6: First Encounter

1658 Words
“Who are you?” Shemay talaga! Nakita na ba niya ako ngayon? Nagtatago ako sa ilalim ng lamesa. Madilim sa parte na ‘to at alam ko na ‘di ako makikita rito agad. Depende na lang kung bubuksan niya ang ilaw dito sa kusina at sisilipin niya ako sa ilalim. Nanginginig na ang mga kamay ko. Mabuti na lang at nailapag ko agad ang tubig na hawak ko sa sahig. Baka mas nahuli na ako kapag nanginginig ang kamay ko tapos matatapon ko pa ang tubig na hawak ko. “I know that you’re in here. Who are you?” matigas na tanong niyang muli. Bawat salita niya ay may diin. Kaya naman ay mas kumabog ng husto ang dibdib ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Sorry, Ma’am Hulieta! Hindi ko agad nasunod ang iisang rule sa mansiyon na ‘to. Nagdadasal na ako sa lahat ng santo na kilala ko. Diyos ko, save me on this disaster. Please! Gusto ko pa na tumagal sa trabaho na ‘to. Kahit na ‘di ko pa rin alam kung ano ba ang mangyayari sa akin sa oras na makita niya ako. Sa totoo lang ay may parte sa akin na kuryoso ako, pero ayoko naman na subukan pa. Hindi ko ‘to gusto. Ayokong ipagsapalaran ang trabaho ko. Maya-maya ay nagbukas na ang ilaw! Nagliwanag na ang buong kusina. Halos ‘di na ako humihinga rito sa ilalim ng lamesa para lang ‘di niya ako makita at hindi niya ako maramdaman. Oh, God. Ano na ba ang gagawin ko sa ganitong sitwasyon? Narinig ko na na naglalakad na siya ng dahan-dahan dito sa loob ng kusina. Pakiramdam ko ay nasa likuran ko siya dahil ‘di ko siya nakikita sa harap ko. Ayoko namang lingunin para makita kung nasaan mismo ang pwesto niya, dahil takot ako na gumalaw sa pwesto ko ngayon. Pero maya-maya lamang ay… “AAAHHH!” BIGLA NA LAMANG MAY HUMILA SA AKIN MULA SA LIKURAN KO AT NAPALABAS AKO SA ILALIM NG LAMESA! Sobrang lakas ng sigaw ko. Pagkahila niya sa akin ay tila ba nag-slide ako sa sahig at nakahiga na ngayon. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ang gwapong nilalang na nakatingin sa akin ngayon. Nang mapagtanto ko kung ano ang posisyon ko ngayon ay agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. “I’m so sorry, Sir!” sambit ko kaagad sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin ngayon. Nakayuko rin ako at halos ayaw ko nang ipakita pa ang mukha ko sa kaniya dahil sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko. “Look at me,” utos niya sa akin. Ahh!! Ano na ba ang gagawin ko ngayon? Susundin ko ba siya o mananatili ako na nayuko?! “I said, look at me,” dagdag pa niyang muli. Wala akong nagawa kundi dahan-dahan na inangat ang ulo ko. Napatitig ako sa kaniyang itsura. Ito pala ang itsura ng isang Yuno Miller. Kung si Drake kanina ay gwapo na sa paningin ko, mas gwapo pa ang isang ‘to. Ang tangos ng ilong, pero hindi katulad ng mga amerikano mismo na sobrang tangos at pointed ang ilong. Tapos medyo moreno rin ang kutis niya. Malaki ang katawan, mahaba ang mga pilikmata, tapos ang kaniyang kulay ng mata ay brown. Ang labi naman niya ay medyo heart-shaped at pinkish. Ang buhok naman niya ay magulo pero mas attractive tingnan, kulay brown din ‘yon at mukhang natural naman. May iba pa bang lahi ang lalaki na ‘to bukod sa Amerikano? Kaya naman pala parang patay na patay ang babae na kalandian niya kanina sa kaniya, dahil ganito ang itsura niya… “Who are you?” tanong niyang muli sa akin. Paano ba niya ako nakita sa ilalim ng lamesa kanina?! Ah! Mali! Paano niya nalaman na narito ako sa kusina?! “Good evening, Sir Yuno! I am Noelle Reyes, and this is my second day as your maid,” pakilala ko sa sarili ko. Tutal naman ay wala na akong kawala pa at nahuli na rin naman niya ako ngayon. Pinakitaan ko na lang siya ng todong ngiti ko. Baka sakali ay mabaitan siya sa akin at pagbigyan na lang niya ako ngayong gabi. Medyo matagal pa bago siya sumagot at para bang sinuri niya muna ako ng husto. Pero ‘di ko ipinakita sa kaniya na kinakabahan ako. Naisip ko na mas okay siguro kung ipakita ko sa kaniya na ‘di ako nahihiya. Kahit na gusto ko nang makain ng lupa ngayon sa sobrang kahihiyan ko. “I don’t need a maid.” Nang marinig ko ang sinabi niya na ‘yon ay dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ko. Napakunot pa ng bahagya ang noo ko. Pero pinilit ko pa rin na ikalma ang sarili ko at pigilan ang nangingilid na luha sa mga mata ko. Medyo emosyonal pa naman ako ngayon dahil hindi pa rin nawawala ang lungkot ko sa pagkawalay ko sa pamilya ko. Kaya mabilis lang sa akin ang umiyak. “Sir Yuno, I am good at everything. I can do house chores—” “I need a human toy that can satisfy me in any ways. I don’t need a maid for my house. But if you can satisfy me, then be my toy.” Hindi ko na napigilan at napakunot na ang noo ko ng husto. Hindi ko na kaya pang pigilan ang reaksyon ko. “Huh? I’m sorry but I can’t seem to understand what you just said, SIR,” sagot ko. Medyo diniinan ko pa ang salitang ‘sir’. Ano ako, robot? ‘Yon ba ang tingin niya sa akin? Laruan? Anong ibig niyang sabihin sa dapat i-satisfy siya? Paano gagawin ‘yon ng isang tao? Hindi ako laruan! Kailangan kong kumalma ngayon. Ang sarap naman sapukin ng lalaki na ‘to. “I guess you can’t do your job properly.” “Excuse me? Sir, I’m maintaining the cleanliness of this mansion for two days now—” “You just said that you’re working for me. Are you from the Philippines?” “Yes, I am.” “You are working FOR ME. That means you will have to do everything that I want for you to satisfy me. Simple lang. You’re not a maid here. Isa kang laruan ko.” Nagulat ako na nagsalita siya bigla ng tagalog, pero mas nagulat ako sa sinabi niya sa akin. Naiintindihan ko na kung ano ang ibig niyang iparating. Ang gusto niya na gawin sa akin ay kung ano ang ginawa niya sa babae niya kanina. It’s about sèxūál satisfaction. Gano’n lang ang tingin niya sa lahat ng mga babae? Pwede ko rin naman pala tagalugin ang lalaki na ‘to. “Hindi po gano’n ang napag-usapan namin ng Mother mo. Kinuha niya ako rito para magtrabaho ng marangal at maayos sa mansiyon na ‘to bilang isang domestic helper. Pero hindi para maging isang laruan ng lalaki.” Matapang pa ako ngayon na sumasagot sa kaniya. Dahil alam ko naman na nasa tama ako. Tsaka ang Mom naman niya ang employer ko. Ibig sabihin ay hindi ang anak niya ang magpapasahod sa akin. Kailangan kong ipakita sa kaniya na ‘di ako basta-basta. “Interesting… I like girls who are brave enough to face me and talk to me rudely. Pero hindi ka ba nasabihan sa iisang rule sa mansiyon na ‘to?” Kinabahan na naman ako. Malalaman ko na ba ngayon kung ano talaga ang dahilan kung bakit nagawa ang rule na ‘yon? Kasi kung iisipin ay wala namang saysay ang rule na ‘yon. Bakit hindi pwedeng magpakita sa lalaki na ‘to? May sakit ba ‘to sa utak at bigla na lang nananakit o kung ano man? ‘Di ko alam. “I was told na ‘di mo ako pwedeng makita. But this is an accident. Hindi ko naman po sinasadya na magpakita sa inyo. I promiss that I won’t do it again. Just… let me work here in your mansion peacefully.” Nginisian naman niya ako. “That rule… was made by my Mom. Dahil sa oras na makita kita, you will be mine. Magkano ba ang sahod na ibibigay sa ‘yo ng Mom ko? I can double it— No… I can even triple it for you. This is the biggest offer that you will get. You’re my type. Kahit ngayon lang kita nakita. I can see that you’re an interesting woman…” Ano?! Balak pa niya akong bilhin gamit ang pera niya. Ano naman ang tingin niya sa akin? Walang dignidad?! Hindi ako katulad ng ibang mga babae na bumibigay sa pera at hindi nirerespeto ang sarili. Oo, kailangan ko ng pera. Pero maraming paraan para makuha ko ang pera na kailangan ko sa disenteng paraan at ‘di dahil sa maruming paraan na tulad ng inaalok niya sa akin. “I can report you as sèxűál harassment if you keep this act of yours, Sir Yuno.” “Go on. Sino ba sa tingin mo ang kakampihan nila? Ikaw na walang pera o ako na kayang bilhin ang kahit na sino gamit ang pera ko? Money is everything in this world, Noelle…” Naiiyak na talaga ako at alam kong ano mang oras ay bibigay na ako sa pagsagot sa kaniya. Sa totoo lang ay natatakot ako. Naiisip ko na agad kung ano pa ang mga panakot na sasabihin niya sa akin. “Just be my toy. It’s easy. I just want you to satisfy me. You’ll never find a job that can make you a millionaire in a span of few months. Sasahod ka ng dolyar, malaki pa ang palitan sa pera ng Pinas. Take it or leave it. I’m sure your agency won’t give you another job if you quit now. Mahirap na maghanap ng trabaho ngayon.” Ito na ba ang kapalaran ko sa bansa na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD