bc

Slave of Lust and Love

book_age18+
692
FOLLOW
8.7K
READ
HE
playboy
heir/heiress
sweet
bxg
lies
assistant
wild
like
intro-logo
Blurb

“Who are you?”

“Good evening, Sir Yuno. I am Noelle Reyes and this is my second day as your maid.”

Todo ang aking ngiti habang nagpapakilala ako sa kaniya. Kinakabahan ako ng sobra ngayon dahil ito ang unang araw ko dito sa Los Angeles bilang isang Overseas Filipino Worker o mas kilala sa tawag na OFW. Naghihintay ako ng sagot ng amo ko, pero tiningnan niya lang ako na para bang sinusuri niya ang kabuuan ko. Ang tagal ng kaniyang sagot kaya mas lalo akong kinakabahan.

“I don’t need a maid.”

Pinilit ko na hindi mataranta agad. Nangingilid na ang aking mga luha sa mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Ibig sabihin ba niya ay aalisin na niya agad ako sa trabaho? Pero kailangan kong kumayod para mabuhay ang pamilya ko na nasa Pinas!

“Sir Yuno, I’m good at everything. I can do house chores—”

“I need a human toy that can satisfy me in any ways. I don’t need a maid for my house. But if you can satisfy me, then be my toy.”

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“HOY! LUMABAS KAYO D’YAN!” “ALAM KO NA NASA LOOB LANG KAYO!” “WAWASAKIN NAMIN ‘TONG PINTO NIYO KAPAG DI PA KAYO LUMABAS!” “MAY WARRANT OF ARREST NA KAYO SA AMIN!” Sunod-sunod na malalakas na katok ang narinig ko mula sa pinto ng bahah namin. Halos mawawasak na ang pinto dahil sa sobrang lakas no’n. Natatakot na ako dahil ako lang mag-isa ngayon dito sa bahay. Sa tingin ko ay dalawa o tatlong mga lalaki ang kumakatok at sumisigaw sa labas. Kilala ko sila. Mga nautangan nina Mama at Papa ang mga nasa labas. Sa tingin ko ay magkakaibang tao sila na nautangan at hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayaran. Mabuti na lang at wala ang dalawang nakakababatang kapatid ko rito sa bahay namin ngayon, dahil nasa eskwelahan sila. Dahil sigurado na matatakot sila sa oras na marinig ang sigaw ng mga lalaki. Nakita ko na rin sila sa personal. Malalaki ang mga katawan nila at alam ko na kaya talaga nilang wasakin ang pinto ng bahay namin. Sinusubukan ko na tawagan ang mga magulang ko, pero ni isa sa kanila ay walang sumasagot. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko ngayon. Araw-araw na lang na lumilipas ay may nangbubulabog dito sa aming bahay. Tumawag na lang ako ng mga barangay tanod. Mabuti na lang at may contact ako sa kanila. Humingi ako ng tulong at ibinigay ang address namin. Maya-maya lang din ay dumating na sila. “Hoy! Bakit kayo nanggugulo sa bahay na ‘yan? Bawal ‘yang ginagawa niyo!” Tila ba natanggalan ako ng tinik sa dibdib ko nang marinig ko na ang boses ng mga tanod na sumusuway sa mga lalaki na sinisingil kami sa utang. “Anong sabi mo?! Anong bawal?!” “Pwede namin kayong hulihin at ikulong sa barangay kung hindi pa kayo aalis dito!” “Nagpapatawa ka ba?! Ang mga nakatira sa bahay na ‘to dapat ang ikulong at hulihin niyo, hindi kami! Marami na silang utang sa amin!” Hindi pa rin nawala ang kaba sa dibdib ko. Maya-maya lamang ay may narinig ako na isang mahinahon na katok. “Tao po? Alam ko na may tao d’yan sa loob. Ikaw ba ang nagpatawag ng rescue rito sa bahay niyo?” Hala! Bakit naman sinabi ‘yon ng tanod? Ipinaalam pa niya na may tao sa bahay namin at nagtatago lang! Mas lumakas ang t***k ng puso ko. “Ano?! May tao pala d’yan sa loob?! Tapos kanina pa kami kumakatok dito pero ni isa ay walang lumakabas!” Huminga ako ng malalim at nilakasan ko na ang loob ko. Inisip ko na lang na hindi naman siguro ako magagawang saktan ng mga lalaki na ‘yon dahil may mga barangay tanod. Kailangan ko lang siguro sila na kausapin. Ako lang din naman ang haharap sa kanila ngayon dahil wala ang mga magulang ko. Dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto ng bahay namin at sakay tiningnan ang mga tao sa labas. Napansin ko pa na marami-rami din ang mga kapitbahay namin na nakiki-chismis lamang sa labas. Alam ko naman na hindi nila obligasyon na tulungan ako o ang pamilya ko, pero nakakalungkot lang na wala man lang nagbalak ni isa na tumulong sa amin. “Pasensya na po kayo kung hindi ako lumabas agad ng bahay. Natakot ako dahil agresibo agad kayo sa pagkatok sa pinto namin,” pagdadahilan ko na lang. “Bibigyan ko pa kayo ng tatlong araw na palugit! Kapag wala pa kayong naibigay na bayad sa akin, kukunin ko na ang lahat ng mga gamit ninyo na pwedeng maibenta at mapakinabangan d’yan sa bahay niyo!” sigaw ng isang lalaki sa akin. Dinuduro-duro pa niya ako. “Ako rin! Tatlong araw na lang ang ibibigay ko sa inyo! Uutang-utang kayo ng pera tapos hindi niyo kayang bayaran! Nasaan ang mga magulang mo?! Magpakita sila sa akin lalo na ‘yang nanay mo!” Ang dami pa nilang sinisigaw sa akin at hiyang-hiya na ako dahil nanonood pa ang mga kapitbahay namin. Patuloy na lang ako na humihingi ng pasensya sa kanila at nakayuko. Wala na akong mukha na maiharap. Nang makaalis na sila ay muli na agad akong pumasok sa loob ng bahay at ini-lock ‘yon. Sinubukan ko pa rin na tawagan sina Mama at Papa pero hindi pa rin sila sumasagot sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Maya-maya lamang ay pumasok si Papa sa bahay namin at amoy ko na agad ang alak sa katawan niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko siyang nilapitan habang umiiyak ako. “Papa! Kanina pa kita tinatawagan. Nag-inom ka lang pala?! Alam mo ba kung ano ang nangyari rito sa bahay kanina? Nakakapag-inom ka pa sa sitwasyon na mayroon tayo ngayon!” Tiningnan niya ako at sobrang pula na ng kaniyang mga mata. Sinamaan niya agad ako ng tingin. “Anong pakialam mo kung mag-inom ako?! Pera ko ‘to!” “Pa! Sinisingil na tayo ng mga nautangan niyo. Tapos nakakapag-inom pa kayo ngayon. Kung may pera ka pala sa alak, sana inilaan mo na lang ‘yan sa pangbayad sa utang!” “Manahimik ka! Nanay mo ang umuutang ng pera at hindi ako!” “Dahil wala ka rin namang trabaho!” “Bakit ikaw? Noong isang taon ka pa nakapagtapos sa kulehiyo, pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring dulot sa amin! Palamunin ka pa rin dito sa bahay. Kaya wala kang karapatan pagsabihan ako. Anak lang kita.” Hindi ko na kaya ang mga sinasabi sa akin ni Papa. Sarado rin ang isipan niya ngayon dahil nakainom siya ng alak at lasing na siya. “Ang ina mo ay naroon sa crossing. Baka naghahanap na ng mauutangan o naghahanap na ng ibang lalaki na bubuhay sa kaniya.” “Naghahanap naman na ako ng trabaho. Naghihintay lang ako ngayon na may tumawag sa akin na isang agency.” Pumunta na lang ako sa kwarto ko dahil ayoko na rin na kausapin pa si Papa. Hindi rin naman niya ako maiintindihan. Pinilit nila na makatapos ako sa pag-aaral at sa isang magandang unibersidad. Hindi ako pumayag noon, pero sinabihan ako ni Mama na ako lang daw ang pag-asa ng pamilya namin. Sa totoo lang ay hindi naman kami mahirap noon. May maayos na negosyo sina Mama at Papa, bar and restaurant ‘yon. Pero simula noong nag-pandemic ay nawala na ang kanilang negosyo. Hindi rin nakapag-ipon masiyado si Mama. Pinapaaral pa ako sa kulehiyo noong panahon na ‘yon. Samantalang ang ikalawa kong kapatid ay nasa highschool na. Ang bunso naman namin na kapatid ay elementary. Kaya naman noong nagtagal ay wala silang nahanap na trabaho at tanging umaasa na lang sa natira nilang pera mula sa dating negosyo. Hanggang sa unti-unti na silang nagsimula mangutang at hindi na nababayaran dahil wala naman silang pagkukuhanan ng pera ngayon. Hindi ko lang alam kay Papa kung saan pa siya nakakakuha ng pera para makapag-inom pa siya ng alak. Nahihiya rin ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong naitutulong sa kanila. Nang makapagtapos ako sa pag-aaral ay sinubukan ko na agad na mag-apply sa mga kumpaniya rito sa Pinas. Pero hindi ako natatanggap dahil wala raw experience. Hindi natanggap ng fresh graduate. Gano’n talaga ang sistema rito sa bansa na ‘to. Kahit na matalino naman ako at magaling noon sa eskwela, walang kwenta ang mga awards ko kapag maghahanap na ng trabaho. Bachelor of Science in Business Administration ang kinuha kong kurso, kaya gusto ko sana ay sa kumpaniya magtrabaho. Pero walang tumatanggap sa akin. Sumubok ako sa mga convenient store, pero hindi rin ako natanggap dahil mas gusto raw nila na estudyante pa ang kunin nila. Ngayon naman ay sumubok na ako na mag-apply sa ibang bansa bilang isang Domestic Helper. Wala na akong magagawa kundi ‘yon ang piliin ko. Kahit anong klaseng trabaho, basta kung saan ako kikita ng pera. Tatlong agency ang pinasahan ko ng aking resume. Ang isang agency ay sa Hongkong na bansa, ang isa naman ay sa Australia, at ang isa ay sa Los Angeles. Pero ang sabi ng mga kasabayan ko na mag-apply, mas madali raw makapasok kapag sa Hongkong. Dahil doon daw talaga ay ang mga nangangailangan ng Domestic Helper. Hindi na ako mag-iinarte pa na mamili kung saan bang bansa mas maganda. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang matanggap ako. Online lang ang pinasahan ko ng resume at wala pang actual interview. Ang mga kasabay ko na nag-apply ay sa online ko lang din nakausap at hindi ko sila kilala. Tatawagan na lang kami kapag may interesado sa resume na pinasa namin. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko agad narinig na tumutunog na pala ang phone ko at may tumatawag sa akin. Tiningnan ko naman kung sino ‘yon at hindi ko kilala ang numero na tumatawag. Kumabog ang dibdib ko. Ang mga agency lang naman ang nakakaalam sa numero ko na ‘to. Baka may isa nang tumatawag sa akin na mula sa isang agency? Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Inayos ko rin ang boses ko dahil baka mamaya ay mahalata na galing sa pag-iyak. “Hello, this is Noelle Reyes speaking.” “Good day, Miss Noelle. This is Cassandra from Maid Provider Agency. We received your application and we wish to inform you that we want to interview you in person. We will send the full details in your email right away. Thank you.” “Thank you so much, Ms. Cassandra!” “Good luck and see you soon.” Pinatay na rin niya agad ang tawag. Saglit lang ang aming usapan pero sobra ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan na ako ng sobra. Natanggap ko na ang email at binasa ko kung kailan ang interview. Bukas na ‘yon agad at nanglaki pa ang mga mata ko na sa Los Angeles na agency ang tumawag sa akin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at hinanda ko na ang mga damit na isusuot ko para bukas. Nag-practice na rin ako ng mga pwedeng itatanong sa akin at kung paano ko sila sasagutin. Ito na ang tiyansa ko para magkaroon ng trabaho at para na rin makatulong ako sa pamilya ko. *** Papasok na ako ngayon sa isang maliit lang na building. Nagdasal ako sa simbahan bago ako dumeretso rito. Huminga ako ng malalim at saka nagtanong sa receptionist na nasa lobby kung nasaan ang interview room. Inihatid ako ng isang babae sa kwarto at saka kami pumasok doon. Nakita ko na may dalawang parang panelist doon na nakaupo sa may lamesa. Nakaharap ako sa kanila. Napalunok agad ako at pinipilit na alisin ang kaba na nararamdaman ko. Kailangan kong ipakita sa kanila na ‘di ako kinakabahan. Mukhang sila ang mga magi-interview sa akin ngayon. Ngumiti na ako at saka sila binati. “Good morning po,” simpleng bati ko. Nilingon na nila akong dalawa. Hindi muna ako umupo. Tiningnan nila ang kabuuan ko, mula ulo hanggang sa aking paa. Sinusuri na agad nila ako. Inayos ko naman ang postura ko. “Pwede mo bang alisin ang tali ng buhok mo?” tanong sa akin ng isang babae. Hindi na ba ako magpapakilala muna sa kanila? Pero ayoko rin naman na kwestyunin sila ngayon. Nakatali kasi ang buhok ko na parang professional. Wala ring makikita na kahit na anong buhok na nakaangat. “Yes po.” Inilugay ko ang mahaba kong buhok. Ang makeup ko rin naman ngayon ay simple lang. Ayoko ng sobrang OA na makeup dahil hindi naman isang model ang aapply-an ko na trabaho ngayon. Nang masuri na nila ako ay nagkatinginan sila. “Can you speak english? ‘Yong tipong dere-deretso talaga?” “Yes, Ma’am. I am also good in english communication. I am Noelle Reyes, twenty-four years old. I graduated last year in a four years degree,” pakilala ko sa sarili ko. “You have a beautiful face and I can see your confidence right now. Maganda rin ang katawan mo. I think you’re fit to work as a maid in Los Angeles. Ilalagay ka namin sa isang client namin na ini-specify kung ano ang gusto niyang klase ng katulong sa bahay. And we think that you’re the perfect one for that.” Hindi ko alam kung matutuwa na ba ako sa sinabi niyang ‘yon o hindi pa. Medyo hindi ko rin naintindihan kung ano ang kinalaman ng magandang mukha sa pagiging domestic helper. Pero dahil first time ko ‘to ay baka kaya ‘di ko lang alam na isa sa requirements ‘yon, lalo na at dadalhin sa ibang bansa. “Thank you, Ma’am.” “There’s no need for a formal interview. You’re already hired. Aayusin namin ang mga papeles mo katulad ng passport, visa, at plane ticket mo. Ang kontrata mo ay papapirmahan namin sa ‘yo ngayon. Ito ang sasahurin mo sa isang buwan.” Tinuro nila sa akin ang kontrata at nakita ko kung gaano kalaki ang sasahurin ko roon. 800 USD ang sahod ko sa isang buwan. 800 dollars! Ang laki! Kapag pinalitan ng peso ay nasa mga forty thousand pesos ang isang buwan ko. Malaki ang maipapadala ko sa mga magulang ko kung gano’n ang sahod ko buwan-buwan. “Thank you so much po! Malaking tulong po ito sa akin. Kahit kailan po ay pwede akong umalis.” “Short background lang tungkol sa pagsisilbihan mo sa Los Angeles. Nag-iisang anak siya at lalaki. Ang ina niya ang naghanap ng katulong para sa anak niya. Siguro ay kasing edad mo lang din ang lalaki na pagsisilbihan mo. Ang sahod mo na ‘to ay pwedeng madagdagan, depende sa amo mo. Kung magugustuhan niya ang performance mo o hindi. Kaya galingan mo roon. Bihira lang ang mga domestic helper na sa Los Angeles napupunta.” Nakinig naman ako ng ayos sa mga palatandaan nila sa akin. Nang sa gano’n ay maging handa ako sa haharap sa akin sa oras na mapunta na ako sa bansa na ‘yon. Pumirma na rin ako sa kontrata. Sino kaya ang magiging amo ko? Kung kasing edad ko lang at lalaki, siguro naman ay hindi niya ako masiyadong papahiraman. Nagpapasalamat na agad ako sa kaniya at sa pamilya niya. Dahil matutulungan nila ako at ang pamilya ko. Swerte lang ako ngayon na napili ako at hindi masiyadong mahirap ang mga tanong sa akin kanina. Ano kaya ang naghihintay na buhay para sa akin sa bansa na ‘yon? Magiging maayos kaya ang buhay ko? Isipin ko na lang na para ‘to sa pamilya ko… Kailangn kong kumayod para buhayin sila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.3K
bc

The Sex Web

read
134.4K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook