SAMUEL'S POV
WOAAHH! finally, umuo narin si Nicole. Sa totoo lang nahirapan din ako 'don huh! Andito kami ngayon sa kubo malapit sa bahay nila ate Susan. Nagkukulitan kaming magtrotropa nakaugalian narin namin ang gantong libangan ng biglang magsalita si Jong.
"Pre, hindi kaba nakokonsesiya sa ginagawa mo kaya Nicole? Maganda naman siya mukhang mabait pero bakit kailangan mo pang ituloy ang pinaplano mo?" Wika nito. Bigla ko itong tinignan sinusuri sa mga Mata nito kung ano ba ang nakain nito at ganon nalamang kaconcern kaya Nicole.
"Jong umamin ka nga may gusto ka ba sakaniya?"
"Kung ako lang ang naunang nakilala niya ako ang manliligaw sakaniya!" Mukhang sincere ito sa mga salitang binitawan niya pero hindi ko nalamang ito pinansin Pa.
"Kami na! Nasaan na ang mga pusta niyo?" Nakangiting wika ko sa buong tropa. Medyo nairita ako Kay Jong sa tingin nito. Lumapit ako rito at saka inakbayan. "Alam mo Jong ligawan mo nalang pag nagsawa ako." Dugtong ko Pa rito sabay tawa rito. Umalis narin ako sa harapan nito dahil sobrang naiirita ako sa pinapakitang mukha nito.
Naglalakad ako papuntang bahay, umalis narin ako sa tambayan dahil ayoko ng mga tingin ni Jong saakin. Nang makita ko si Cherry sa terrace ng bahay nila eh lumapit ako rito.
"Hai Cherry! Kamusta kana?" Nag-aaral kasi ito kaya madalan Kong makita dito. Ang nanay kasi nito ay kapatid ng asawa ng ate Susan ko.
"Okay lang Sam, anong atin?" Tanong nito kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik Pa. Lumapit Pa ako lalo rito at tumabi sa upuan na pinag-uupuhan nito.
"Cherry you know how much I love you. Please be with me again." Wika ko rito, mahal ko si Cherry nagkamali lamang ako na lokohin ito. Pagkasabi ko niyon ay tumayo ito at saka nagsalita.
"Sam tapos na ang mayron tayo. May boyfriend na ako at masaya ako rito, kaya tigil-tigilan mo ako Sam!" Pagkasabi niyon ay umalis na ito sa aking harapan.
Wala na akong magagawa Pa sa bahay na ito, niloko ko siya kaya deserve ko rin ang consequences nito. Sa ngayon magtitiis nalang muna ako Kay Nicole, maganda naman ito at sexy kaya pwede na. Hindi ko maiwasang mapangiti sa aking isipin. Naisip Kong i-text ito dahil ilang araw narin ng umuwi ito saknila.
"Hello my Angel, I miss you." Pagtapos ko iyan maitype sa aking cellphone ay sinend ko na ito sakaniya.
-----
NICOLE'S POV..
ILANG araw narin akong nakauwi dito sa bahay. Umalis narin ang aking papa papuntang Saudi, sobrang nalulungkot ako dahil si papa lamang ang lagi Kong kasa-kasama. Andito ako ngayon sa school at breaktime namin kasama ko ngayon ang bestfriend Kong si Rose. Hinihint ay nalang namin ang oras na matapos ang breaktime namin. Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Text message ito galing kaya Sam.
"Hello my Angel, I miss you."
Napangiti ako sa aking nabasa hindi parin ako makapaniwala na mayroon narin akong boyfriend. Hindi ko nalamang ito nireplyan Pa.
"Hoy best, ano yan 'bat nangingiti ka 'dyan?" Tanong ni Rose.
"Best may boyfriend na ako." Nakangiti Kong wika rito.
Nagulat ito sa aking sinabi kaya inusisa ako nito.
"Sino 'yan best? At kailan Pa? Wika nito.
"Nong pag-alis ko kila tita Marta sinagot ko na siya. Wala naman masama 'diba best? Mahal ko na siya." Wika ko rito. Oo, mahal ko na si Sam, hindi ko alam Kong kailan ko ito naramdaman pero mahal ko na siya.
Hindi na ito nag-usisa Pa alam ko pag ganitong hindi na ito umimik ayaw niyang magtalo kami sa bagay na ito. Naiintindihan ko naman ito dahil mga bata Pa kami. Pero hindi ko alam, basta ang alam ko masaya ako, bahala na ang nangyayari sa mga susunod na araw.
----
PAGSAPIT ng alas singko ay ang labas namin sa school, napagdesisyunan namin ni Rose na sabay na kami umuwi. Kaya ngayon ay palabas na kami ng gate ng school. Pagkalabas namin ay may nagtawag ng aking pangalan kaya nilingon ko naman ito, laking gulat ko ng si Sam ang makita ko. Ano kayang ginagawa nito dito, lumapit narin ito saamin.
"Sam, anong ginagawa mo rito? Sinong kasama mo?" Tanong ko rito. Tahimik namang nagmamasid saamin ang bestfriend Kong si Rose.
"Nasa tindahan ang mga tropa nag-pasama ako sakanila na puntahan ka." Nakangiting wika nito saakin.
"Aahhh nga pala Sam ito nga pala si Rose bestfriend ko, Rose siya nga pala si Sam 'yong kinukuwento ko."
"Boyfriend niya." Agad wika ni Sam sabay lahad ang kamay nito, ngunit nagulat ako ng mga sumunod na gawin ni Rose.
"Best aalis na ako, magkita nalang tayo bukas." Tumango nalamang ako bilang tugon rito, ngunit ang kamay na nilahad ni Sam ay hindi nito pinansin. Tiningnan ko nalamang itong papaalis mula saamin. Ganito talaga ang kaibigan ko pagka hindi ito palagay sa isang tao.
Inaya narin ako ni Sam sa may tindahan kung saan naroon ang tropa nito. Pagkarating namin sa may tindahan ay ramdam ko ang tensyon sa magka-kaibigan. Hindi ko alam kung ano man ang problema ng mga ito.
"Hai Nicole!" Bati ni kuya Dom. Nginitian ko nalamang ito bilang ganti. Hindi ako iniimik ni Jong, kahit pag-sulyap ay hindi nito ginagawa. Inabutan narin ako ng soft drinks at chips ni Sam.
"Thankyou." Ngiting wika ko rito.
"Kamusta kana my Angel?" Gulat ako sa sinabi nito. Tinawag ako nitong my Angel, hindi ko alam ang isasagot ko dahil mukhang pinag-bigay alam na nito na kami ay mag-on na. Bigla tuloy akong nahiya. Hindi ko rin alam pero nakaw sulyap ang ginagawa ni Jong, parang may ibig ipabatid ito.
"Ano kaba Sam! Nakakahiya sa mga kaibigan mo, 'wag mo ko tinatawag na Angel."
"Alam na nila Nicole, at chaka wala silang pakialam." Pagkasabi nito ay lumapit ito sa aking harapan na kulang nalang ay halikan ako nito sa harapan ng mga kaibigan nito. Kaya laking gulat ko sa ginawa nito kaya napaatras ako, na muntik na akong natalisod ng upo. Buti nalang maagap si Jong at nasangga ako nito mula sa aking likuran.
"Ano kaba Sam! Kunting kahihiyan sa girlfriend mo lalo kung hindi ito sanay sa public viewing! Ibahin mo siya sa mga naging girlfriend mo!" Sigaw ni Jong rito sabay alis sa kinaroroonan namin.
Tama ang hinala ko, may kakaibang nangyayari sa magka-kaibigan. Kaya bumaling ako Kay Kuya Dom upang magtanong sana ngunit biglang nag-salita si Sam.
"Wag mo nalamang pansinin Pa Nicole, nabigo ata nag isang 'yon sa type nitong babae kaya 'yan mainit ang ulo." Wika ni Sam. Kaya tumahimik nalamang ako. Hindi ko narin alam kung saan banda nagtungo si Jong kaya hinayaan ko nalamang.