KINABUKASAN araw ng lunes ng umaga ay nag-aya si ate Maui na magpunta sa papa nito na nasa kabilang barangay. Sa bukid kasi ito nakatira kasama ni kuya Mori.
"Ate Maui maglalakad lang ba tayo?"
"Oo dadaan tayo sa shortcut, dalhin mo ang payong dahil mainit na pagdating natin sa bukid." Wika nito. Paalis na kami ng bahay ni tita Marta kaya nagpaalam na kami rito.
"Tita Marta aalis na po kami." Paalam ni ate Maui.
"Owhh siya! Mag-ingat kayo, 'wag magpapagabi huh!"
"Opo!" Sabay naming wika ni ate Maui.
Naglakad narin kami ni ate Maui paalis ng bahay. Tahimik kaming naglalakad ni ate Maui. May ibang kabahayan rin kaming nadadaanan sa bukid pero mangilan-ngilan. Ng makarating kami sa pinaka-huling bahay ay lumabas lahat ng mga aso kahol ng kahol ang mga ito.
"Ate Maui takot ako sa aso." Mangiyak-ngiyak Kong wika rito. Abaayy ang ate Maui nagawa Pa akong tawanan. Hawak-hawak ko ito sa kaniyang braso.
"Gawin mong panangga 'Yang payong mo para hindi sila makalapit sa atin at kukuha narin ako ng pamalo." Agad ko namang sinunod ang sinabi nito at kinuha narin nito ang pamalong nakita nito.
Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad kahit Pa na sinusundan kami ng mga naglalakihang aso. Hindi ko maiwasang maluha dahil takot talaga ako sa aso. Pero hetong si ate Maui ay tawang-tawa lamang.
At sa wakas! Sa ilang minutong paglalakad namin ay nakarating narin kami sakanilang kubo. Ang ganda talaga ng pagkakagawa ng kubo rito. Ang presko Pa ng hangin, may mga ibang alaga rin si tito Victor na hayop tulad ng aso, baka at kambing. Si kuya Mori naman ay abala ito sa pagligo ng kaniyang alagang kalabaw. Masipag ang kuya Mori ko talagang mulat ito sa Gawain sa bukid. Pero nag-aaral Pa ito sa kolehiyo sa kursong IT. At si tito Victor naman ay nadatnan naming namimingwit ng isda sa fishpond nito. May tatlong fishpond dito sa bukid na tinitirhan nila. Lumapit naman kami rito upang mag-mano.
"Owh Nicole! Dumating ka pala? Kailan kapa andito?" Tanong ni tito Victor.
"Nong sabado pa po tito."
Ilang sandali Pa ay lumapit na saamin si kuya Mori. Masayang bumati sa Akin si kuya Mori. Kahit 'nong maliliit palang kami ay talagang close narin kami ni kuya Mori.
"Nicooolleee!" Sigaw ni kuya Mori habang papalapit saamin. "Kailan kapa dumating huh!?" Dugtong Pa nito.
"Noong sabado Pa kuya." Nakangiti ko namang sagot dito.
"Ate Maui tara mamingwit din tayo! Gagawan ko ng pamingwitan itong si Nicole." Masiglang wika ni kuya Mori.
Dali-dali namang tumango si ate Maui kaya sinundan namin si kuya Mori para kunin ang kahoy na gagamitin naming pamingwit. Nang ilang sandali ay umalis sa aming pwesto si kuya Mori at may kinuha ito sa loob ng kubo. Paglabas nito ay may dala-dala na itong lata at pala.
"Kuya Mori anong gagawin mo riyan?
"Kukuha ako ng bulate gagawin Kong pa-in, halika! Tulungan mo akong kumuha!" Aya nito saakin pero tumanggi ako.
"Ayoko kuya takot ako sa bulate." Wika ko rito at sabay tumawa si ate Maui ate kuya Mori. "Eyyyyy pinagloloko nanaman ninyo ako ey!" Dugtong ko sa mga ito.
"Hala! Sige diyan ka muna at kukuha muna kami ni ate Maui ng bulate ." Paksabi niyon ay umalis na ito at nanguha ng bulate.
Ang saya-saya ko dahil nakasama ko ulit sila kuya Mori at ate Maui. Madalan lang kasi akong magpunta rito at magbakasyon. Kaya susulitin ko ngayon bakasyon dahil hindi ko nanaman kasi alam kung kailan ako ulit makakauwi rito.
Maya-maya Pa ay bumalik na ang mga ito sa pag-kuha ng bulate na aming ipapain. Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko ito mula sa aking bulsa. Tinignan ko ito at unknown number ang nagtext.
"Hello Sam ito."
Hindi ko nalamang ito nireplyan bahala itong mamuti ang Mata sa kakahintay ng reply.
"Hoy Nicole! Halika na at mamimingwit na tayo!" Sigaw ni ate Maui at agad naman akong tumakbo papunta sa mga ito.
Hindi ko alam pero parang natutuwa ako na nakatanggap ng text mula kaya Sam. Ewan ko ba ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong feeling.
Marami-rami rin kaming napamingwit na mga isda saktong-sakto ngayon tanghalian. Kaya pagkatapos naming mamingwit ay nilinisan narin namin ni ate Maui. Si kuya Mori naman ay naghanda ng gagamitin naming pang-ihaw. Pagkatapos malinisan ay iniihaw na namin ito.
"Mori kami nalamang dito ni Nicole, magsaing kana muna." Utos ni ate Maui kaya kuya Mori na agad naman itong sumunod.
"..aaaahhhmm ate Maui." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kaya ate Maui, bahala na.
"Ano 'yon Nicole?"
"Kanina kasi may nagtext saakin, tinignan ko kung sino eh si Sam pala ito. Hindi ko rin alam kung kanino niya nakuha ang number ko."
"Basta huh pinaalalahanan na kita, masarap magmahal Nicole, pero 'wag basta bibigay kasi sa huli ikaw rin ang masasaktan." Wika ni ate Maui.
---
KINAHAPUNAN ay napagdesisyonan namin ni ate Maui na umuwi na kaya agad kaming nagpaalam kaya tito Victor at kaya kuya Mori.
"Itay, Mori mauuna na kami at Baka magabihan kami."
"Kuya Mori, tito Victor aalis na po kami." Paalam ko rin sa mga ito.
Habang naglalakad ay masaya kaming nagkukwentuhan ni ate Maui. Si ate Maui ay sobrang bait neto, ito lang ang lagi Kong nakakasama sa tuwing nagbabakasyon ako rito. Maya-maya Pa ay nagsalita ito.
"Alam ko na may nararamdaman ka rin para Kay Sam, kita ko ang mga ngiti ng mga Mata mo Nicole." Gulat ako sa sinabi nito, tatanggi Pa sana ako ng muli itong magsalita.
"Wag ka ng tumanggi, naranasan ko rin 'yan." Dugtong nito, kaya nagtanong ako rito.
"Ibig sabihin ate kayo na ni kuya Robert?"
"Wag mong sasabihin kaya tita huh! Pero sa susunod na linggo mamasyal siya rito at magpapakilala kaya tita Marta." Bigla akong napaisip, ano kaya ang feeling ng nagmamahal? Masaya kaya ito? Ano kaya ang feeling ng parehas kayong nagkakaintindihan? Pero bata Pa ako, hindi dapat ako nagiisip muna ng ganito.
Hindi nagtagal ay nakarating narin kami sa bahay ni tita Marta, may mga tambay sa harap ng tindahan nito kasama na nga roon si Sam at kuya Dom. Nang makalapit kami ni ate Maui ay nagsalita ang mga kasama nito.
"Maui ipakilala mo naman kami 'dyan sa pinsan mo." Pilyong wika ng isa sa kasama nito.
"Tigil-tigilan niyo ang pinsan ko! Bago ka mapapansin pag-aralan mo muna kung paano maligo hindi 'yong iba ang gusto mong pag-aralan!" Galit na sagot ni ate Maui, pero hindi ko napigilan ang sarili ko ay natawa ako sa sinabi nito. Magsasalita na sana ako ng magsalita si Sam.
"Ikaw Jong tigilan mo iyang si Nicole kundi masusuntok ko 'Yang panga mo!" Banta ni Sam sa tropa nitong si Jong. Hindi ko nalamang ito pinansin bagkus ay dumirecho na ako sa loob ng bahay ni tita Marta.
Pagpasok ko sa loob bahay ay hindi ko maiwasang mag-isip. Bakit kaya siya ganito sakin? Natatakot ako na sa murang edad ko ay maranasan Kong magmahal at masaktan.