Pagkalabas namin sa pinto, sinalubong kami ng malamig na ihip ng hangin dahilan para bahagyang liparin ang suot naming kapa. Nasa paanan ng bundok ang Nayon ng Cerda at napapalibutan ito ng makapal na gubat kaya may kalamigan ang hangin na humahalik sa balat namin. “Ang astig ng kapa natin,” masayang bulong ni Grae na nasa tabi ko. Astig talaga. Mukhang namana ni Arima ang galing ko sa pagguhit pero kung nasa Level 20 ako nasa Level 50 na siya. Hindi ko kaya itong ginawa niya, ‘no. Kidding aside, nakakamangha talaga ang ginawa niya. Hindi ko siya mapigilan na purihin at maging proud sa suot ko ngayon. This is our family’s coat of arms. Ang mga simbolo sa kalasag na nakaguhit sa likod ng aming mga kapa ang siyang nagdala sa amin dito ngayon. Iisang pamilya na kami sa laban na ito. “Aalis

