CHAPTER 19 Binuklat-buklat ko ang notebook ni Faye habang sila ay hindi magkaugaga sa pakiusap na papasukin sila o ibigay na lang ang notebook. FLAMES. Napangiti ako doon. Nagpapaniwala din pala sila sa FLAMES na ito. Natigilan ako nang mabasa ko ang nasa baba. Hindi ko iyon inakala. Ni wala pa sa isip ko ang ganoong bagay. Ngayon alam ko na kung bakit sila apektado sa sinabi kong Rule of Friendship namin kanina. Nagtapat ang pangalan ko at pangalan ni Saira at na-cross-out ang mga magkakatulad na letra sa pangalan niya at pangalan ko. Penmanship ni Saira iyon. Napangiti ako. "May nalalaman pa pala kayong Flames ha!" kantiyaw ko. “Ang kokorni ninyong dalawa. Alam ko ‘to e. Ginagawa ito kapag gusto mong malaman kung ano kayo ng crush mo. Uyy ha ha ha! Crush mo ako no? Kaya nagaga

