“Ganito ang mangyayari. Dahil hindi pa natin naihahanda ang dapat natin na maging patibong ay magkakaroon tayo ng kaunting pag-aayos sa nauna nating plano.” Inilatag ko sa ibabaw ng mesa ang lumang papel kung saan nakaguhit ang kabuuan ng Cerda. Nakapalibot kaming tatlo sa maliit na mesa rito sa sala habang sina Faith at Arima ay nakatingin sa labas ng bintana, binabantayan ang galaw ng halimaw sa baba. “Nakahanda na ba ang mga lubid, Grae?” Agad napatango sa ‘kin si Graeson sabay turo sa may pinto. Nandoon na ang hinahanap ko. Napangiti ako sa kanya bago ibinaling ang aking atensyon sa Mapa ng Cerda. Parang kahapon lang ay takot na takot siya tapos ngayon ay handa na siyang lumaban kasama kami. Wala na nga talaga siyang takas. “Magaling. Ngayon ay ito ang magiging posisyon natin.” N

