CHAPTER I: New Beginning

3139 Words
“Saan ka pa pupunta, Copp? Forward na!” Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw dahil sa sobrang inis. Tang ‘na naman kasi nitong mga kalaro ko ngayon. Ang duduwag! “Chill, Cast,” rinig kong wika ng isa kong teammate mula sa kabilang linya, si Lex. Sa kanilang lima, siya lang yata ang matino kong kalaro. Alam niya na ang gagawin niya, eh. Hindi tulad nitong apat naming kagrupo na mga pabuhat. Napabuga na lang ako ng hangin sabay gulo sa magulo ko nang buhok. I heard Lex laughed at me. “Walang hiya, Lex. Alam mong rank game ‘to,” iritado kong wika. Inayos ko ang suot kong headphones sabay patong ng kanang paa ko sa aking gaming chair. Bahala sila basta pupunta na ako sa main base. Walang hiya para namang mga baguhan ‘tong ibang kasama ko, eh, pare-pareho lang naman ang rank namin. Don’t tell me na narating nila ang Rank 51 sa War Land na nakapikit ang mga mata nila? Aba, hindi naman yata kapani-paniwala ‘yon. Tae, naka-full ang air conditioner ko rito sa kuwarto pero umiinit pa rin ang ulo ko sa kanila. “Ayan, galit na si Master Caster. Copp, diretso na kayo sa main base para matapos na tayo,” natatawang wika ni Lex. “S-Sige,” tugon naman ng walang hiyang si Copper. Hindi na ako kumibo at itinuon na lamang ang aking atensyon sa computer screen. Unti-unti nang lumalamig ang ulo ko nang makita kong nakasunod na sila Copper sa ‘min ni Lex. Salamat naman. Ilang sandali pa ay sinalubong na kami ng aming mga kalaban. Ako ang nanguna sa pag-atake at nakasunod naman sa ‘kin si Lex. Sila Copper naman nasa likuran lang namin. Bahala na sila kung ano’ng gagawin nila. Nasa kalagitnaan ako ng pakikipaglaban nang biglang mag-vibrate ang phone ko na nakalapag sa unahan ng aking keyboard. Saglit ko ‘tong tiningnan at ibinalik din agad ang aking atensyon sa monitor. May natanggap akong text mula kay Edwin, ang co-teacher ko sa Santa Cruz National High School. Naka-hide ito kaya hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin. Baka gusto lang magyayang uminom o ano. Kakatapos lang kasi ng klase namin last week, na-miss yata agad ako. “Oi, Master Caster. Buhay ka pa ba? Ano na?” biglang tanong ni Lex mula sa kabilang linya. Napansin niya sigurong naka-stand by lang ang hero ko. Crap, nakalimutan kong igalaw ang mouse ko. “I’m alive and well, loko. Diretso na kayo ni TripleA sa main, kami na ang bahala rito sa mid,” utos ko sa kanila saka dinirekta ang hero ko papunta sa posisyon nito. Sumunod naman sa ‘kin sina Copper at Lancer. Naubos na namin ang sumalubong sa ‘min na mga kalaban kaya oras na para tapusin ang larong ito. Isa lang naman ang goal ng War Land, kailangan mo lang sirain ang main base ng kabilang team. ‘Yong mismong castle kung saan sila naghe-heal. Kapag nagawa n’yo ‘to, p’wede na kayong maghapunan. “Copy, Master Caster!” sigaw ni Lex. Napailing na lang ako nang marinig ko ang maharot niyang boses. “Umayos ka, bata,” banta ko habang sinusundan ng tingin ang paggalaw nila sa mapa. “Maaasahan mo ako, Master,” proud niyang sabi. Napangisi na lang ako at nag-focus na sa aming depensa. Habang dumarami ang kalaban na lumalapit sa ‘min, mas lalong bumibigat ang mga daliri kong palipat-lipat sa ibabaw ng keyboard.  Maging ang mouse ko ay hindi na mapirmi. Hanggang sa nasagi ko na ang cup noodles na pananghalian ko dahil sa sobrang pagkalunod sa laro. “s**t!” bulalas ko sabay kuha sa labahan kong t-shirt na nasa lapag ng sahig. “May problema ba, Master?” nag-aalalang tanong ni Lex. Agad ko rin na binalikan ang hero ko pagkatapos kong punasan ang natapong sabaw.  Naabutan ko sila Copper na nakaka-adjust na sa war zone, pero hindi pa rin ito sapat para mapigilan ang mga kalaban namin. “Wala, wala. Diretso na,” tugon ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na gamitan ng special skill ang kalaban na nakapalibot sa amin. Kailangan na, eh. Hindi rin naman ito masasayang. Ako pa, sigurado ako palagi sa ginagawa kong mga atake. “Copp, Lancer, assist,” utos ko. Malaki ang naging damage ng pinakawalan kong attack kaya mas napadali ang pagtapos nila Copper sa ilang natirang kalaban. Kapalit naman nito ay nabawasan ng kalahati ang HP ng hero ko. Sulit naman. “s**t! Nice kill!” masiglang sigaw ni Lex. Napangisi na lang ako sa kanya. He’s a doing a good job, too. Kaunti na lang ay babagsak na ang kastilyo ng kalaban. Pagkatapos ng tatlumpung minuto ay natapos din ang laro namin. Napasandal na lang ako sa aking upuan nang mag-flash sa monitor ko ang salitang VICTORY. Akala ko talaga hindi ko na ‘to makikita ngayong araw. Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang mag-rank down sa ranking. Sa susunod kailangan ko na talagang mag-ingat sa pagpili ng kakampi. Hindi pala lahat ng mataas ang rank ay magaling. Tsk! Nag-usap-usap pa ang iba kong kagrupo sa chat box pero nag-leave na agad ako. Ayaw ko na silang makalaro pa ulit. Tatandaan ko talaga ang mga username name nila, gago. Akmang maglolog out na ako sa War Land para lumipat sa Death Zone nang makatanggap ako nang alliance request mula kay Lex. Hindi ko napigilan na mapangisi. “Ito ang karapat-dapat na mabigyan ng second chance,” wika ko sa sarili sabay accept sa request na natanggap ko. May ipinadalang mensahe si Lex pero hindi ko na ‘to tiningnan at agad din na nag-log in sa Death Zone. Dito na naman ako. Hahayaan ko munang makaalis ang mga nakalaro ko kanina bago ako bumalik doon sa War Land. Padadalhan ko na lang ng mensahe si Lex para makipag-team up ulit sa kanya mamaya. Pagpasok ko sa Death Zone agad din na bumungad sa ‘kin ang iba’t ibang game room. Sasali na sana ako sa isang team nang biglang tumunog ang phone ko. Napangiwi ako nang mag-flash ang litrato ni Edwin sa screen nito. Plano ko sana na huwag na lang siyang pansinin pero naisip ko na baka may importante siyang sasabihin tungkol sa school. Pagkatapos kasi nang graduation hindi na ako nagpakita ulit sa kanila. Hinubad ko ang suot kong headphone at ikinonekta ang tawag sa iPods ko. Ipinagpatuloy ko na ang aking pagsali sa isang grupo saka ko isinuot ang earphones ko. Agad akong sinalubong ng malakas na boses ni Edwin dahilan para malukot ang guwapo kong mukha. Walang hiya naman. “Oi, Caster Dela Buena! Kahapon pa ako nagte-text sa ‘yo, nasaan ka ba!” Napairap na lang ako habang nakatuon ang aking atensyon sa mga baril na gagamitin ko sa First Attack. Ano kaya ang magandang gamitin na baril ngayon? “Caster, nakikinig ka ba!” sigaw niya ulit. Mariin akong napapikit bago siya sinagot. Dapat pala hindi ko na lang pinansin ang lokong ‘to! “Caster! Caster! Caster!” Walang hiya! Nakakarindi talaga ang boses niya! “Ba’t ka ba sumisigaw? Naririnig kita,” uyam kong wika. “Ayan. Nandiyan ka naman pala. So, kailan ka babalik dito sa school?” masigla niyang tanong. “I already finished my papers bago ako nagbakasyon. Nagpaalam na rin ako sa principal kaya hindi na muna ako babalik diyan,” paliwanag ko. Itong shotgun na lang ang pipiliin ko, mayaman naman ako sa larong ‘to. “Bilib talaga ako sa kasipagan mo. Pero pakiusap lang, huwag mong ipagmayabang sa ‘kin na nagbabakasyon ka na ngayon,” may bakas ng pagkainggit sa boses ni Edwin na naging dahilan para matawa ako. “Naglalaro ako ngayon Death Zone, ang istorbo mo. Ano ba ang kailangan mo sa ‘kin?” nakangiti kong tanong. “Kahit kailan talaga pasikat ka. Anyway, hinahanap ka ng isang estudyante mo. Si Lily, ‘yong palaging nagdadala ng lunchbox para sa ‘yo,” kinikilig niyang sabi. “Ah, oo. Bakit daw?” tanong ko habang nasa computer screen pa rin ang aking atensyon. “May importante raw siyang sasabihin. Busy ka ba ngayon? Nandito siya sa school.” Sandali akong natahimik dahil sa sinabi ni Edwin. Lily Santiago is one of my best students kaya imposibleng hindi ko siya maalala. Dagdag pa, simula nang mag-Grade 12 siya hindi niya na ako tinantanan nabigyan ng lunchbox. Dahil tuloy sa ginawa niyang ‘to, naging laman ako ng usap-usapan sa faculty office. May girlfriend daw akong estudyante. Hindi ko rin naman kasi siya tinatanggihan, libreng foods, eh. Mabuti na lang sinabi niyang may nakikisuyo lang sa kanya. Alam ko rin naman na may boyfriend si Lily. Close friend ko rin ang jowa niya kaya hindi ako apektado sa tsismis. But until now hindi ko pa rin talaga kilala kung sino ang nagpapadala ng lunch box para sa ‘kin. Baka ito ang pakay ni Lily ngayon? Balak niya na sigurong ipakilala sa ‘kin ang nasa likod ng misteryosong lunchboxes. “Oi, Caster. Ano? Pupunta ka ba rito?” pukaw sa ‘kin ni Edwin. Inayos ko ang suot kong salamin sabay hinga ng malalim. Hindi agad ako sumagot bagkus ay nakipagtitigan lang muna ako sa screen na kaharap ko. Nagsisimula na ang tatlong minutong countdown bago magsimula ang laro. Napasandal lang ako sa upuan ko habang nakatingin sa kawalan. Saktong isang minuto na lang ang natitira sa oras ay napagdesisyunan kong huwag na lang itong ituloy. Agad din akong nag-leave sa team at pinatay ang computer ko. Tiyak na maba-ban ako nito ng ilang araw sa Death Zone dahil sa biglaan kong pag-alis. Anyway, hindi lang naman ‘to ang nilalaro ko. Hindi naman siya kawalan, ‘no. “Hello, Ed. Sige, pupunta ako ngayon diyan,” wika ko sabay tayo sa aking upuan. “Walang hiya, Caster. Ugali mo bang manahimik na lang bigla sa katawag mo?” reklamo niya. Mahina akong natawa. “Oo, kaya lubayan mo na ako,” bugaw ko sa kanya. “Pssh, ang guwapo mo pero ang pangit ng ugali mo. Nandoon si Lily sa bench malapit sa school gate. Ingat ka.” Napangiti ako dahil sa huling sinabi ni Ed. “Sige, sige. Salamat.” Pagkatapos na magpaalam ni Edwin ay agad ko rin na tinapos ang tawag. Walang emosyon akong napatingin sa magulo kong kuwarto. Mapakla akong napangiti nang bigla na lang na may sumulpot na babae sa harapan ko. Napatitig ako sa nakasimangot niyang mukha. ‘Kuya Caster naman! Wala ka bang balak na linisin itong silid mo! Maawa ka naman sa ‘kin.’ Napabuntonghininga ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad sa aking silid. Ganito na lang palagi. Sa tuwing tumitigil ako sa paglalaro, nakikita ko si Kate. Naririnig ko ang panenermon niya dahil sa kalat ko. Pero pagkatapos niya akong pagalitan ay siya rin naman ang naglilinis. Ang pinagkaiba lang ngayon ay kahit paulit-ulit ko pa siyang makita, mananatili pa ring magulo ang kuwarto ko. Ah, gusto ko na lang maupo ulit sa harapan ng computer ko. Sandali akong napapikit para iwaksi ang imahe ni Kate sa harapan ko. Nang imulat ko ang aking mga mata, wala na siya. I fake a smile. Inilapag ko na muna ang phone at salamin ko sa kama saka ako nagtungo sa banyo. Ilang araw na ba akong walang ligo? Teka, isang linggo na ba? s**t. Sa kagustuhan kong matakasan ang reyalidad, nakakalimutan ko na ang personal hygiene ko. Hays, gusto na lang na mamatay. Mahigit kalahating oras akong nanatili sa ilalim ng shower. Nang matapos ako, tumayo ako sa harapan ng salamin para praktisin ang ngiti ko. Itong walang emosyon kong mukha ay para lang dito sa bahay. Hindi ito p’wedeng makalabas dahil malalaman ng lahat kung gaano ako kalungkot at kung gaano ako kapagod na sa buhay. Sampung beses akong ngumiti sa repleksyon ko bago ko napagdesisyunan na lumabas na sa banyo. Sinipa ko ang mga water bottles na sagabal sa dinaraanan ko. Hawak ang puting tuwalya na nakapalibot sa aking bewang, binuksan ko ang aking cabinet para pumili ng masusuot. White t-shirt at grey jogging pants ang napili ko. Agad din akong nagbihis pagkatapos ay ipinatuyo ko ang aking buhok gamit ang hairdryer ni Kate. Nang matapos ako ay isinuot ko na ang aking salamin. Magtsi-tsinelas lang ako papunta sa school tutal hindi na naman ako pupunta sa faculty office. Pagkatapos kong ligpitin ang hairdryer, pinulot ko na ang phone at wallet ko sa ibabaw ng aking kama saka ako naglakad patungo sa pinto. Akmang lalabas na ako nang marinig ko na naman ang boses ni Kate mula sa aking likuran. ‘Mag-iingat ka, Kuya. Huwag kang magpapagabi, ha?’ Nakagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang sarili kong huwag maluha. Hindi ko na nilingon si Kate, hindi ko kaya, eh. Pinihit ko na lang ang doorknob na hawak ko at tuluyan nang lumabas sa tinutuluyan kong apartment. Hindi naman multo si Kate. Actually wala na naman talagang Kate, ako lang ang hindi makabitaw sa alaala niya. Five years ago, ginahasa ang kapatid ko at pinatay ng sarili niyang kaklase. Until now, sarili ko pa rin ang sinisisi ko dahil sa pagkamatay niya. Kung hindi sa kapabayaan ko, buhay pa sana siya ngayon. Sinalubong ako ng preskong hangin pagkababa ko sa building. Binaybay ko ang daan papunta sa intersection na walang palyang ngini-ngitian ang mga nakakasalubong ko. Ito ang routine ko sa tuwing lumalabas ako. Nakakapagod, sa totoo lang, pero kailangan kong panindigan. Nang marating ko ang tawiran, tumigil ako sa tabing daan kasama ang ibang tatawid. Nang maging red ang ilaw ng traffic light ay kanya-kanya na kami ng direksyon. Pakaliwa ang ruta ko. Pagkatapos ng ilang pasikot-sikot ay narating ko rin ang high school na tatlong taon ko nang pinapasukan. Natanaw ko agad si Lily na nakaupo sa isang bench na malapit sa guard house. Naka-uniform siya. “Oi,” sigaw ko dahilan para mapatingin siya sa ‘kin. Napangiti ako nang magtama ang aming mga mata. “Good afternoon, Sir Caster,” bati niya nang makalapit ako. “Good afternoon din. Hinahanap mo raw ako?” tanong ko habang nakapamulsang tumigil sa harapan niya. “Opo, Sir. May importante ho akong sasabihin ngayon.” Napangiti ako sa kanya. “Tungkol ba ‘to sa lunchbox?” usisa ko. “Y-Yes po, Sir. Gusto ka po sanang makausap ng kapatid ko, siya po ‘yong nakisuyo sa ‘kin na padalhan kayo ng lunchbox palagi,” kuwento ni Lily. “Sure, kailan ba? Kailangan ko rin magpasalamat sa kanya,” nakangiti kong tugon. Nakausap ko na noon ang kapatid ni Lily sa Parent’s Meeting. Hindi ko inasahan na siya pala ang nagbibigay sa ‘kin ng pananghalian, hindi kasi halata sa mahinhin niyang itsura. Anyway, ayos lang naman sa ‘kin na makausap siya as long as hindi lang kaming dalawa ang magkasama. “Kung ayos lang po sa inyo, Sir, p’wede ho ba kayong magkita bukas? Sabado naman po.” Oh, no. Kaming dalawa lang ba? Hindi ako makakapayag sa sistemang gano’n. “Uh, I’m sorry, Lils. P’wede next time na lang? May gagawin ako bukas, eh.” Napakamot ako sa batok ko. Hindi ko naman p’wedeng sabihin na sumusuka ako tuwing mag-isa lang ako kasama ang isang babae. Ito talaga ang dahilan ba’t hanggang ngayon single pa rin ako. “S-Sige ho. P-Pero kailan po, Sir?” “Hmm, next Saturday na lang. Sumama ka sa ‘min, ah? Hindi ako sisipot kapag wala ka. Isama mo na rin si Jordan,” wika ko. Si Jordan Velazques ang boyfriend niya. Member ito ng basketball club habang si Lily naman ay former secretary ng student council, former dahil sa graduate na sila. Nagkakilala kami ni Jordan dahil P.E teacher din nila ako. He’s a nice guy, bagay silang dalawa ni Lily. “Hindi ho ba p’wede kayo la―” Hindi na natapos ni Lily ang sasabihin niya nang biglang may dumating na estudyante na nakasuot din ng uniporme. I’m saved! “Ate Lily, magsisimula na ho ang program. Pumasok na raw ho kayo,” wika nito sa kanya. Napatingin sila sa ‘kin. Nginitian ko lang sila sabay ayos sa suot kong salamin. Napansin ko ang biglang pamumula nang estudyanteng bagong dating kaya mas lalo akong napangiti. New student siguro, hindi siya pamilyar sa ‘kin, eh. “Oh, siya. Text mo na lang si Jordan, Lily. May number siya sa ‘kin. Mauna na ako sa inyo,” nakangiti kong paalam sa kanila. Sinimulan ko na ang aking paglalakad pauwi. Wala naman talaga akong gagawin bukas pero kailangan ko muna na ihanda ang sarili ko. Ayaw kong ma-offend ang kapatid ni Lily sa ‘kin. Siyempre aware naman akong may gusto ito sa ‘kin dahil sa effort nitong ipagluto ako. Pero hindi ko talaga kayang harapin siya nang mag-asa. Kung matutuloy man kami next Saturday, balak ko rin na sabihin agad sa kanya na wala akong planong pumasok sa isang relasyon. Wala talaga akong balak na mag-asawa. “Hinihintay ko na lang talaga ang katapusan ko,” bulong ko sa hangin. Tumigil ako sa may intersection saktong biglang nag green light. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang ginang na nasa gitna pa ng kalsada. Pinagmamasdan lang siya ng mga tao sa paligid nang bigla na lang may humarurot na sasakayan patungo sa direksyon niya. Kusang gumalaw ang mga paa ko papunta sa direksyon ng matanda. Itinulak ko siya papunta sa gilid dahilan para ako ang mabangga ng nagmamadaling jeep. Narinig ko ang malakas na pagtama ng sasakyan sa katawan ko. Pakiramdam ko ay dinurog ang mga buto ko. Pero nang bumagsak ako sa malamig na semento, agad din akong namanhid. Hindi ko na maramdam ang mga kamay at paa ko. My whole body is numb. “Ah!” Sunod-sunod na sigaw ang aking narinig sa paligid habang nakahandusay ako sa gitna ng kalsada. Para akong baliw na napangiti habang nakatingin sa makulimlim na kalangitan. Ang tagal na noong huli akong ngumiti nang ganito. Ang saya-saya ko ngayon! “Sir Caster!” boses ito ni Lily. Sinundan niya ba ako? s**t. “Tumawag kayo ng ambulansya!” Alam kong nangako akong makikipagkita sa kapatid niya sa Sabado. Pero hindi ko talaga maiwasan na matuwa dahil sa sinapit ko ngayon. Ito na. Ito na nga pinakahinihintay kong pahinga. Sa totoo lang pagod na talaga akong mabuhay. Pagod na akong gumising araw-araw na hindi alam ang dahilan ng paghinga ko. Matagal ko nang niloloko ang sarili ko. Kaya ngayon . . . Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata, hindi pa rin maalis-alis ang ngiti sa aking labi. Sana hindi na ako maabutan ng ambulansya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD