CHAPTER XXVII: Admit Defeat

1825 Words

May mga pagkakataon na alam na nating wala ng pag-asa pero nagpapatuloy pa rin tayo. At sa mga pagkakataon na ito, kung saan desperado tayong gawin ang lahat, tayo ay napapahamak. Nalalagay ang buhay natin sa dulo ng isang tulay na hindi konektado sa ating paroroonan. Sa sitwasyon na ito, ang tamang gawin, ay dapat na tayong umatras. “Kapag natalo n’yo ang Haring Grim, matatapos na ang pagsubok. Malaya na kayong makakapasok sa Drisaste, ang kagubatan na kumukonekta sa Nava at Great Wall,” paliwanag ni Acosta. Nakatuon pa rin ang atensyon ko sa halimaw na nasa papel pero nasa kanya ang aking mga tainga. Ang dali lang pakinggan ng mga binitiwan niyang salita. Pero ang totoo ay napakahirap nitong gawin. Tahimik akong napamura bago inangat ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa aking harapan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD