CHAPTER 21 Nawalan na din ako ng ganang kumain. Sumunod na din akong pumasok sa kuwarto ko. Hindi ako nakatulog sa kaiisip kina Daddy at Mommy. Naguguluhan ako. Nasasaktan. Nasabi ko na sa wakas ang niloloob ko. Alam na siguro nila ang dahilan kung bakit ako naging ganoon habang lumalaki ako. Hanggang sa nagdesisyon na lang din akong panindigan na lang kung ano ang unang nasabi ko sa kanila. Ayaw ko nang mapaaway pa dahil sa kanila. Ayaw kong makarinig pa ng kung anu-ano tungkol sa kinalakhan ko. Ampon si Mommy, walang masabing pamilya si daddy. May mga mahahalay na nakaraan. Isa akong taong imbento ng imbensiyon. Napakahirap intindihin ang aking pagkatao. Magdamag akong dilat. May kung ano kasing bumabagabag sa aking damdamin. Sadyang may mali. Bago ang oras ng graduation namin ay d

