bc

Dethrone the King

book_age16+
160
FOLLOW
1K
READ
adventure
reincarnation/transmigration
self-improved
bxg
brilliant
otaku
game player
medieval
magical world
supernatural
like
intro-logo
Blurb

An entry for Rise from the Ashes: King from Nobody.

Caster Dela Buena, a Physical Education teacher in Santa Cruz National High School, is alive but dead inside. Life stole everything from him.

Nang mamatay sa car accident ang mga magulang ni Caster, ang nakababatang kapatid niyang si Kate ang nagsilbi niyang liwanag sa magulong mundo na kanyang ginagalawan. Kate taught him to live. Pero binawi rin sa kanya si Kate dahilan para tuluyan na siyang mawalan ng dahilan para mabuhay.

Nakangiti siya sa harapan ng iba, pero ang totoo ay hinihintay niya na lang din na matapos ang buhay niya. He’s tired.

Hanggang sa isang araw ay natupad na nga ang hiling ni Caster. Habang naglalakad pauwi, nabangga siya ng isang jeep dahil sa kagustuhan niyang iligtas ang isang ginang. He was certain it was the end for him. Pero nang imulat niya ang kanyang mga mata, nasa katauhan na siya ni Austere Callisto, isang mamamayan ng Argon.

Kung saan ang mga tao ay lumalaban para mabuhay, para makatawid sa Great Wall, para makalaya sa mga halimaw na tumutugis sa kanila—Argon is a place of survival.

Ang plano ni Caster ay hayaan na lang ang sarili na mamatay muli rito. Pero nang makita niya si Faith, na kamukhang-kamukha ng pumanaw niyang kapatid, naging pursigido siyang mabuhay.

Magawa kaya ni Caster na iligtas muli ang kapatid niya sa mundong ito? Mapalaya na kaya niya ang sarili sa konsiyensya ng nakaraan? Nasa likod kaya ng Great Wall ang kapayapaang hinahangad nila? Ano ang dahilan kung bakit bigla siyang napunta sa mundo ni Austere?

Subaybayan ang bagong buhay ni Caster sa katauhan ni Austere Callisto, ang huwarang hari ng unyong Gama.

Date Started: November 01, 2021

Date Finished: February 10, 2022

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ito na. Ito na ang pinakahinihintay kong katapusan. Makakapagpahinga na ako.   Teka . . .   Ilang taon na ba akong umaaktong buhay kahit patay na naman ang puso ko. Limang taon? Pito?   Nakakatawa. Kaya ko palang linlangin ang sarili ko nang ganito katagal. You did well, Caster. You did will.   “Sir Caster!” Oh? Boses ‘yon ng estudyante ko, ah? Si Lily? Sinundan niya ba ako? s**t.   Nangako pa man din ako sa kanya na makikipagkita ako sa kapatid niya sa susunod na Sabado. Mukhang hindi ko na ito personal na mapapasalamatan sa inihanda nitong lunchboxes para sa ‘kin.   “Tumawag kayo ng ambulansya!” Sino naman ‘to? Isang concern citizen?   Crap. Nanlalabo na ang paningin ko. Ang lamig din ng semento na hinihigaan ko.   Ah, naaamoy ko rin ang sarili kong dugo. Gusto kong kapain ang ulo ko pero hindi ko na maigalaw ang braso ko. Mamamatay na nga siguro ako. Salamat naman.   Salamat dahil hindi ko na talaga kayang mabuhay pa nang matagal na hindi alam kung saan patungo ang mga yapak ko.   Ba’t pa ba kasi ako nabuhay?   Sana namatay na lang din ako kasama nila Mama noon.   Sana ako na lang ang napagtripan at hindi si Kate. Mas deserve niyang mabuhay kaysa sa akin, eh. She deserves to be alive.   Sana . . .   Sana hindi na ako maabutan ng ambulansya ngayon.   Ayaw ko nang mabuhay pa. Ayaw ko na.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
26.9K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook