ANG bilis ng araw, last day na ng stay ko rito kila tita Marta bukas ng umaga susunduin na ako ni papa dahil sa martes flight na nito papuntang Saudi. Araw ng linggo pala ngayon kaya naisipan namin ni ate Maui na magsimba.
"Nicole dalian mo riyan at mahuhuli tayo sa misa!" Sigaw ni ate Maui dahil hanggang ngayon hindi Pa ako tapos sa pagbibihis. Kaya paglabas ko ay nakabusangot akong humarap dito.
"Ate Maui naman eyyyy..... Hindi pa ako natatapos." Maktol ko rito.
"Kanina kapa sa harapan ng salamin. Tara na nga ng makabalik din tayo agad at ihahanda ko pa ang mga kailangan ko sa school para bukas." Wika ni ate Maui kaya sinundan ko nalamang ito.
Hanggang ngayon ay napapaisip parin ako. Impossible kaya na maging kami ni Sam? Pero ang bata ko Pa para sa ganong bagay. Nakoooo! Bahala na nga... Nandito kami ngayon sa gilid ng daan at naghihintay ng masasakyan papuntang bayan para magsimba. Kahit kailan talaga ang hirap ng masasakyan dito lalo na pag ganitong linggo.
Ilang sandali pa ay may dumarating ng tricycle, pero malayo Pa lamang ito ay mukhang kilala ko na ito kung sino si Sam nga mukhang bihis na bihis may mga kasama na ito sa loob ng tricycle. Sakay nito sila tiya Susan kasama nito ang bunsong anak na lalaki. Huminto ang mga ito sa aming kinatatayuan.
"Owh Maui, Nicole! Magsisimba ba kayo? Halina kayo dito at isasabay na namin kayo." Aya saamin ni tiya Susan. Nagtinginan kaming dalawa ni ate Maui ngumiti ito saakin kaya mukhang alam ko na ang nasa isip nito.
"Salamat po tiya Susan, buti nalang dumating kayo." Sabay kindat sakin ni ate Maui. "Nicole makikisakay na tayo kila tiya Susan, diyan kana sa likod ni Sam ako na rito sa loob." Dugtong ni ate Maui at sabay takbo papunta sa loob kaya wala akong choice kundi sa likod sumakay kaya nasa likuran ako ngayon ni Sam.
Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko, parang bumibilis ang t***k ng puso ko. Na biglaang naging pasmado ang aking kamay. "Kalma lang Nics!" Sigaw ko sa utak ko na animo'y may ibang kausap..
Habang bumabiyahe kami papuntang bayan ay hindi maiwasang maidikit ang aking balat sa likuran nito. Pero bakit ganon? Ibang-iba ang nararamdaman ko, pigilan ko man ang sarili iba ang sinasabi ng kaba ng dibdib ko.
Ilang minuto din ay nakarating na kami saaming pupuntahan. Himala dahil sa ilang minutong 'yon ay hindi manlang ito naging pilyo kaya nakakapagtaka dahil sa unang beses palang ito na hindi siya umimik at hindi ako inasar. Pagkahinto ng motor ng mga ito ay bumaba na kami ni ate Maui at nagpasalamat.
"Tiya Susan, Sam salamat sa rides." Masayang wika ni ate Maui.
"Maraming salamat po." Dugtong ko ring wika sa mga ito.
Nakakapagtaka parin talaga dahil hindi manlang ako nito kinausap. Ano kaya mayron sa mokong na 'yon? Dahil hindi ako nito inasar at naging pilyo? Haay! Bahala siya diyan!
Inaya narin ako ni ate Maui papasok ng simbahan. Nang papasok na kami sa loob ay naghanap kami ni ate Maui sa upuang hindi Pa ukopado. Nang may makita kami ay agad kaming nagpunta ni ate Maui. Hindi pa kami nakakatagal sa pagkaka-upo ay may tumabi narin saamin ni ate Maui at pagtingin ko sa tabi ko ay si Sam. Heto nanaman ako, hindi ko na maintindihan ang sarili ko bakit ganito. Maya-maya ay naghudyat na ang pari na magsisimula narin ang misa.
Isang oras din bago natapos ang misa kaya nagdesisyon na kami ni ate Maui na lumabas ng simbahan. Ngunit bago Pa man kami umalis ay nagsalita ito.
"Teka Maui! Nag-aalburuto ang tiyan ko. Dito ka muna hintayin mo ko dito 'wag kang aalis dito para hindi ako mahirapan maghanap sayo pagbalik ko." Wika ni ate Maui. Ewan ko kung nanadya ba ito o talagang masakit ang tiyan niya.
Ngayon dadalawa nalamang kami ni Sam sa upuan dahil ang mga katabi namin ay nagdesisyon narin sila na umuwi na. Ilang minuto din namayani ang katahimikan sa aming dalawa ng magsalita ito.
"Nicole, I'm sorry lately naging pilyo ako saiyo. Pero 'yung sinabi Kong gusto kita? To too 'yon." Wika nito. Biglang nag-init ang aking mukha sa narinig. Muli ulit itong magsalita.
"Nicole please try to trust me. I like you very much. Hindi ko alam kung kailan ako aalis ng bansa kaya gusto ko maging memorable ang pagstay ko rito sa Pinas."
---
Hanggang kinahapunan ay iniisip ko parin ang sinabi ni Sam saakin. Hindi ko alam pero parang natuwa ako ng malamang gusto ako nito. Bahala na wala naman masama siguro kung magtake ako ng risk para saaming dalawa kahit sa murang edad pa Lamang. Kaya kinuha ko ang aking cellphone at tinext ito.
"Magkita tayo mamayang takip silim sa burol. Please magtawag ka ng kasama mo ayoko mag-isip sila tungkol saatin." Sinend ko na ito sa number niya na sinave ko narin sa aking cellphone. Maya-maya Pa ay nagreply narin ito at sinasabing pupuntahan daw niya ako sa burol.
Bahala na kung mahuli man kami ni tita Marta, pero magpapaalam ako Kay ate Maui. Siguro naman 'di ako nito ibubuko. Kaya pinuntahan ko ito sa aming kuwarto na tinutulugan, abala ito sa kaniyang pagbabasa ng pocketbook mahilig si ate sa pagbabasa nito.
"....aaahhmmm aaa--ate Maui kc ano, ahmmmm..." Natatawa ako sa itsura ni ate Maui ng tumingin ito saakin dahil mukhang naiirita ito sa pagkautal ko.
"Ano Nicole! Mababato na kita nitong pocketbook na binabasa ko ey! Ano Ba ang sasabihin mo huh!" Iritang sigaw nito saakin.
"Samahan mo nalang kaya ako ate, kasi magkikita kami ni Sam sa my burol, pleaaasseeee." Nakooo sana makuha ko sa pa-cute ang ate ko. Sana umepekto ito sakanya. Nang sandali Pa ay napapayag ko rin ito.
"Okay! Pero kailangan ililibre mo 'ko ng load." Malawak na ngiti ni ate Maui na sinasabi ang kondisyon nito. Wala na akong choice kundi pumayag sa gusto nito.
---
KINAHAPUNAN magtatakip-silim na ay nagpaalam ito kaya tita Marta. Agad ko naman itong sinundan. Pinuntahan namin si tita Marta sa loob ng tindahan nito.
"Tita Marta, magpapaalam po sana kami nitong si Nicole magpupunta muna kami ng burol. Susulitin namin ang isa't-isa dahil bukas uuwi na ito." Wika ni ate Maui.
"Okay sige, 'wag kayong magpapagabi huh." Yesss! Tuwang tuwa naman ako sa aking narinig kaya ng tumalikod na si ate Maui sa gawi ni tita Marta ay malawak na ngiti ang iginanti saakin ni ate Maui. Loloadan ko narin ito mamaya.
Naglalakad narin kami papuntang burol. Ng magsalita ang ate Maui.
"Nicole binalaan na kita huh! Pero sa ngayon i-enjoy mo lang para maranasan mong masarap magmahal."wika ni ate Maui. Siguro nga ganon din kamahal ni ate Maui si kuya Robert. Nginitian ko nalamang si ate Maui bilang ganti sa sinabi nito.
Maya-maya Pa ay nakarating na kami ng burol. Naroon narin si Sam at si kuya Dom. Si kuya Dom abala ito sa kung sino man ang kausap medyo malayo sa puwesto ni Sam. Si Sam naman ay nasa dulo ng burol na kung saan makikita ang ganda ng view ng mga kabahayan sa lugar. Si ate Maui naman ay naisipan nitong magpaiwan sa di-kalayuan saamin at sinimulan na nitong tawagan si kuya Robert at ako naman ay naglakad palapit kaya Sam. Nang marating ko ang puwesto ni Sam ay tumikhim ako kaya napatingin naman ito sakaniyang likuran at tumayo agad.
"Nicole andyan kana pala, halika umupo ka rito." Aya nito sakaniyang tabi napa-mangha ako sa ganda ng kinaroroonan namin. Naririnig ko na dati Pa na maganda ang view dito sa may burol pero ngayon ko lang nakita kung paano ito kaganda.
"Ang ganda noh?" Wika ni Sam habang nakatingin saakin. Namutla ako dahil sa sinabi nito hindi ko tuloy alam kung sino sinasabihan nito ako ba o ang burol.
"Aaa---ahhh Sam uuwi na ako bukas." Wika ko rito. Kaya napatingin naman ito saakin.
"Kailan ka babalik?"
"Hindi ko alam kasi aalis na ang papa ko papuntang Saudi."
Maya-maya pa ay natigilan ito at tumingin sa aking mga Mata. Nang muli itong magsalita.
"Nicole you know I like you right? Please give me a chance na mahalin ka." Nagulat ako rito sakaniyang sinabi. Bigla akong nakaramdam ng kaunting kaba. Tama ba ito?
"Sam ang babata Pa natin, atchaka I don't know how to handle relationships hindi ko Pa nasusubukan magkaroon ng boyfriend." Mahabang wika ko rito. Ng mga sandaling ito ay nakatingin siya sa aking mga Mata at kinuha ang mga palad ko. At saka nagsalita.
"Just trust me, I will never gonna hurt you Nicole. I promise."