Grabe! Muntik na ako mahuli roon, ah!
Nakabalik na ako ngayon sa kwarto ko at nawala na ang gutom na nararamdaman ko kanina dahil napalitan na ng kaba dahil sa nangyari kanina.
Nakita ko na dinala pala ni Mr. Yuno ang mga kaibigan niya rito sa mansiyon nila. Mabuti na nga lang at nasa labas sila ngayon. Hindi ko pa masiyadong nalilibot ang kabuuan ng lugar na ito. Pero napag-alaman ko na mayroon pa lang mini bar sa labas, ‘di kalayuan sa mansiyon. Nakahiwalay pala ‘yon dito. Kaya pala may napansin ako noong lumipat ako rito na parang may maliit pa na building. Hindi naman ako sinabihan ni Ma’am Hulieta na kailangan kong pumunta roon at maglinis. Gamit din naman ‘yon ni Mr. Yuno kaya naisip ko na baka ‘di rin ako pwedeng pumunta roon.
Habang pabalik ako sa kwarto ko kanina ay narinig ko pa ang boses ng mga kababaihan na nagtatawanan ng malakas sa labas. Siguro ay marami-rami rin sila. Mabuti na lang talaga at hindi ako nakita ni Mr. Yuno. Sana lang ay totoo ang sinabi sa akin ng Drake na ‘yon na ‘di niya sasabihin sa amo ko na nakita niya ako. Nakakahiya talaga! Nagmukha pa akong magnanakaw.
Ayoko naman na masayang ang kinuha ko na pagkain kaya naman ay kinain ko pa rin ‘yon. Kinakabahan ako dahil baka mamaya ay may biglang makakita ng pinto sa basement at may makarating dito. Hindi pa naman naila-lock ang pinto roon.
Nang matapos akong kumain ay saka ko lang naalala na ‘di pala ako nakakuha ng tubig. Kainis talaga! Ang malas ko naman ngayong araw. Hindi rin ako inaantok dahil sa kakaisip kaya ‘di ako makatulog. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa panonood. Hihintayin ko na lang siguro na umalis na sila at saka ako lalabas muli.
Kahit nakailan na akong episode sa pinapanood ko ngayon ay ‘di ko pa rin maramdaman ang antok. Tiningnan ko ang oras at nakita na alas-tres na pala ng madaling araw! Ilang oras na lang ang magiging tulog ko at gigising na naman ako ng maaga mamaya. Siguro naman ay wala na sila sa mini bar ng ganitong oras?
Ay, hindi! Malamang ay hindi pa tapos ang pag-iinuman nila ngayon!
Naalala ko na ang mga inuman nga pala sa ganitong bansa ay inaabot na ng umaga bago pa sila matapos. Hindi ko alam kung gano’n din ba sa bansa namin, dahil hindi naman ako nagpupunta sa mga bar. Kaya wala akong kahit na anong ideya. Pero ang gusto ko lang ay makakuha ng tubig. Para makatulog na rin ako. Siguro naman ay naroon lang sila sa mini bar at walang pupunta rito sa mansiyon.
Nilakasan ko na lang ulit ang loob ko. Sa susunod ay magdadala na ako rito ng tubig ko sa kwarto. Makakatulong din kasi ang tubig sa akin para makatulog na ako. Marami akong iniisip kaya ‘di rin ako makatulog talaga. Iniisip ko ang pamilya ko. Pinipilit ko na huwag malungkot, kahit na ‘di ko mapigilan ang maramdaman na mag-isa lang ako.
Sumisilip-silip muna ako sa paligid habang patuloy na lumalabas. Nakikiramdam ako kung may tao ba rito sa loob o wala. Kapag kasi lumabas ng basement, ang bubungad na agad ay ang salas. Sa malapit sa hagdan, may maliit na pinto at doon ang daan pababa dito sa basement kung nasaan ang kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit doon pa nila inilagay ang pinto ng basement kung saan kitang-kita naman ng lahat. Pero naisip ko na wala rin naman masiyadong tao rito sa mansiyon. Wala rin naman sigurong magtatangka na pumasok doon.
Nang masiguro ko na wala talagang tao sa mansiyon bukod sa akin ay agad na akong nanakbo papunta sa kusina. Medyo madilim pero nakikita ko pa rin naman ang paligid. Uminom ako ng tubig dahil kanina pa ako nauuhaw, tapos naisipan ko na kumuha na ng isang pitchel at baso para dalhin sa kwarto ko.
Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang may marinig ako na pumasok sa loob ng mansiyon! Shet na malagkit talaga!
Agad naman ako na umatras at nagtago ulit sa kusina, pero nasa malapit lang ako sa pinto. Sumilip ako ng kaunti dahil medyo maliwanag sa salas at saka ako nakakita ng isang babae at lalaki na naghahalikan habang naglalakad! Nanglaki naman ang mga mata ko sa nasaksihan ko na ‘yon. Hala! Sino naman kaya ang lalaki na ‘yon? Barkada pa ba ni Mr. Yuno o baka naman siya na ‘yon mismo?
Nakita ko ang suot ng babae at sobrang iksi no’n. Halos hubad na nga siya ngayon. Napunta na sila sa sofa at doon na sila tuluyang naglandian. Paano ako makakaalis ngayon dito? Kapag lumabas ako at dumaan sa gilid nila ay mapapansin nila agad ako. Wala namang ibang daan para makabalik sa kwarto ko nang ‘di nila napapansin!
“Aahhh~ Yuno, please fūćķ me right now…”
Mas nanglaki muli ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ng babae. Paungol ang pagkakasabi niya, pero hindi ako nagkakamali sa narinig ko na pangalan. Tinawag niyang Yuno ang lalaki na kahalikan niya ngayon! Ibig sabihin ay ‘yon ang amo ko? Ang pagsisilbihan ko dito sa mansiyon na ‘to?!
Hindi ko inaasahan na ganito pala ang buhay ng mga binata at dalaga rito sa Amerika. Sa tingin ko naman ay ganito rin ang ibang tao sa Pinas. Kakaiba na rin naman ang mga kabataan ngayon. Hindi na mga inosente. Nasa tamang edad na rin naman sila.
Maya-maya ay nakita ko na tumigil sila sa paghahalikan. Ang mukha lang ng babae ang nakikita ko. Pero ‘di ko pa rin alam ang itsura ni Yuno dahil ‘di ko makita ang mukha niya. Nakatalikod siya mula sa akin ngayon.
“How old are you?” tanong niya sa babae. Nagtaka na naman ako ng bahagya. Bakit hindi niya alam kung ilang taon na ang babae na kahalikan niya ngayon? Hindi ba sila magkakilala talaga? Pero bakit sila magkasama?
Ugh! Ang dami kong tanong ngayon sa isipan ko na alam ko naman na hinding-hindi masasagot!
“I’m twenty already.”
Twenty pa lang siya?! Mas matanda pa ako sa kaniya ng tatlong taon! Pero ang itsura niya ay hindi halatang twenty pa lang dahil mukhang matured na matured na siya. O baka ‘di lang ako sanay na gano’n talaga ang itsura ng mga amerikana?
“And how many guy already went inside you?”
Bakit ba puro kabastusan ang tanong niya sa babae? Bakit pati ‘yon ay tinatanong pa kung ilan na ang lalaki na nakagalaw sa kaniya? Required ba muna na malaman ‘yon bago sila mag-uhmm… Aahh!! Ayoko isipin! Hindi naman ako inosente at kahit papaano ay may alam ako tungkol sa mga ganoong bagay. Hindi na rin naman ako bata! Pero isa akong birhen! Wala naman akong naging nobyo sa buong buhay ko ngayon.
“Is that even important? Let’s just have fun, AH!”
Ang sigaw ng babae ay para bang nabigla siya at nasaktan dahil sa kung ano man ang ginawa ni Yuno sa kaniya. Sumilip pa ako ng husto at saka ko nakita ang kamay ni Yuno na palabas mula sa ibabang parte ng babae! Oh my gosh!
“I just inserted four fingers inside you. That means you’re already that… wide. I mean, your pǔșśy. I don’t fūçķ a slǔț. You can go now.”
Tumayo si Yuno at saka tiningnan ang babae na mukhang nasaktan at tila iiyak na ang itsura. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Apat na daliri?! Sa sensitibong parte ng babae?! Nagkasya roon ang apat na daliri niya? Kita ko na mukhang nasaktan ang babae sa ginawa sa kaniya ni Yuno. That’s… harassment!
“How could you do this to me?!” umiiyak nang sigaw ng babae sa kaniya.
Nakita ko na ang side view ni Yuno. Sa gilid pa lang niya ay kita ko na ang tangos ng ilong niya. Matangkad din siya at parang mas matangkad pa siya ng kaunti roon sa Drake na nakita ko kanina. Tapos magulo ang buhok niya. Medyo malaki rin ang katawan. Hindi ko pa makita masiyado ang kabuuan ng mukha niya dahil ‘di rin masiyadong maliwanag. Ganiyan pala ang klase ng lalaki ng amo ko. Ngayon alam ko na. Siya ‘yong tipo na mukhang manyak at babaero na lalaki.
“Ah, so dramatic. Just go.”
Inilagay niya sa bulsa ang kaniyang mga kamay at saka nanakbo na ang babae palabas ng mansiyon. Naisip ko na baka pumunta na si Yuno sa kwarto niya, pero agad na nanglaki ang mga mata ko nang makita na tumingin siya rito sa banda ng kusina kung nasaan ako!
Agad akong nagtago at tinigilan ang pagsilip. Maya-maya lamang ay nakarinig ako ng footsteps na papalapit na sa kinaroroonan ko ngayon. Lumakas ang kabog ng dibdib ko at ‘di ko na alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Dapat na ba akong magtago sa ilalim ng lamesa para ‘di niya ako makita? Aacckkk!! Ano ba naman ‘to, Noelle!
Papalapit na siya nang papalapit hanggang sa… Ang malas ko talaga ngayong araw!