7

1329 Words
“Love, naku, sorry, sorry talaga kung nalate ako ng dating,” hingal kabayo na si Allyson nang makalapit siya kay Barry. Nakakunot noo naman ang nobyo habang pinagmamasdan siya. Araw ngayon ng linggo at alam nitong day off niya kaya tinawagan niya ito kahapon para yayain itong magdate sila. Gusto niyang sulitin ang buong araw kasama si Barry. Kaya nga lang ay nahuli siya ng dating dahil sa tatlong bagets na hindi siya tinantanan kanina. Nang magising siya kanina ay ang mga bata ang bumungad sa kaniya habang pinagdidiskitahan ng mga ito ang mahabang buhok niya. Napangiwi siya nang maalala ang chewing gum na inilagay ni Kenshin sa buhok niya. Napilitan tuloy siyang sumaglit na muna sa parlor para ipagupit ang buhok dahil hindi na napantay iyon matapos niyang subukan na gupitin mag isa. Nasermunan niya ang tatlo kanina pero balewala lang sa mga ito ang nangyari at basta na lang siya tinakbuhan. Sa halip na patulan ang mga bata ay hinayaan na lang muna niya. Isang linggo pa lang ang nakalipas mula nang maparusahan ang mga ito ng ama at hindi naman kaya ng konsensiya niya kung mauulit na naman iyon. Pero ang buhok ko! mangiyak ngiyak na hinaplos niya ang makintab na buhok na hanggang batok na lang niya ang haba. Bob cut ang napili niyang hairstyle dahil hindi na magandang tingnan ang hindi pantay na gupit niya kanina. Ang sabi ng bakla sa parlor ay mas bumagay nga daw sa kaniya ang ganoong style dahil mas lalo pang lumutang ang ganda niya. Nang magpakilala naman siya at sabihin niya na siya ang fiancée ni Jaime Mondemar ay inasikaso siya ng todo ng mga tauhan sa parlor. Pag aari daw pala ni mama Leticia ang parlor kaya hindi na rin siya siningil at may libreng manicure at pedicure pa siya. “Nakakatampo ka naman eh, sabi mo maaga kang pupunta dito sa mall tapos isang oras mo lang pala akong paghihintayin.” nakasimangot na turan ni Barry. Nahihiyang iniyakap niya ang kamay sa braso nito. Kanina pa ito nagtetext sa kaniya pero hindi naman siya makareply dahil naubusan siya ng load. Mabuti na lang at may usapan na sila na magkikita sa labas ng isang bookstore kaya nakita niya ito agad. “Sorry na po, natraffic lang talaga ako sa biyahe,” pagdadahilan niya. Kulang kulang dalawang oras din naman ang biyahe mula Maynila hanggang Mondemar kaya alam niyang magiging kapanipaniwala ang dahilan niya. “Kung hindi lang kita mahal, naku baka kanina pa ako umalis,” Napakagat labi siya at natatawang hinampas ng mahina sa balikat si Barry. Sa loob ng mahigit kalahating taon na relasyon nila ng kasintahan ay masasabi niya na kontento siya. Pinsan ito ng isang dati niyang kaklase at ng minsan na magkita sila sa birthday party ng pinsan nito ay hindi na siya nito tinigilan. Tatlong buwan din ito nanligaw sa kaniya bago niya ito sinagot. Gwapo si Barry at medyo hawig ni Rocco Nacino kaya alam niya na maraming kababaihan ang nainggit sa kaniya nang malaman na kasintahan na niya ito. Maayos naman sana ang relasyon nila ni Barry kaya lang ay may problema. Hindi siya gusto ng mommy nito dahil wala daw siyang permanenteng trabaho. Hindi daw siya nababagay sa nobyo niya na isang high school teacher. Masakit man sa pride niya ay mas pinili na lang niya na dumistansiya sa pamilya ni Barry para wala na lang gulo. “Kain na tayo?” Tumango siya at nginitian ito. Sa isang Korean restaurant siya nito dinala na siyang paborito nilang puntahan noong madalas pa ang pamamasyal nila. Habang kumakain ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng lungkot. Ngayon na may misyon siyang dapat na gampanan ay hindi na muna siya pwedeng lumabas kasama si Barry. Baka may ibang makakita sa kaniya at makarating pa iyon kay Jaime. Ipinilig niya ang ulo ng biglang lumitaw sa isip niya ang gwapong mukha ng lalaki. Nagkakasala ako, lord! Ang