CHAPTER II: Faith

3192 Words
“Hindi na ho siya humihinga, Pinuno.” Nagising ang diwa ko pagkatapos kong marinig ang isang barumbadong boses sa aking harapan. Nakapikit pa rin ang aking mga mata pero gising na ang huwisyo ko. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang biglang p*******t ng aking buong katawan. Tang ‘na. Hindi pa pala ako namatay? Ba’t hindi pa ako namatay! “Heh, hindi yata kinaya ang parusa ko.” “Oo nga, Pinuno. Ikaw ang pinakamabagsik sa pagbibigay ng parusa rito sa Argon.” Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa ‘kin ang limang kalalakihan na nakasuot ng damit na katulad ng sa Medieval Period. ‘Yong damit ng mga mangangaso parang gano’n. Walang hiya. Hindi ko alam kong paano i-describe basta pang-Medieval times. Hindi na makapag-isip ng maayos ang utak ko sa sobrang sakit ng aking mga kalamnan. “f**k!” Napadaing ako dahilan para mapatingin silang lahat sa ‘kin. Nang mapansin kong nakatagilid sila sa eye vision ko, dito ko pa na naramdaman ang basang lupa na aking hinihigaan. Nanghihina akong napasinghal saka ko itinaas ulit ang paningin ko sa kanilang lima. Nasa isang ‘play’ ba ako? O baka nababaliw na ako? “H-Hindi ka na humihinga kanina, ah,” gulat na wika ng lalaking payatot. “Anong pinagsasabi mo?” iritado kong wika. Malalim akong napaungol nang maramdaman kong mahigpit na nakatali ang dalawa kong kamay sa aking likuran. Tang ‘na. Paano ako napunta sa kalagayan na ‘to! Anong cosplay event ba ‘to? Hindi ba nasagasaan ako! Dahan-dahan na lumuhod sa harapan ko ang lalaking may mahabang balbas. Mukhang siya na siguro ‘yong tinatawag ni Payatot na pinuno kanina. May awra siya ng isang leader, eh. “Totoo nga ang nabalitaan ko sa Nayon ng Gui. Isa ka ngang pambihirang nilalang, Callisto,” wika niya sabay tapik sa mukha ko. Sinong Callisto? Ako ba ang tinutukoy niya? Nababaliw na yata ang lokong ‘to. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero mahigpit talaga ang pagkakatali nito kaya humidhid lang ang lubid sa balat ko. Tahimik akong napamura at hinayaan na lang ang sarili ko na mahiga sa putik. Binabangungot lang siguro ako. Mukhang naabutan yata ako ng ambulansya at nasa hospital na ang katawan ngayon. Kaya siguro ganito ang naging panaginip ko dahil naglaro ako ng War Land kanina. Napaka-realistic lang talaga ng lugar na ito. Ayos din naman. Dito na lang siguro ako mamamatay. “Oi, nakikinig ka ba sa ‘kin.” Marahan na sinampal ng lalaking may mahabang balbas ang pisngi ko, ‘yong mismong pinuno. Matalim ko siyang tinitigan dahilan para mapangisi siya sa ‘kin. “Hindi ka ba natatakot sa ‘kin, bata?” tanong niya. “Bakit? Sino ka ba?” Napabulalas ang mga kasamahan niyang nasa kanyang likuran dahil sa aking naging tanong. Seryoso, hindi ko naman talaga siya kilala. “May sira ba ang ulo mo? Siya si Donatello Drogo, ang pinuno ng Bayan ng Dan,” mayabang na wika ni Payatot. Spoke person ba siya nitong si Drogo? O hindi naman kaya kanang kamay? Masyadong sipsip, eh. Anyway, wala naman akong pakialam sa kanila. Ang gusto ko lang naman ay matapos na ang buhay ko sa hindi immoral na paraan. “Ah, sige. Pinuno ng Dan o anuman diyan, patayin n’yo na ako,” walang gana kong wika. Napakurap sila habang nakatingin sa ‘kin. Tinaasan ko lang sila ng kilay sabay nguso sa kanilang mga espada. “Isang saksakan lang, ha? Dito na lang sa puso ko para mamatay ako agad,” suhestiyon ko. Hindi makapaniwala akong tinitigan ni Drogo. Iniisip niya sigurong nababaliw na ako dahil sa mga pinagsasabi ko ngayon. Oo, nasiraan na talaga ako ng bait dahil diyan sa costumes nila. Idagdag mo pa ‘tong bugbog kong katawan, sino ba ang hindi mababaliw sa lagay na ito, ha? “Kawawang bata, nasiraan siguro ng ulo pagkatapos na mawalan ng mga magulang.” Natigilan ako dahil sa sinabi ni Payatot. “Anong sabi mo?” Walang hiya. Paano nasali ang mga magulang ko sa usapan? Mukhang pati sa panaginip ko iniwan na rin ako nila Mama. “Tuluyan nang bumigay ang iyong pag-iisip dahil nag-iisa ka na lang rito sa Nayon ng Gama, bata. Nakakaawa ka.” Napasinghal ako dahil sa kanyang naging tugon. “Hindi mo sana ako nakakausap ng maayos ngayon kung isa na akong baliw. Hind por que hinihiling ko nang mamatay ay nawala na ako sa katinuan. Gusto ko lang na mawakasan na ang patay kong pamumuhay dito sa mundong ibabaw, mali ba ‘yon?” What the heck! Hindi ko alam na kaya kong magsalita ng gano’n! Pakiramdam ko may ibang tao sa loob ko na sumagot para sa akin. Nagsukatan kami ng tingin ni Payatot hanggang sa pumagitna na si Drogo sa ‘min. Napaiwas ako ng tangin, hindi na mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. “Tama na ‘yan. Kailangan na nating bumaba bago pa tayo maabutan dito ng mga Grosque.” Agad akong napatingin sa kanila nang marinig ko ang papaalis na tunog ng kanilang mga bota. “Te-Teka? Paano ako? Hindi n‘yo ba ako papatayin?” tanong ko. Napailing sa ‘kin si Drogo. “Nakuha na namin ang mga pagkain at inumin na naipon mo. Ngayon, hahayaan na lang namin na isang Grosque ang tumupad sa iyong kahilingan.” Naguguluhan ko siyang tinitigan. “Anong Grosque? Hindi ko kayo maintindihan!” sigaw ko. “Nasiraan ka na nga talaga ng bait. Kaawaan nawa ang pamilya ng Callisto,” wika ni Payatot bago ako tuluyang tinalikuran. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglaho sila sa pananaw ko. Napamura na lang ako habang nagpupumiglas sa tali na alam kong hindi ko basta-basta matatanggal na walang gamit na armas. Pagkalipas ng ilang minuto ay napagod din ako. Hinayaan ko na lang muna ang katawan kong magpahinga sa putik. Kailangan kong mag-recharge. Ang weird naman nitong panaginip ko. Ba’t parang totoo? Napatingin ako sa aking paligid, mukhang nasa bukid ako. Nang mapadako ang mga mata ko sa direksyon ng bundok, dito ko na napansin na may mga bahay pala sa may paanan ko. Ang disenyo ng mga ‘to ay tulad sa medieval houses. Yari sa straw at pinatigas na putik ang mga pader ng mga kabahayan. Pakiramdam ko nasa isang fairytale set ako. Sira-sira na ang ilang bahay pero may ilan pa naman na p’wedeng tuluyan. Kung tama ang pagkakaintindi ko, ito na ang Nayon ng Gama na nabanggit ni Payatot kanina. Mag-isa na lang daw ako rito, eh. “Walang hiya naman. Pati ba naman dito, mag-isa lang din ako,” reklamo ko saka sinubukan ulit na tanggalin ang tali sa aking kamay. Walang epekto. Pakiramdam ko nga mas sumikip lang ito. “Fine, fine. Kung ganito ang ikalawang kamatayan ko, tatanggapin ko na lang. Parusa naman talaga,” wika ko sa sarili. Pinakiramdaman ko na lang ang putikan na nagsisilbi kong banig. Hindi ko na sinubukan ulit na tanggalin ang nakatali sa akin, oras na para harapan ang katapusan ko. Ito naman talaga ang gusto ko, ‘di ba? Tanggapin na natin. Ilang oras ang lumipas na nananatili lang ako sa aking posisyon. Hindi ko na maramdaman ang kamay at paa ko dahil sa sobrang pamamanhid. Napabuntonghininga na lamang ako nang mapansin kong papalubog na ang araw. Nasa gitna ako ng kagubatan kaya sigurado na isang mabangis na hayop ang Grosque na pinagsasabi nila Drogo. Ang brutal naman nitong second death ko. Natigilan ako sa aking pagre-reklamo nang biglang sumagi sa isipan ko si Kate. Right. Kung brutal lang ang pag-uusapan, mas matindi ang pinagdaanan niya kaysa sa akin. Kahit nakulong na ‘yong walang hiya niyang kaklase, hindi pa rin iyon sapat para bigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya. Bagay lang sa ‘kin ang mamatay ng ganito. Sana nga mas karumaldumal pa ang mangyari sa akin. Tuluyan ko nang ipinikit ang aking mga mata. Kaunti na lang ay makakasama ko na rin ang pamilya ko. Sana mapatawad nila ako sa pagkukulang ko bilang panganay. “Wala na ba sila, Arima?” Napukunot ang aking noo nang may marinig akong boses mula sa bahay na nasa aking harapan. Boses ito ng isang babae at . . . pamilyar ito sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Mula sa gilid ng bahay ay lumabas ang isang babaeng nakasuot ng isang simpleng medieval dress. No doubt nasa Medieval Period nga ang setting nitong panaginip ko o anuman itong kinalalagyan ko ngayon. Maingat niya akong nilapitan habang hawak sa kaliwa niyang kamay ang isang maliit na kutsilyo. Hindi ko maklaro ang mukha niya dahil medyo madilim na. Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago tumakbo papunta sa harapan ko. Iniangat niya ang laylayan ng kanyang dress saka lumuhod sa tabi ko. Sa totoo lang, hindi ko kailangan ang tulong niya. Ang gusto ko ay mamatay na rito. Ayaw ko na talagang mabuhay. Itataboy ko na sana ang babae nang tuluyang magkatapat ang mukha namin. Umatras ang dila ko nang makita ko ang malamlam niyang mga mata. “Kuya, ayos ka lang ba?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Napakurap ako habang nakatingin sa perpekto niyang itsura. Pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan, hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Tang ‘na, minalik-mata ba ako? Sinusundo niya na ba ako? “K-Kate . . .” sambit ko. Napakunot ang noo niya sa ‘kin. “Kuya Austere, anong pinagsasabi mo? Faith ang pangalan ko,” pagtatama niya sa ‘kin saka pinutol ang tali sa kamay at paa ko. Napangiti ako sa kanya sabay haplos sa aking pulsuhan. Wait, what did she just call me? “A-Anong tinawag mo sa ‘kin?” tanong ko. Naguguluhan akong tinitigan ni Kate. “Kuya Austere, ayos ka lang ba? Hinampas ba nila ang ulo mo? Nakalimutan mo na ba kami ni Arima!” Natataranta niya akong tinitigan. Teka, sino si Arima? Hindi pa ba niya ako dadalhin sa langit? “Hi-Hindi ko kayo nakalimutan, ‘no!” tugon ko sa kanya, pilit na itinatago ang aking kalituan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari! Hindi ba ‘to panaginip! Napatigil ako sa aking pagtatanong nang mapansin ko ang mahaba at marumi kong buhok. Oh, s**t! May balbas din ako! T-Teka . . . Nanlaki ang mga mata ko nang makapa ko na nawawala ang aking salamin pero maayos naman ang paningin ko! What’s happening! Ako pa ba ‘to! “Kuya Austere, ayos ka lang ba talaga?” Naguguluhan kong nilingon ang kapatid ko. I can't believe nasa harapan ko si Kate ngayon pero paano nangyari ‘to! Si Kate ba talaga ‘to? O kamukha lang niya? Hold up! “Did you just call me Austere?” Napakunot ang noo ni Kate dahil sa aking sinabi. Halata sa mukha niya ang labis na takot at pag-aalala. May nasabi ba akong mali? “K-Kuya, hindi kita maintindihan.” Naluluha niya aking tiningnan kaya nataranta na ako. Crap. Hindi yata ‘to panaginip! Mukhang napunta yata ako sa ibang mundo pagkatapos kong madisgrasya. Teka, totoo ba ang gano’n? Hindi kaya nababaliw lang ako! “May pinainom ba sila sa ‘yo, Kuya? Gusto ka namin na tulungan ni Arima pero sabi mo huwag kaming lumabas ng bahay kahit na ano ang mangyari.” Pinunasan ni Kate ang gilid ng kanyang mga mata. Tahimik ko naman siyang pinagmamasdan sabay haplos sa hanggang balikat niyang buhok. Nahahawakan ko siya. Nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Maging ang pagtangis ni Kate ay rinig na rinig ng aking mga tainga. Totoo ang nasa harapan ko ngayon. Totoo nga na kasama ko si Kate sa mga sandaling ito. “W-Wala silang pinainom sa ‘kin. Ayos lang ako, Kate,” kumbinsi ko sa kanya. “Hindi nga ako si Kate, Kuya. Faith ang pangalan ko, ikaw mismo ang nagbigay ng pangalan na ‘yan sa ‘kin sabi nila Mama,” pagdadabog niya. Kamukhang-kamukha niya si Kate pero hindi siya si Kate kung ‘di si Faith. Naguguluhan ako. Hindi ko mawari kung nasa panaginip ba ako o sa ibang mundo. Wala akong kaideya-ideya! Tuluyan nang dumilim ang paligid habang nakatingin kami ni Faith sa isa’t isa. Umihip ang malamig na hangin kasunod nito ay ang pag-alulong ng mga lobo. Napaigtad ako nang bigla na lang bumukas ang pinto ng bahay na pinanggalingan ni Kate kanina. Isang batang lalaki, na walang bakas ng emosyon ang mukha, ang sumenyas sa ‘kin na pumasok na. Napalingon si Kate—este si Faith sa likuran niya. “Arima, huwag kang lalabas,” saway nito sa bata saka ako nilingon. “S-Sino siya?” tanong ko. “Sa loob na tayo mag-usap, Kuya. Mapanganib dito sa labas ngayon.” Tumango ako at hinayaan na lang si Faith na alalayan ako papunta sa bahay. Nang makapasok kami agad din na ni-lock ni Arima ang pinto. Tumambad sa ‘kin ang bundok ng nakahilerang mga panggatong. Ito lang ang laman ng silid pero dibersyon lang pala ‘to. Sa likod ng isang hilera ay may isa pang lumang pinto at dito ako iginaya nila Faith. Sinalubong ako ng mabangong amoy ng sampaguita pagkapasok ko. Ang amoy ay nagmumula sa mesa kung saan nakapatong ang nag-iisang lampara na nagbibigay liwanag sa maliit na silid. May kama sa kaliwang bahagi at may mga gamit pang-kusina naman sa kanan malapit sa maliit sa lutuan. Gawa sa pinatuyong putik ang pader ng silid. Wala itong bintana siguro para hindi mapansin ng mga bandido. “Arima, kumuha ka ng maligamgam na tubig,” utos ni Faith sa bata nang mapaupo niya na ako sa kama. Nilibot ko ng tingin ang buong silid. May medieval tunic na nakasabit sa may pader at may isang espada malapit sa kama. Ilang sandali pa ay bumalik din si Arima dala-dala na ang isang palanggana. Si Faith naman ay may hawak nang pamunas. “Kuya Austere, gagamutin na namin ang mga sugat mo,” wika niya sa ‘kin. Agad ko din na hinubad ang suot kong tunic bago ako nahiga sa kama. Napakurap sila dahil sa ginawa ko. “Ano?” tanong ko. “K-Kasi . . . Sa pagkakaalala ko, takot na takot ka sa tuwing ginagamot ka na namin noon,” wika niya saka sinimulan nang punasan ang braso ko. Si Arima naman ang binti ko ang pinagtuunan ng pansin. Napangiti ako sa kanila. “Gano’n ba si Austere?” usisa ko. “Ikaw si Austere, Kuya. Ano ba ang nangyayari sa ‘yo?” tanong ni Faith. Pinigilan kong huwag mapadaing habang nililinis nila ni Arima ang katawan ko. Nakakaramdam ako ng sakit. Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi ito isang panaginip. Mukhang napunta nga talaga ako sa ibang mundo pagkatapos kong mabangga ng jeep. Grabe, hindi ako makapaniwala. “Kapatid ba kita, Faith?” paninigurado ko habang nakatingin ako sa kisame. “Kuya Austere naman. Hindi na nakakatuwa ang biro mo,” saway niya sa ‘kin. “Kapatid mo kaming buo ni Arima, Kuya.” Malalim akong huminga nang marinig ko ang kanyang tugon. Mukhang binigyan ako ng pagkakataon na mabuhay ulit na kasama si Kate, pero bakit? At sino si Austere? Sino itong taong pinalitan ko? “Naaalala mo na ba kami, Kuya?” nag-aalalang tanong ni Faith sa ‘kin. Magkamukha at magkaugali sila ni Kate, walang duda. “Nagbibiro lang ako kanina. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan,” nakangiti kong tugon. Hindi ko pa naiintindihan ang kalagayan ko pero susubukan kong maka-adjust kay Faith. Pero bago ang lahat, kailangan ko munang masiguro kung totoo ba ‘tong nakikita ko ngayon. Kung totoo ba itong lugar na ginagalawan ko at hindi lang gawa-gawa ng malikot kong imahinasyon. Bigla na lang napatigil si Faith sa paggamot sa sugat ko nang may marinig siyang mahinang pag-angil mula sa labas. Maagap na pinatay ni Arima ang lampara nang mapansin ang reaksyon ng kapatid saka bumalik din agad sa kanyang puwesto. Nabalot ng kadiliman ang buong silid, walang nagtangkang gumawa ng ingay sa amin. Ilang sandali pa ay lumayo na rin sa bahay ang lumilikha ng mahinang palahaw. Nang masiguro na wala na ito, saka pa sinindihan ni Faith ang lampara. “Ano ‘yon?” usisa ko. Sandaling napatitig sa ‘kin si Faith bago ako sinagot. “Kuya Austere, ikaw mismo ang nagsabi sa ‘min na manahimik at patayin ang lampara kapag may lumapit na Grosque sa bahay.” Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Oh.  Mukhang bihasa si Austere sa pag-aalaga sa kanila. Kung gano’n ba’t pa ba ako nandito? “Pasensya na. Medyo napalakas ang pagsampal ni Drogo sa ‘kin kanina, naalog siguro ang utak ko,” palusot ko. “Naiintindihan ka namin, Kuya. Salamat sa mga sakripisyo mo,” nakangiting wika ni Faith. Ipinagpatuloy na nila ni Arima ang paggamot sa aking mga sugat habang ako ay nanahimik na lamang. Base sa kuwento ni Faith, isang maaasahang kapatid si Austere. Hindi kagaya ko na hindi man lang siya nagawang maipagtanggol noon. Ah, ba’t ba nasasaktan ako? Kung panaginip man ito, mas gugustuhin ko na lang siguro na magising ulit para lang hindi sila mapahamak. At kung totoo man ito, itong lugar na kinalalagyan ko ngayon, mas deserve yata ni Austere na makabalik sa katawan niya. Wala akong kaalam-alam sa mundong ito, eh. Mapapahamak lang sila Faith sa ‘kin. “Magpahinga ka na muna diyan, Kuya. Ihahanda lang namin ni Arima ang mesa para makapaghapunan na tayo.” Napangiti ako kay Faith saka siya sinundan ng tingin papunta sa lutuan. “Umm, Faith . . .” tawag ko sa kanya. Saglit niya akong nilingon saka ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa. “Ano, Kuya?” “May tanong ako,” wika ko. Paunti-unti susubukan kong alamin ang tungkol sa bagong mundo na ginagalawan ko ngayon. Totoo man ito o isang matagal na panaginip lang, hindi pa rin magbabago ang layunin kong maprotektahan si Kate. “Ano ‘yon, Kuya?” usisa niya, nakatuon pa rin ang atensyon sa kanyang ginagawa. “Ano ang mga Grosque?” Napatigil si Faith saka ako nginitian. “Sinusubukan mo ako, ‘no?” natatawa niyang turan. I’m glad na gano’n ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. Nilapag niya muna ang hawak na sandok saka ako sinagot. “Ang mga Grosque ay mga halimaw na kumakain ng tao, Kuya. Ikaw mismo ang nagsabi niyan sa ‘min, ‘di ba? Sa ating tatlo ikaw pa lang din ang nakakita sa kanila. Ni minsan ay hindi pa kami nakakita ni Arima ng Grosque.” Napangiti ako kay Faith, nilalagyan niya na ng kanin ang hawak niyang pinggan tila kontento sa kanyang naging sagot. Ah, mukhang mali ang pag-aakala ko. Sinasabi ko na nga ba, hindi ako karapat-dapat sa ikalawang pagkakataon na ‘to. Hindi ko mahihigitan kung sinuman si Austere. He trained her well. Mas karapat-dapat siya dito kaysa sa akin. Mapapahamak lang si Kate kapag ako ang kasama niya rito tulad ng nangyari noon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD