahalata na agad ang pagkakaroon nito ng dugong banyaga. May dugong kastila din kasi ang ina nito na si Mama Leticia. Perpekto ang kurba ng makakapal na mga kilay nito at ang mga mata ay parang sa dahon ang kulay dahil berde ang mga iyon na siyang namana ng mga anak nito. Ang unang mapapansin dito ay ang matangos nitong ilong na siyang pinakaasset nito. Manipis din ang mga labi ni Jaime na parang ginuhit ng isang magaling na pintor. Medyo pangahan ito na mas nakadagdag pa sa supladong aura nito. Dahil sa medyo manipis na balbas na tumutubo sa bandang panga nito ay mas lalong lumitaw ang pagkakaroon nito ng mixed blood. "Wala ba kayong sasabihin sa mommy ninyo?" turan ni Jaime matapos nitong iabot sa kaniya ang mansanas. Lumukso ang puso niya nang muling magtama ang mga mata nila. Shit! bakit ba kailangan kong makaramdam ng ganito na para akong teenager na hindi mapakali sa harap niya! saway niya sa sarili. Umayos na ng tayo ang tatlong paslit at isa-isang lumapit sa kaniya at yumakap. "Sorry, mommy," magkakasabay na sabi ng mga ito habang humihikbi. Aw.... kahit papaano ay lumambot ang puso niya. Kahit naman maldito ang tatlo ay hindi niya mapigilan ang madala lalo pa at nagpapaawa ang mga ito habang tinitingnan siya. Napahinga siya ng malalim. Wala sa hinagap niya na sa ganitong paraan niya makikilala ang pamilya ni Jaime. "Now, bumalik na kayo sa dating puwesto ninyo," "Dad!" Maging siya ay natigilan sa narinig at sumulyap sa lalaki. "Jaime, okay lang naman ako. Hindi mo sila kailangang pahirapan," "No, hindi mo kilala ang mga anak ko. Balewala lang sa kanila ang ganito at isa lang ang masasabi ko sa ngayon. Huwag kang magpapadala sa pagpapaawa nila sa'yo. Matatalo ka nila kapag ginamit mo ang emosyon mo." "Pero mga bata lang sila," giit niya. Walang nagawa ang triplets kundi ang bumalik sa pag squat. Nagsimula na naman umiyak ang mga ito kaya naawa na siya. "Tahan na, kakausapin ko ang daddy ninyo," sabi niya sa mga ito at muling bumaling ng tingin sa lalaki. Hindi pa nga niya nababawasan ang mansanas ay nakita na naman niya itong nagbabalat ng orange. "Jaime, please?" "Please, what?" "Ang mga anak mo," "I said no, mahina ba ang pandinig mo?" masungit na sabi nito. Napabuntong hininga siya. Napakaweird nang nangyari sa unang beses na pagkikita nila. Kung hindi lang siya nanghihina at nahihilo ay baka tumayo na siya at hinila palabas ng silid ang mga anak nito. "Mommy, help us please?" Napatungo siya habang naririnig ang pag iyak ng mga ito. Wala siyang alam sa kayang gawin ng mga anak ni Jaime. Pero dapat ba talaga na pahirapan nito ang mga bata para lang matuto sa nagawang kasalanan? Hay! papaano naman niya kasi ilulugar ang sarili niya sa buhay ng mga ito kung isa lang siyang hamak na impostor at darating ang araw na mag aalsa balutan din siya paalis ng mansiyon? *********************************************** "Mabait si mommy, nakita ba ninyo kanina naawa siya sa atin?" "Hmp! hind totoo iyon. Mabait lang siya kasi nandiyan si daddy. Pero kapag walang ibang tao aawayin niya tayo. Parang iyon bagong mommy ni Janice 'di ba sabi niya kapag nasa work ang daddy niya inaaway siya ng mommy niya?" "At saka 'di ba tinakot pa niya tayo na kapag umalis na siya dito ay may monster mommy na papalit sa kaniya? yay!" "Good evening, kids!" ipinaskil niya ang matamis na ngiti sa mga labi at pumasok sa loob ng silid ng tatlo. Dahil may ilang oras din siyang nakapagpahinga ay agad na nakabawi na siya ng lakas. Pasado alas diyes na gabi kaya naisipan niyang silipin ang mga bata. Hindi pa pala natutulog ang mga ito. Nakadapa sa kaniya kaniyang kama at daig pa ang mga pulitiko habang seryosong nag uusap. "At ano ang pinag uusapan ninyo? Ang pag unlad ng Pilipinas? Tungkol kay Naruto? Come on, tell me," naupo siya sa gilid ng kama ng isang paslit. Tiningnan niya ang kamay nito at ng mapansin ang balat sa kaliwang kamay nito ay napangiti siya. "Kenshin." "Paano mo nalaman?" namamanghang sabi ng isa pang paslit. May maliit na pilat ito sa baba kaya nasisiguro niya na ito si Kean. "Kean," "Hindi!" magkasabay na sabi ng tatlo. Naitirik niya ang mga mata at isa isang itinuro ang mga ito. "Ikaw si Kean kasi may pilat ka sa baba, ikaw naman si Kenshin kasi may balat ka sa kaliwang kamay at hindi mo maitatago iyan. At ikaw naman si Keannu, papaano ko nalaman? Simple lang dahil maliban sa wala kang pilat sa baba ay wala ka rin naman balat sa kamay. Ang dali 'di ba? ang mismong daddy ninyo ang nagsabi sa akin kaya hindi ninyo ako maloloko. Wais ito 'uy!" "Crazy!" sigaw ni Keannu. "Ouch, dapat bang sinasabi sa mommy iyan? huhu!" "Sabi mo kanina hindi ka naman talaga ang mommy namin," Natigilan siya at kinagat ang ibabang labi. Papaano ba niya mapapaamo ang tatlo? "Alam ninyo, kapag hindi kayo naging mabait sa akin ay isusumbong ko kayo palagi sa daddy ninyo. Tapos palagi din niya kayong pagagalitan at paparusahan, gusto ba ninyo ng ganoon?" Umungol ang aso na nasa may paanan ng kama ni Keannu. "Kakagatin ka naman ni Vovo, bleh!" anito. Napangisi siya. "No, baby, friend na kami ni Vovo. Sabi ni Manang sa akin kapag binigyan ko siya ng pagkain ay magiging mabait na siya sa akin." Nanlaki ang mga mata nito. "Really?" Para patunayan ang sinabi niya ay tinawag niya ang aso. Lumapit naman ito sa kaniya at kontentong nahiga sa may paanan niya. Mabait naman daw kasi si Vovo sabi ni manang Nena at madaling mapaamo kapag binigyan na ng pagkataon. Hay mabuti pa ang aso madaling mauto sa pagkain. Eh, ang mga chikiting kaya? Napahikab siya at agad na tumayo na. "Matulog na kayong tatlo ha? bawal ang malate ng gising bukas, may pasok pa kayo sa school." "Eh, kung gumising kami ng late wala kang magagawa, mommy," may diin ang paraan nang pagbigkas ni Kenshin sa salitang mommy. Manang mana sa daddy niyang supladito! "Ang malate ng gising bukas ay hindi kasama sa Jollibee," hamon niya. "Cool!" napapalakpak si Kean. "Once a week lang kami nagpupunta sa Jollibee kasi walang time sila lola na sumama sa amin, ayaw naman namin na delivery lang walang thrill." hirit naman ni Kenshin. "Thrill?" natawa siya. Ano ba ang gagawin niya sa makukulit na mga batang ito? "Pwes habang nandito ako palagi tayong kakain sa Jollibee o kahit saan ninyo gusto. Pero kailangan muna ninyong manalo sa mga challenge ko. Oh, ano? deal?" "Deal!" Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng silid ng magkakapatid at dumiretso sa kusina para ipagtimpla ng kape si Jaime. Alam niyang nasa library ito ngayon kaya dumiretso na agad doon bitbit ang tinimpla niyang kape. Ilang buntong hininga ang ginawa niya para lang huwag siyang matuliro mamaya sa harap ng binata. Inayos pa niya ang buhok habang nakatayo sa labas ng library. Bumaba ang mga mata niya sa suot niyang t-shirt na sakto lang sa katawan niya ang sukat. Tinernuhan niya iyon ng kulay pink na pajama bottom. Kanina ay nag usap na sila ni Jaime at ito ang nagpaliwanag sa kaniya ng sitwasyon ng mga bata. At sa totoo lang ay nakakagulat ang mga natuklasan niya. Mas malala pa pala sa inaasahan niya ang pinaggagawa ng triplets sa mga naging yaya ng mga ito. "Okay," muli siyang huminga ng malalim at kumatok sa pinto. Narinig niyang nagsalita si Jaime mula sa loob kaya dahan dahan niyang binuksan ang malaking pinto ng library. "Coffee?" aniya at dumungaw sa pinto. Jusko! nagkakasala na po ako kay Barry my love.. bakit naman kasi kahit mukhang pagod at inaantok na ang lalaki ay hindi pa rin nababawasan ang kagwapuhan nito? "Yeah, sure," tugon naman ng binata. Pumasok na siya sa loob at habang papalapit siya dito ay siya namang unti unting pagbilis ng t***k ng puso niya. Weird! hindi niya naramdaman ang ganoon kay Barry kahit noong nililigawan pa lang siya nito. Walang slow motion o sparks siyang naramdaman sa kasintahan niya. Inilapag niya ang tasa ng kape sa table habang si Jaime ay nakatuon ang atensiyon sa papeles na hawak nito. Napasinghot siya nang manuot sa ilong niya ang amoy ng gamit nitong cologne. "Uhm..." "Yes?" Napalunok siya nang mag angat ng tingin sa kaniya ang binata. "Ah, itatanong ko lang pala kung saan ang magiging kwarto ko?" "Kwarto mo? nasabi ko na sa'yo kanina 'di ba na kwarto natin iyon," "Natin?" napaawang ang mga labi niya nang maalala ang sinabi nito kanina. Oo nga pala! "T-teka.." Dumiretso ito ng upo at pinagsalikop ang mga braso sa matipunong dibdib saka siya tiningnan. Kamuntik na niyang mahawakan ang garter ng panty niya nang ngumiti ito sa kaniya. "Hindi ko alam na aabot tayo sa ganitong point. I'm sorry, Demi kung naging busy ako this past few days at hindi agad kita naasikaso. Nalaman ko na lang din sa secretary ko na nasa Santa Ynez ka pala at papunta na dito sa mansiyon. Minamadali ba kita?" "Hindi naman!" mabilis na pagtanggi niya. Ang nakakabigla iyon ngiti mo. Utang na loob Jaime, magbigay ka muna ng warning bago ka ngumiti ulit para maiready ko naman ang puso ko. "Ang tungkol sa guest room," saglit na nag isip ito at biglang umiling. "Sorry, hindi kita mapagbibigyan. Magtataka sila mama kung hindi tayo sa isang room matutulog. Magsasama na tayo bilang mag asawa kahit hindi pa naman tayo kasal. Parte na iyon ng tradisyon ng pamilya namin at kung ang iniisip mo pa ang tungkol sa iba pang bagay well don't worry hindi ako mapilit pagdating sa s*x, kusa na lang iyon darating sa akin." Whaaaaat?! Awtomatikong namula ang mga pisngi niya nang marinig ang salitang s*x mula sa mapupulang mga labi ni Jaime. Hesusmaryosep!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD