Ito na. Ito na ang pinakahinihintay kong katapusan. Makakapagpahinga na ako.
Teka . . .
Ilang taon na ba akong umaaktong buhay kahit patay na naman ang puso ko. Limang taon? Pito?
Nakakatawa. Kaya ko palang linlangin ang sarili ko nang ganito katagal. You did well, Caster. You did will.
“Sir Caster!” Oh? Boses ‘yon ng estudyante ko, ah? Si Lily? Sinundan niya ba ako? s**t.
Nangako pa man din ako sa kanya na makikipagkita ako sa kapatid niya sa susunod na Sabado. Mukhang hindi ko na ito personal na mapapasalamatan sa inihanda nitong lunchboxes para sa ‘kin.
“Tumawag kayo ng ambulansya!” Sino naman ‘to? Isang concern citizen?
Crap. Nanlalabo na ang paningin ko. Ang lamig din ng semento na hinihigaan ko.
Ah, naaamoy ko rin ang sarili kong dugo. Gusto kong kapain ang ulo ko pero hindi ko na maigalaw ang braso ko. Mamamatay na nga siguro ako. Salamat naman.
Salamat dahil hindi ko na talaga kayang mabuhay pa nang matagal na hindi alam kung saan patungo ang mga yapak ko.
Ba’t pa ba kasi ako nabuhay?
Sana namatay na lang din ako kasama nila Mama noon.
Sana ako na lang ang napagtripan at hindi si Kate. Mas deserve niyang mabuhay kaysa sa akin, eh. She deserves to be alive.
Sana . . .
Sana hindi na ako maabutan ng ambulansya ngayon.
Ayaw ko nang mabuhay pa. Ayaw ko na.