“Faith . . .” Napaiwas lang ng tingin ang kapatid ko pagkatapos niya akong bigyan ng pagkain. Ito na ang ikatlong araw namin sa kagubatan pagkatapos naming makatawid sa Nayon ng mga Patay. Simula nang malaman ni Faith ang nangyari three days ago, hindi niya na ako kinausap pa. Para sa kanya ay mali na nagsinungaling ako para lang hindi siya mag-aalala. Nabuking niya kami nang kinabukasan ay dire-diretso ang naging pagtawid namin. I know, I know. Mali ang ginawa ko. Pero hindi ko naman kasalanan kung biglang nag-formulate ng bagong plano ang utak ko. Besides, wala namang nangyari, ‘di ba? Ang smooth nga ng ginawa naming pag-atake dahil si Marida lang ang pumatay sa sampu. Naging gabay niya lang ako, ‘yon lang. Napabuntonghininga na lang ako saka sinimulan nang kainin ang aking panangh

