CHAPTER XV: An Unfamiliar Voice

2136 Words

Naglakad kami papasok sa gate habang nagmamasid-masid sa aming paligid. Wala namang nagkalat na dugo o katawan kaya imposibleng mga Grosque ang may kagagawan nito. “Mukhang nilusob sila,” wika ni Grae habang sumisilip sa bintana ng isang tindahan. “May kinuha bang mga gamit?” usisa ko. Marahang napatango si Graeson bago sumilip sa kasunod na tindahan. “Teka!” Napatigil ako sa paghakbang dahil sa pagsigaw niya. “Bakit?” naguguluhan kong tanong. “Sa tingin ko hindi lang tao ang bumisita sa Nayon ng Cerda,” pahayag niya. Nagsalubong ang aking kilay bago ako naglakad papalapit sa kanya. “Ano ang ibig mo—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang mapansin kong may malaking bakas ng paa sa tapat ng tindahan na kinatatayuan ni Grae. “Tingnan mo ito, Kuya Austere. Hindi ito pagmamay-ari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD