THE DAWN OF LOVE CHAPTER 18 Best Teen Romance Novel by: Joemar Ancheta Nakatingin sa akin. Mukhang hindi siya masaya. "Ohh anyare do'n? May nasabi ba akong hindi maganda?" "Wala naman. Ang saya nga eh. Napakasaya ng rule of friendship na sinabi mo." Sarcastic niyang sagot. Ngumiti siya ngunit halatang pilit lang din iyon. Tinalikuran na niya ako. "Weird ng mga taong to?" bulong ko sa aking sarili. "Dahil ba sa hindi tama ang spelling ko ng Fuschia?" sigaw ko. "Whatever!" sagot ng palabas na si Saira. "Paano yung handshake natin?" pahabol ko muli. "Gawin mo mag-isa." Sagot ni Faye na hindi nagawang lumingon. Nang sumunod ako sa kanila ay naabutan kong nag-eensayo na si Faye para sa Valedictory Speech niya sa bakanteng classroom. Hawak niya ang isang notebook na pinagsusulatan

