CHAPTER XVIII: The Lost Girls

2482 Words

Naalimpungatan ako dis-oras nang gabi nang may marinig akong tumutugtog ng plauta mula sa labas ng bahay. Dito kami natulog ni Grae sa sala kaya madali ko itong narinig. Nasa kabilang kuwarto naman nagpapahinga sina Faith at Arima na katapat ng silid ni Marida. Napaupo ako saka naniningkit na napatingin sa may bintana. May nakaupo sa labas na siyang lumilikha ng nakakalungkot na musika. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na alamin kung sino ito. Nang makalabas ako sa pinto, bumungad sa ‘kin si Marida. Napatigil siya sa pagtugtog saka ako tinitigan ng diretso. “Pasensya na. Ang istorbo ko,” paumanhin niya. Napangiti ako at naupo sa mahabang upuan na kahoy, katabi niya. “Hindi. Nagising ako dahil ang ganda ng tinutugtog mo,” wika ko. “Hindi ba dapat aantukin ka kung nakakahumaling ito s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD