“Nagawa natin!” sigaw ni Grae mula sa posisyon niya. Nagkatinginan kami ni Marida at kapwa napangiti sa isa’t isa. Ito ang unang beses na sumilay ang isang totoong ngiti sa kanyang labi. Nagawa namin. Nagawa na naming tapusin ang pinakamalaking balakid sa aming pagtawid. Kaunti na lang ay mararating na namin ang Nava. Kaunti na lang ay mahahanap na namin si Larah. Kaunti na lang ay makakamit na namin ang kalayaan sa likod ng Great Wall. Kaunti na lang. “Kuya Austere!” Napalingon ako sa pinagmulan ng tinig at tumambad sa ‘kin ang hindi na maipinta na mukha ni Faith. Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng kanyang mga luha habang mababakas ang halo-halong emosyon sa kanyang itsura. Galit, pag-aalala, hindi ko alam kung ano’ng nais niyang iparating sa ‘kin. “Halika,” nakangiti kong wika. Napa