boyfriend ko ang kasama ko pero bakit ibang lalaki ang naiisip ko? Napabuntong hininga siya. Sa loob ng isang linggong pagtira niya sa mansiyon ng mga Mondemar ay wala siyang masabi sa kabutihan ng mga magulang ni Jaime. Samantalang si Jaime naman ay palaging abala kaya wala na itong panahon sa mga anak at malalim na ang gabi sa tuwing umuuwi ito. Pagkauwi naman nito ay maliligo lang ito at buong gabi ng mananatili sa library para magtrabaho ulit. Natutulog siyang mag isa sa silid nila. Siguro ay talagang ganoon ang mga mayayaman. Masyadong abala sa pagpapaunlad ng mga negosyo kaya halos wala ng panahon sa sarili at pamilya nila. Nanghihinayang ka? nang uuyam na sabi ng kabilang bahagi ng utak niya. Napalabi naman siya. “Love?” “Ha?” “Sabi ko parang mas lalo kang gumanda ngayon,” “A-ah..” natigilan siya. Napansin marahil ni Barry na hindi na lang simple at mumurahin ang mga damit na isinusuot niya ngayon. Signature bag na rin ang gamit niya at kahit isang linggo pa lang naman siyang nasasanay sa lamig ng aircon ay mas lalong gumanda ang kutis niya. “Thank you, love,” Habang nilalantakan niya ang hita ng fried chicken ay naramdaman niyang hinawakan ni Barry ang kamay niya. Napakunot noo siya nang sulyapan ito at mapansin ang kakaibang tingin nito sa kaniya. “Bakit?” nalilitong tanong niya. “Love, naisip ko lang kasi na matagal na rin naman tayong 'di ba? hindi pa rin ba pwede?” anito at pinisil ang kamay niya. Napaawang ang mga labi niya at tumitig sa mukha ng nobyo. Nakita niya ang pagkislap ng kapilyuhan sa mga mata nito. Napailing na lang siya at ibinaba sa plato ang kinakain niya. “Napag usapan na natin ito 'di ba?” seryosong saad niya. Si Barry ang unang nobyo niya at matagal na niyang naipaliwanag dito na hindi pa siya handa sa bagay na iniuungot nito. Bigla ay dumilim ang mukha ng lalaki at naiiritang tumingin sa kaniya. “Hindi mo magawang ibigay sa akin ang sarili mo dahil hindi mo naman talaga ako mahal,” nagtatampong sabi pa nito. “Barry!” “Bakit? totoo naman 'di ba? hindi ka siguro talaga seryoso sa akin, Allyson. Ako lang ba talaga ang dapat na magbigay sa relasyon natin? papaano naman ang mga pangangailangan ko?” “Barry kasi—” napalunok siya at hindi na maituloy pa ang ibang sasabihin nang mapansin sa entrada ng restaurant ang isang matangkad na lalaki. Pamilyar sa kaniya ang bulto nito kaya hindi niya magawang alisin ang mga mata dito. Napaawang ang mga labi niya nang tuluyan niyang mabistahan ang mukha ng lalaki habang may kausap itong apat na foreigner. Punyemas! Bakit nandito si Jaime? Dinampot niya ang bag at itinakip iyon sa mukha niya sa takot na magawi sa direksiyon niya ang tingin ng binata. Habang si Barry naman ay patuloy sa walang sawang panunumbat sa kaniya. Ganoon naman ang madalas na sintemyento ng nobyo niya kaya sanay na rin siya. Wala silang ibang pinagtatalunan kundi ang gusto nito na ibigay niya ang sarili dito kahit hindi pa sila kasal. “Tara na, bilis!” natatarantang tumayo siya at tumingin sa nobyo. “Ano? hindi mo man lang ako pakikinggan?” namumula na sa matinding inis ang mukha nito. “Kailangan ba talaga na dito pa natin pag usapan iyan?” saway niya sa nobyo. Napansin niya na kanina pa tumitingin sa kanila ang nasa kabilang mesa. “Dito lang tayo,” “Barry!” diyos ko huwag naman sana akong mabuking ni Jaime. Baka bawiin ni Demi ang pera sa akin. “Basta!” “Bahala ka!” sikmat niya sa nobyo. Tinalikuran niya ito at tinungo niya ang kabilang side ng restaurant kung saan may isa pang exit gate. Nakahinga siya nang maluwag nang makalayo na siya. Pero may mas matinding problema siyang haharapin. Mukhang wala talagang balak lumabas ng restaurant si Barry. Papaano niya ngayon ipapaliwanag dito ang dahilan ng biglang pag alis niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD