Ikalawang araw ko na ngayon dito sa mansiyon. Normal lang ang buhay ko at tahimik. May maliit na TV din pala rito sa kwarto ko at ‘di ko lang siya napansin agad noong dumating ako rito. Kaya kahit papaano ay hindi rin ako masiyadong nabo-bored. Naisip ko na maganda pala ang trabaho ko rito sa mansiyo na ‘to. Hindi naman masiyadong nakakapagod dahil wala naman akong halos nililinis. Napapanis nga lang ang laway ko rito dahil wala naman akong pwedeng kausapin.
Kapag natatapos ko na ang trabaho ko ay pumupunta ako sa kwarto ko at nanonood lang ng mga palabas. Mabuti nga at may access ako sa WiFi rito sa mansiyon kaya nakakausap ko pa rin ang mga kapatid ko at si Papa kapag wala na akong ginagawa. Madalas naman akong tumawag sa kanila. Kahit wala pang isang linggo na nawalay ako sa kanila, pakiramdam ko ay sobrang tagal ko na silang ‘di nakikita sa personal. Gano’n ang epekto ng buhay ko rito sa Amerika.
Sa ngayon naman ay ‘di ko pa rin nakikita o nararamdaman man lang si Mr. Yuno. Hindi ko nga alam kung umuuwi ba ‘yon dito. Napapaisip nga ako kung bakit pa ba nila kailangan ng kasambahay dito. Kasi parang hindi naman siya umuuwi at hindi rin nadudumihan dito sa mansiyon.
Alas-dose na ng madaling araw ngayon at ‘di pa rin ako makatulog. Medyo nahihirapan pa din kasi mag-adjust ang katawan ko sa oras dito sa Amerika. Kaya hanggang ngayon ay napupuyat ako. Dahil alas-siete ng umaga ako nagigising para mag-ayos ng sarili at simulan ang trabaho ko.
Nakaramdam ako ng gutom kaya naman ay naisipan ko na lumabas sa kwarto ko. Ang alam ko ay ganitong oras umuuwi si Mr. Yuno o ‘di kaya ay mas gabi pa. Pero sana naman ay wala pa siya rito o ‘di kaya ay nasa kwarto na niya at nagpapahinga. Sabi naman sa akin ni Ma’am Hulieta ay pwede kong galawin ang mga pagkain nila rito, pero huwag lang sobra-sobra sa pagkain. May mga CCTV din naman daw rito, pero si Mr. Yuno lang ang pwedeng makakita. Napaisip pa nga ako kung paano kapag makita ako ni Mr. Yuno sa CCTV, ano ang gagawin ko. Pero sabi naman sa akin ni Ma’am Hulieta ay okay lang daw dahil bihira lang naman tumingin sa CCTV footages si Mr. Yuno.
Nakiramdam muna ako sa paligid at tahimik pa naman ang buong bahay. ‘Di rin naman sobrang dilim. Dahan-dahan ako na nagpunta sa kusina. Hindi talaga ako gumagawa ng kahit na anong tunog. Dahil hindi naman ako sigurado kung nakauwi na ba si Mr. Yuno o hindi pa.
Tumingin ako sa malakingn refrigerator ng mga pwedeng kainin na ‘di na kailangan pang lutuin. Nakakita ako ng gatas at cereal kaya naisip ko na ‘yon na lang ang kainin ngayon. Tutal naman ay nakakain na ako ng dinner kanina. Kahit pala wala si Mr. Yuno rito ay magluluto pa rin ang Chef. Pumupunta ang chef dito sa mansiyon kapag umaga, tanghali, at gabi para sa breakfast, lunch, at dinner. Parehas lang ang niluluto niya na para sa akin at para kay Mr. Yuno, pero siyempre ay mas marami kapag sa amo namin. Kahit pala wala rito sa bahay si Mr. Yuno ay magluluto pa rin ang chef ng para sa akin. Iba-iba rin naman ang chef na pumupunta rito kada umaga, tanghali, at gabi. Para ngang ako pa ang pinagsisilbihan nila kaysa kay Mr. Yuno. Nahihiya pa ako kanina dahil ako ang nilulutuan, pero sabi lang sa akin ay sanay na raw sila at wala naman daw problema.
Malaki rin ang sinasahod nila kahit gano’n lang kasaglit at kadali ang trabaho nila rito sa mansiyon. Sobrang yaman naman talaga ng pamilya na ‘to.
Nakapatay lang ang ilaw dito sa kusina para ‘di ako makaagaw ng pansin kung sakali man na may biglang umuwi o bumaba na galing sa itaas. Naghanap ako ng mangkok at doon ko inilagay ang cereal na nakuha ko. Dahan-dahan din ako na naglalagay ng gatas. Nang matapos ako ay ibabalik ko na sana ang gatas sa refrigerator nang may marinig akong boses ng isang lalaki.
“Are you a thief?”
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ngayon. Isinara ko ang refrigerator at hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko ngayon. Sh!t. Si Mr. Yuno na ba ang nasa likod ko ngayon? Siya lang naman ang lalaki na narito sa mansiyon, ayon sa nabalitaan ko!
Hindi niya ako pwedeng makita. ‘Yon lang ang tanging rule na kailangan kong sundin ngayon. Pero hindi ko pa nasunod! Ugh! Ano na ang gagawin ko? Kailangan kong kumalma para makapag-isip ako. Kung tatakbo ako ay makikita pa rin niya ako dahil pakiramdam ko ay nasa labasan siya ng kusina nakapwesto! Ang malas ko naman!
“I’m asking you. Are you a thief?” tanong pa niyang muli sa akin. Ang lalim ng boses niya at sobrang seryoso. Kaya naman ay mas nakaramdam ako ng kaba. Huminga ako ng malalim at pinilit na ikalma ang sarili ko.
Nanatili ako na nakatalikod. Nakikiramdam ako kung may lalapit ba sa akin ngayon. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapagtago. Pero siguro ang dapat ko na lang gawin ay ‘wag ipakita sa kaniya ang mukha ko. Siguro naman ay ayos lang ‘yon. Kahit ‘di ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ‘yon lang ang tanging rule sa bahay na ‘to ay kailangan ko pa rin na sumunod. Dahil ang sabi naman sa akin ni Ma’am Hulieta ay para sa ikabubuti ko rin ang pagsunod sa rule na ‘yon.
“I— I am not… a thief, Sir,” mahinang sagot ko sa kaniya.
“That’s right. It’s impossible for a thief to get in here. The security is so tight in this house. So who are you? Why are you acting like a thief?” tanong pa niyang muli sa akin.
Sa tono na ng boses niya ngayon ay parang hindi na masiyadong nakakatakot. Dahan-dahan na akong humarap sa kaniya, pero nakayuko lang ang ulo ko. Tinatakpan ko rin ng mukha ko gamit ang mahabang buhok ko. Para ‘di niya ako malaman kung ano ang itsura ko. Nakapangbahay pa ako ngayon! Maisip kaya niya na ako ang bagong kasambahay niya? Ang tanga ko talaga! Bakit kasi nagutom pa ako ng ganitong oras. E ‘di sana at nanahimik na lang ako sa kwarto ko. Ikalawang araw ko pa lang dito pero may nagawa na agad ako na kasalanan. Sana naman ay ‘di ako matanggal agad sa trabaho ko.
“I’m so sorry, Mr. Yuno. I will go back to my room immediately and I promise that I won’t bump—”
“Enough.”
Hindi ko na naituloy pa ang dapat kong sabihin nang pinigilan na agad niya ako. Nakita ko ang mga paa niya na papalapit na sa akin kaya napaatras agad ako. Nadali pa ang likuran ko sa bakal dahil refrigerator na pala ang naatrasan ko. Pinigilan ko lang ang sarili ko na umaray sa sakit.
Mas iniyuko ko ang ulo ko at pinipilit na hindi ipakita sa kanıya ang mukha ko. Gusto ko nang tumakbo ngayon dahil sa tingin ko ay mas lalo siyang nagalit dahil sa sinabi kong dahilan. Gusto ko lang naman na malaman niya na kasambahay niya ako at ‘di talaga ako isang magnanakaw. Wala naman akong ibang rason na pwedeng ibigay sa kaniya kung bakit ako narito sa kusina ng mansiyon nila.
“I’m not Yuno,” dagdag pa niya.
Nanglaki ang mga mata ko at napaangat agad ng tingin sa kaniya. Saka ako nakakita ng isang gwapong lalaki sa harapan ko. Medyo malapit na siya ngayon sa akin. Matangkad din siya kaya nakatingala ako. Pero meron sa itsura niya na para bang may halo siyang Pinoy na dugo at hindi isang buong amerikano. Hala ka, Noelle! Bakit mo ipinakita ang mukha mo?!
Agad ulit akong yumuko. Malay ko ba kung nagsasabi ng totoo ang lalaki na ‘to! Baka hinuhuli niya lang ako pero siya pala talaga si Yuno.
“Drake! Where the hell are you?!”
May narinig ulit ako na isang boses ng lalaki na sumigaw. Napakunot na ang noo ko. Sino naman ang lalaki na ‘yon? “That’s Yuno. I think you’re his new maid, huh? Don’t worry. I won’t tell Yuno that you’re here. You can get your cereal with you and I will distract him so he won’t be able to see you going back to your room.”
Tiningnan ko ulit ang lalaki sa harapan ko. Mukhang hindi nga siya si Yuno dahil Drake ang pangalan na narinig ko. Mas malalim ang boses ng sumigaw kanina. Bakas siguro sa mukha ko ang pagtataka kaya nagsalita pa siyang muli.
“I am Drake Silva. Nice to meet you, Yuno’s maid. I want to get you in case things goes wrong between you and your young master.”